VANCE's POV
"Daddy no!" Pigil ni Kael Kay Mr. Suson pero nasampal na niya ako ng malakas. Hawak ng dalawang tauhan niya ang mga kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi ang mapaluha sa sakit ng pisngi ko.
"Didn't I tell you to stay away from this rat?!" Galit na sabi ni Mr. Suson. Tumalim ang titig ni Kael sa daddy niya at akma niya itong susugurin.
"Kael no. Hayaan mo siya." Pigil ko kay Kael.
"P-Pero baba....."
"Sinabi ko na sayo na huwag kang makipag-away, lalo na sa mga magulang mo." Mahinahon kong sabi pero kay Mr. Suson nakatuon ang mga mata ko. Bahagyang kumunot ang noo niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You see Mr. Suson? Kaya hindi ka sinusunod ng anak mo kasi hindi ka marunong maging magulang." Kalmadong sabi ko.
"What did you just say?" Gulat na tanong ni Mr. Suson.
"I'm sorry if it is sounds offensive but I stand for what I have said. Siguro nga isa akong daga sa paningin niyo pero mas masahol pa kayo sa akin." Dugtong ko na lalong nagpagalit sa matanda.
"Opo mahirap lang ako pero alam ko kung paano bumalanse sa kung anong tama sa mali. E kayo ho?" Sabi ko. Hindi nakaimik ang matanda kaya nagpatuloy ako.
"Wala kayong ibang nakikita sa anak mo kundi puro kamalian niya. Paano kayo susundin at igagalang ng anak niyo kung kayo mismong mga magulang niya ay hindi niyo siya pinapakinggan?"
"Silence! Bastos ka! Wala kang galang!" Pagpapatahinkk sa akin ni Mr. Suson.
"E kayo ho? Ginalang niyo ba ang nararamdaman ko lalo na ng anak mo?" Sagot ko sa kanya.
"How dare you to talk to me like that! You are just a piece of trash!" Dinuro niya ako.
"No sir, how dare you to treat me like this! All I did was love your son because you can't give it to him. I will ask you Mr. Suson, sino sa atin ang mali? Kami ni Kael na nahanap ang kalinga sa isa't-isa o kayo na tinututulan kami kahit alam niyong may malaki kayong pagkukulang?" Napatulala ang matanda at hindi nakakibo. Totoo naman e, kailangan niyang masampal ng reyalidad.
Inaantay ko ang isasagot niya pero biglang dumating si sir grandpa.
"Rael that's enough." Grandpa said.
"Papa, buti nandito ka. Pagsabihan mo nga 'tong....."
"I said enough! You have an emergency meeting but why are you here?" Pinagsabihan ni grandpa si Mr. Suson.
"Pupunta kaagad ako doon, I came here to lecture and discipline this......"
"Go ahead to the meeting, late na ang mga bata sa klase." Putol ni grandpa sa paliwanag nito.
Lumapit sa akin si Mr. Suson at bumulong, "we are not done yet." Banta niya.
Pagkaalis ng daddy ni Kael ay saka pa lang ako ngumawa habang hinahaplos ang nasampal kong pisngi.
"I'm so sorry baba." Nakukonsensyang sabi ni Kael.
"Ang sakit dada..." Reklamo ko sa kanya.
"Mamaya na ang lambingan, hala sige, pumasok na kayo sa klase." Biglang singit ni sir grandpa.
"Woah that was intense." Sabat naman ni Jackson.
"Nandiyan ka pa pala walanghiya ka! Tara na nga!" Sabi ko. "Uhm sir grandpa thank you po ha? Bye po ingat po kayo." Magiliw na paalam ko kay sir grandpa at tumango naman siya.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.