抖阴社区

CHAPTER 4

131 10 0
                                    

VANCE's POV

The bell rang for dismissal.

"Vance hatid na kita!" Sigaw ni Noemi at nagmadali siyang ligpitin ang mga gamit niya.
Hinintay ko siya sa gilid ng pinto at nakasandal ako doon at pinagkrus ang mga braso ko.

"Noemi umamin ka nga sa akin, nililigawan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya pagkalapit niya.

"Eew! You're not my type Vance." Noemi said. Sumama pa yung mukha niya na parang diring-diri talaga sa akin.

"Oa mo naman, nagtatanong lang e. So ano nga? Hindi mo ako gusto?" Sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.

"Hundred percent no! Atsaka, I'm engaged ano ka ba." Ako naman ang nagulat sa sinabi niya.

"Engaged? Bakit ilang taon ka na ba?" I asked.

"Turning 18 this September. Let's not talk about it Vance, it makes me pissed." Halata ko nga sa boses niya pero makikita mo yung lungkot sa mga mata niya. Siguro arranged marriage 'to kaya ganun. Buhay mayaman nga naman tsk tsk. Pagkalabas namin sa gate ay nalula ako sa ganda ng kotse niya.

"Hoy sigurado ka bang isasakay mo ako diyan? Hala first time kong makasakay ng ganyan kagandang kotse." Malawak ang ngisi ko habang manghang-mangha sa sasakyan ni Noemi.

"Haha silly. Common, sabihin mo lang sa driver ang address mo." Yaya ni Noemi at talaga namang hindi na ako nagtagal pa. Sumakay agad ako at nilanghap ang malamig at mabangong aircon sa loob.

"Uy baka pwedeng paampon hahaha!" Pagbibiro ko. Malakas na tumawa si Noemi at hinampas ang balikat ko.

"You're so funny talaga nakakainis ka hahaha. Masarap ka sigurong maging kaibigan." Napangiti ako sa sinabi niya. Actually wala pa akong masasabing close friend ko talaga. Bukod sa palaaway ako e gold digger din ako kaya namimili ako ng kinakaibigan.

"Naku hindi rin. Mukha akong pera tsaka pilosopo ako kaya wala akong mga kaibigan." Sabi ko sa kanya.

"Bakit sino bang ayaw sa pera? Money is the most important thing in life Vance. Oh I can see that you're a good man, kaya nakikipaglapit ako sayo e." Matamis siyang ngumiti sa akin kaya nilamukos ko yung mukha niya ng pabiro. Tumawa lang din naman siya pero maya-maya ay naging seryoso.

"Pero alam mo, minsan naiisip ko what if mahirap lang kami? Siguro masaya ako, siguro malaya ako, siguro....."

Bigla siyang tumigil. Mapait siyang ngumiti at sumandal sa balikat ko. Ay may mabigat siyang problema. Hindi talaga patas ang mundo noh? Pero at least siya maraming pera, kami may problema na malaki pero mahirap pa rin. Ang unfair.

Tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas. Nakarating na pala kami sa bahay at nakikita ko na naman ang mahabang nguso ng pinakamamahal kong kapitbahay na amoy lupa na.

"OMG is that your house? Awe it's so cute, like the house of my dogs." Napatingin ako ng masama kay Noemi.

"Matutuwa na sana ako e, kinumpara mo naman sa kulungan ng aso mo yang bahay ko." Sabi ko sa kanya.

"Oh I'm sorry hehe, I didn't mean to offend you. It's cute naman kasi talaga." Nakangiting sabi ni Noemi pero inirapan ko siya at bumaba na lang ng sasakyan. Susunod pa sana siya sa akin pero pinigilan ko na siya. Baka makatikim siya sa hagupit ng bunganga ni seahorse.

"Bye Noemi, salamat sa paghatid ha see you tomorrow." Pagpapaalam ko at kumaway naman si Noemi sa akin.

Hinintay kong makaalis ang sasakyan bago papasok sa loob ng bahay.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon