Nagsipaglabasan ang mga kaklase ko kaya takang-taka ako. Wala na bang kasunod na subject? Lumapit sa akin si Noemi kaya gulat na gulat ako.
"Wanna join me in cafeteria?" She asked.
"Bakit? Wala na ba tayong klase?" Naguguluhan kong tanong.
"Vance common, first day of school ngayon. Dapat nga nagrerelax lang tayo e, pero dahil nainis si sir binigyan tayo ng quiz." Sabi ni Noemi kaya napanganga ako. Ganito pala sa SB High?
"So you mean, the whole day wala tayong gagawin?" Tanong ko pa at tumango siya.
"Actually may program after lunch. Magpi-present bawat members ng different clubs here sa school." Mas lalo akong napanganga.
"But it's boring so if you wanna go home ihahatid kita." Napataas ang kilay ko.
"Ay bakit friends na ba tayo?" Tanong ko pero tinawanan lang ako ni Noemi.
"Bakit yaw mo ba? I saved you a while ago remember?"
"Ay waw presko. O sige na nga total mapilit ka. Libre mo ako ha, mahirap lang ako e." Sabi ko at tumayo na ako. Paghakbang ko ay pinatid ako ni Jackson kaya muntik na akong madapa.
"Yow dude! Hahaha!" Tuwang-tuwa na sabi ni Gaara at nag-high five pa talaga sila.
Sa inis ko ay binigyan ko din ng high five si Jackson, pero sa pisngi.
*PAK*
Gulat na gulat si Jackson sa ginawa ko at nanlaki ang butas ng ilong niya. Napasinghap si Noemi at pilit akong hinihila palabas ng room.
"What the f...why did you slap me?" Sabi ni Jackson.
"Ay hindi yun sampal, high five yun pero sa mukha mo tumama. Gusto mo isa pa?" Sagot ko sa kanya.
"You crazy asshole......"
"Waaaaaaa!" Tumakbo ako ng napakabilis bago pa ako nahawakan ni Jackson. Loko ba sila? Mayaman lang sila pero matapang ako. Hinding hindi ako paaapi aba.
Humabol sa akin si Noemi at kahit hinihingal ay tumatawa pa rin siya.
"You know what, for almost 6 years ko dito sa SB High ngayon ko lang nakita na may lumaban dun sa apat na yun." Sabi niya.
"Kaanu-ano mo ba sila Noemi?" Tanong ko.
"Wala, kakilala lang." Simpleng sagot niya.
Nagkibit balikat na lang din ako at tumuloy na kami sa cafeteria. Kumpleto dito sa loob ng building, may cafeteria, clinic, playground, garden, at covered court. Nilibre nga ako ni Noemi kaya naman todo ang ngisi ko habang kinukuhanan ng picture ang mga pagkain.
"Hey girl, attend ka sa party?" Dinig kong usapan sa katabing table.
"Of course, I don't want to miss the moment with Kael aacckkk!" Pigil ang tili ng mga babae sa usapan nila. Noemi is not comfortable, pansin kong iniiwasan niyang mapag-usapan ang topic ng mga babae sa katabi namin.
"Anong party?" Tanong ko kay Noemi.
"That's the program I told earlier." Sabi niya pero nag-iiwas siya ng tingin.
"Weh? Sige nga sipol ka nga?" Sabi ko sa kanya na hinuhuli ang mga mata niya.
"Vance stop it. That's nothing okay? Ang mabuti pa ay umuwi na tayo after kumain."

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 2
Magsimula sa umpisa