KAEL's POV
Vance is hella serious.
"Wait wait, I'm confused. Kael, you're going home in his house?" Tanong ni Jackson.
"Yep kagabi." Sagot ko at umakbay ako kay Vance.
Nakatanggap na naman ako ng isang malupit na siko mula sa kanya.
"Sinabi ng 'wag kang dumikit e!" Naiirita niyang sabi sa akin. Yiieee, ang gwapo niya kapag namumula siya sa inis hihi.
"Bakit? Buti pinayagan ka ng daddy at ni grandpa?" Jayden asked too.
"Do I have to get their permission? E wala naman silang pakialam sa akin e." Sabi ko at umakbay ulit ako kay Vance para mas lalo siyang mainis.
"Tsk Kael! Naiirita na talaga ako sayo ha!" Singhal niya at gigil niyang kinagat ang kamay ko bandang palapulsuhan.
"Araaaay! Hahahaha!" Imbis na magalit ako sa pananakit niya e mas natawa pa ako. Tinignan pa nga ako ng lahat na may bahid na pagtataka.
"You're crazy." Malamig na sabi ni Perseus.
"Ehe." Ngisi lang ang tinugon ko habang banayad na hinaplos ang kamay kong kinagat ni Vance.
"So ano na? Tutuloy pa ba tayo sa court?" Tanong ni Jackson. Hindi kasi sila kikilos hangga't hindi ko sinasabi.
Tumingin ako kay Vance at ngumiti, "pwede ba? Saglit lang nam....."
"Hindi! Dumiretso ka sa classroom ngayon na!" Matigas na utos niya sa akin. Nakangiti akong tumango at niyaya na ang mga kaibigan ko. Kakamot-kamot na lang sila sa ulo habang nakasunod sa akin.
Pakanta-pakanta pa ako habang naglalakad at maya't-maya akong lumilingon kung nakasunod ba si Vance sa akin. Wala lang, ayoko lang siyang malayo hihi.
Biglang may bumangga sa akin na dalawang babae at naapakan ang sapatos ko.
"Hala sorry po." Kinakabahang sabi nila sa akin.
"Hindi niyo ba ako nakita ha?" Inis kong sabi.
"K-Kasi po nakatingin kayo sa likod kaya..."
"So it's my fault?" Dahan-dahan akong lumalapit sa dalawa at takot na takot naman silang napapaatras.
"S-Sorry Kael...." Mangiyak-ngiyak nilang sabi.
"Stupid!" Sinundot ko ang noo ng isa pero bigla na lang may dumapong kamay sa daliri ko at binali iyon.
"A-Araaay! Vance baka mabali yang daliri ko!" Napahiyaw na lang ako.
"Punyemas ka talaga! Pati babae ginaganyan mo? Babaliin ko talaga hindi lang daliri mo kundi buong braso mo kapag hindi ka tumigil diyan sa katarantaduhan mo!" Bulyaw niya sa akin.
"Araaay! So-Sorry na hindi na ako gagawa, I mean uulit. Aw!" May namuong luha sa mata ko dahil sa sakit ng daliri ko. Babalian niya talaga ako huhu.
Hindi niya binitiwan ang daliri ko at hinila na niya ako pabalik sa classroom. Narinig ko ang hagikhik ni Noemi sa likuran kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Buti nga sayo bleh!" Mahinang sabi niya sa akin. Sisipain ko sana siya pero lumingon si Vance kaya hindi ko na lang tinuloy.
Pinagtawanan tuloy ako nilang lahat.
Pagkarating sa classroom ay kaagad kaming umupo at hinintay ang susunod na subject. Gusto kong kulitin si Vance pero nakakatakot kapag tumingin siya sa akin, para bang anytime ay kakagatin niya ko ulit.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.