抖阴社区

CHAPTER 21

126 14 0
                                    

VANCE's POV

Nakapagdesisyon kaming umuwi bandang alas 3 ng hapon, kami lang apat dahil wala na si Perseus.

"Baba let's take a selfie." Bigla akong inakbayan ni Gaara at mabilis na hinalikan sa pisngi at nag-picture.

"Hindi pa nga ako umoo tsk." Angal ko.

Nasa loob kami ng sasakyan at pauwi na sa bahay.

"Hehe sorry." Sabi niya lang. Nakangiti siyang nagta-type sa phone niya kaya sumilip ako.

"Ops, you can't take a look." Iniwas niya ang phone niya.

"At bakit?" Taas kilay kong tanong.

"Basta, don't worry wala naman akong iba e."

Inirapan ko na lang siya at kinuha ang phone ko. "Oh dito naman, picture tayo." Sabi ko.

Pagtabi niya sa mukha ko ay hinalikan ko din ang pisngi niya sabay capture.

"Maganda siguro kung palitan tayo ng photo." Sabi niya.

"Tsk 'wag na okay na yan." Sagot ko.

Nakarating kami sa bahay, pagbaba namin ay nakasalubong namin si papa at Perseus na mukhang may lakad. Kaagad akong nagmano kay papa at ganun din sila Gaara, Jackson, at Jayden.

"Where are you going tito?" Tanong ni Gaara.

"Sa palengke, bibili ako uulamin natin mamaya. Tara sama kayo?" Masayang sabi ni papa.

"Sige po." Excited na sagot ni Gaara.

"Ikaw anak sasama ka?" Baling ni papa sa akin.

"Ayoko, magpapahinga na muna ako papa. Tsaka mainit din kasi e." Sagot ko.

"Oo nga, Jayden dito ka na lang din ha? Sasama ako sa kanila." Sabat ni Jackson. Nakangiting tumango naman si Jayden sa kanya.

"Kael magbihis ka muna." Singit ko. Nagmadaling pumasok ng bahay si Gaara para makapagbihis.

"Baba you want ice cream? Bibili ako mamaya." Sabi niya habang nagpapalit ng t-shirt.

"Sige, strawberry flavor ha?" Sagot ko. Nakaupo lang ako sa kama at hinihintay siyang matapos magbihis.

"Okay." Bigla niyang hinubad ang slacks niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Medyo nag-panic ako, buti na lang may boxer shorts siya akala ko wala wews.

Sinuot niya ang short na binili ni papa para sa kanya.

"Alis na ako baba, see you later." Pagpapaalam niya. Medyo natawa pa ako kasi hindi ko nababakas ang pagiging siga niya.

"Hmm sige na, ingat ka. Huwag kang lalayo kay papa okay? Magulo sa palengke baka makahanap ka ng away dun." Paalala ko sa kanya.

Tumango siya at inilahad ang palad niya.

"Ha? Aanhin ko yang kamay mo?" Takang tanong ko.

"I don't have money baba e, give me money para makabili ako ice cream." Ngising sabi niya. Nasapo ko na lang ang noo ko.

"Ayan, layas pa more." Sabi ko sa kanya. Dumukot ako sa wallet ko at binigyan siya ng 500.

"Alright! Bye baba." He kissed me on my cheek. Hindi ko inasahan yun kaya nagulat ako. Patakbo siyang lumabas ng kwarto at halatang excited.

Nagbihis ako at pagkatapos ay naglabas ako ng libro para magbasa habang hinihintay silang makauwi.

Maya-maya pa ay may narinig akong katok sa labas.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon