抖阴社区

CHAPTER 54

139 12 1
                                    

VANCE's POV

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ng makita ko ang posted news

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ng makita ko ang posted news.

"Punyemas! Anong ginawa mo?" Tanong ko sa sarili ko.

Nagmadali akong magbihis para puntahan ang hospital na pagmamay-ari din ng pamilya nila Kael. Gusto ko lang siyang makita at masigurado na hindi grabe ang nangyari sa kanya.

Lumabas ako ng bahay at napagtantong gabi na pala. Almost 7 pm na kaya nagtawag na ako ng taxi para mabilis akong makarating total gabing gabi pa naman ang uwi ni papa.

Nabigla ako sa balita kaya hindi na ako nakapag-isip, basta na lang ako sumugod sa hospital na hindi na naisip ang mga posibleng mangyari.

"E-Excuse me, saang room po si Kael I mean, Mr. Kael pala? I'm his friend po, classmate kami section A."  Sabi ko sa nurse na nakasalubong ko.

"Uhm..." Kumunot ang noo ng nurse. "Hindi ko alam kung pwede ka doon e pero room 10 po siya." Sabi niya.

"Thank you." Sabi ko at dumiretso na sa sinabi niyang kwarto.

"Ano 'to Vance? Tsk wrong move ka naman e!" Bulong ko sa sarili ko habang pinag-iisipang kakatok o bubuksan na lang ang pinto.

"Huwag na nga lang!" Sabi ko at tumalikod. "Pero nandito na ako e. Bahala na!" Humarap ulit ako sa pinto at lakas loob ko yung tinulak.

Shit bukas nga. Ano naman ang sasabihin ko? Baka nandito ang daddy ni Kael.

"Kael stop crying."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung makita kong nakayakap si Noemi kay Kael. Sila lang dalawa at wala ang iba.

"Kung sana kagaya mo na lang siya e. Siguro hindi ako nahihirapan ng ganito." Nakatulalang sabi ni Kael.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto para hindi nila ako mapansin.

"What do you mean by kagaya ko? You love him for what he is, don't say such things kasi masakit yan kung maririnig ka niya." Napakagat labi ako sa sinabi ni Noemi.

So sana pala naging babae na lang ako ganun ba? E gago pala siya e, simula pa lang alam naman niyang lalaki ako pero bakit hinayaan niya pang mahulog siya sa akin? Dinamay niya pa ako!

"I know, but I can't help myself thinking na kung babae siya at mayaman na kagaya mo hindi kami magkakaproblema ng ganito." Napakuyom ako ng kamao.

"Pero kahit naman ganun....."

Hindi ko na pinatapos pa ang mga sasabihin ni Kael, umalis na ako na dala-dala ang inis at sama ng loob ko sa mga sinabi niya.

Sobrang kapal ng pagmumukha niya.

Pero oo nga naman, bakit ko ba naman kasi siya minahal? Alam ko namang malaki ang magiging pagkukulang ko sa kanya.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon