KAEL's POV
"Alright guys, let's party woohoo!" I shouted when the crew brought our food and drinks in the room. We occupied the VIP room and the next two rooms side by side. Para walang makarinig o kahit makaistorbo sa amin.
"Ang dami naman niyan! Baka hindi naman tayo makauwi niyan hoy!" Reklamo ni Vance.
"Iuuwi kita baba don't worry. Just have fun okay?" I said and I pinched his left cheek.
"Siguraduhin mong wala kang gagawin sa akin ha? Naku sinasabi ko sayo talaga...."
"Tsk baba praning ka na naman. What do you wanna eat?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ang mga pagkain at nagtuturo na siya. Bawat turo niya ay nilalagay ko sa pinggan niya.
"Noemi you want this salted...." Ibibigay sana ni Jayden ang smoked salted salmon pero pinitik ni Perseus ang chopsticks na hawak ni Jayden kaya tumilapon ito sa pinggan na puno ng beef.
"Mind your own, or Jackson." Striktong sabi ni Perseus kaya nagkatinginan kami.
"It's just a salmon hello? Selos ka naman agad?" Panunukso ni Jayden.
"Shut up!" Asar na sabi ni Perseus.
"You're fighting over me hahaha. Come on guys, I'm not that pretty." Pang-aasar din ni Noemi kaya natawa kami. Kinagat pa niya ang daliri niya habang nagpapa-cute sa harap ni Perseus.
"Yeah right, tch!" Pinaikot ni Perseus ang mga mata niya saka niya nilagyan ng salmon ang pinggan ni Noemi.
"Looks like he has a crush on me." Sabi ni Noemi at bumungisngis siya.
"Nope. Naawa lang ako sayo kanina kasi halos kainin mo na ang uhog mo." Sagot ni Perseus at sabay kaming napangiwi.
"Of course not kadiri ka! Ayoko na nga!" Nandidiring binitawan ni Noemi ang tinidor niya at nagmaktol siya.
"Oh 'pag kayo nang-asar okay lang? Tapos kapag ako mag-a-attitude ka?" Taas kilay na sabi ni Perseus at hinarap si Noemi.
"W-w-wait...." Putol ko sa bangayan nila.
"Hindi pa nga nagsisimula ang relasyon niyo nag-aaway na kaagad kayo?" Natatawang sabi ko.
"Ain't no way that I will pursue this little girl, sinabi ko na sa inyo na ayoko sa maaarte." Sabi ni Jackson.
"Little what? Hoy Perseus Jade Nase, I'm already a woman. Debut ko na sa November noh!" Angal ni Noemi.
"You're still a little girl in my eyes." Sagot ni Jackson kaya mas lalong nainis si Noemi. Padabog siyang kumain at hindi na pinansin si Perseus.
"Wooh! Argh ang anghang." Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Vance kasabay ang pagbagsak niya ng baso niya.
"Did you just drink your whiskey cocktail?" Gulat kong tanong. Ubos ang laman ng baso at pagtingin ko sa mukha niya ay namumula na siya.
"What the hell Vance? Sanay ka bang uminom?" Tanong ni Noemi.
"Akala ko juice lang 'to. Nabilaukan kasi ako e." Napakamot sa balikat si Vance.
Nagtawanan kami. "Sige magtawa, kapag kayo nabilaukan hahayaan ko kayong mamatay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Uy baba don't say that. Lasing ka na ba kaagad?" Tanong ko.
"Naku po yari! Isang cocktail lang yun ha!" Malakas na tumawa si Jackson.
"Hindi ako lasing noh, nainis lang ako kasi ang init sa lalamunan at sikmura." Vance said.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.