抖阴社区

                                    

"Ayoko! Aattend ako sa party na yun." Napabuntong hininga na lang si Noemi sa sinabi ko.

"If I were you, I would not go to that party. Scholar ka 'di ba? You have a reputation to maintain and......

"And may something nga sa party na yun? Hindi yun kasali sa program 'di ba? 'Di ba?" Pangungulit ko.

"Oo na nga! Hay naku ewan ko sayo, iniiwas lang naman kita sa gulo pero apelyido mo yata ang gulo e." Sabi ni Noemi.

"Uy grabe ka naman. Curious lang naman ako e."

"Curiosity killed the cat." Babala niya sa akin.

"But I'm not a cat Noemi. Samahan mo ako ha?" Nagpa-cute ako sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Nagtagal kami sa cafeteria hanggang sa nagsimula ang program. Ayaw manood ni Noemi kasi boring daw kaya no choice na rin ako. Ayoko namang magpumilit at baka hindi niya ako samahan sa party mamaya. Maghapon kong hindi nakita ang apat na warfreak kaya tahimik ang buhay ko. Almost 4pm natapos ang program at nagsiuwian na ang iba.

"Oh akala ko ba may party? Bakit nagsiuwian na ang iba?" Tanong ko kay Noemi. Naglalakad kami papunta sa covered court.

"Cuz it's not the usual party you know. Sabi ko naman kasi sayo umuwi na lang tayo." Pagmamaktol niya. Pero ewan ko ba sa kanya, pwede naman niya akong iwanan at pabayaan pero mas pinili niyang sumama sa akin. Weird.

May mangilan-ngilan sa mga students ang pumasok sa court kaya mas lalong tumataas ang curiosity ko. Kinakabahan akong binuksan ang pinto ng covered court, akala ko na sa center sila pero wala namang katao-tao.

"Oh nasaan na sila?" Tanong ko kay Noemi. Hinila niya ako sa isang maliit na pinto sa tabi ng locker room.

"Open it." Utos niya.

"H-Ha? Ayoko, ikaw na."

"Mas lalo namang ayoko. Open it Vance."

"Bakit ayaw mong buksan?" Naghihinalang tanong ko.

"Ikaw ang may gustong pumunta so ikaw na ang magbukas." Sabi niya.

"Ayoko. Pinaprank mo yata ako e." Sabi ko at lumayo ako sa doorknob.

"What? O sige kung ayaw mo 'wag na tayong pumasok."

"Uy wait lang, s-sige na bubuksan ko na." Napipilitan kong sabi. Ewan ko ba, malakas ang gut feeling ko na may hindi magandang mangyayari sa loob.

Pero dahil bida-bida nga ang Vance ay mas nanaig ang curiosity ko. Kinakabahan akong hinawakan ang doorknob at dahan-dahan yung pinihit.

"T-Teka kinakabahan ako." Isinara ko ulit yung pinto.

"Then let's go home. Tara na." Sabi ni Noemi.

"Hindi. Kaya ko 'to. Halika hawak kamay tayo." Inabot ko ang kamay ni Noemi at lakas loob kong binuksan ang pinto.

"Oooohhhhhh!" Salubong ng mga students sa amin. Nangunguna sa harap si Gaara na naka-cross arm at nakataas ang kilay. Sa likuran niya si Jayden, Jackson, at Perseus na nakakatakot ang ngisi.

Nagpalakpakan at nagsigawan ang mga students na para bang nae-excite sa mangyayari.

"No! Umalis na tayo Vance bilis." Hinila ako palabas ni Noemi pero sinipa ni Gaara ang pinto pasara.

"Now you're in my cage you trash." Nakangising sabi ni Gaara.

Napalunok ako. Tumabi ako kay Noemi at kinakabahang bumulong.

"What is this? Anong ibig niyang sabihin ha?" Sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sayo 'wag na tayong pumunta. Nakakainis ka talaga." Ramdam ko ang pag-aalala ni Noemi.

Punyemas! Ayan kasi bida-bida! Mapapahamak pa yata ako sa unang araw ko dito!

Pinalibutan ako ni Jayden, Jackson, at Perseus. May bitbit na golf club si Gaara na ngayon ko lang napansin. Diyos ko yayariin na yata nila ako help me Lord!

"Any changes on the rules Kael?" Maya-maya ay nagsalita si Perseus.

"Hmm, ano kayang maganda? What if lumabas kayong lahat at kami lang ng baliw na 'to ang maiiwan?" Nasisiyahang sabi ni Gaara.

Diyos ko ano ba kasing party 'to? Escape room party? Killing party? Bugbugan party? Ay naku ayoko pang pagkapehan naku naman.

"No. That will ruin the fun." Sagot ni Perseus.

"Then witness everything. Yow guys? Are you ready to party......?" Malakas na sigaw ni Gaara at naghiyawan naman ang mga students sa loob.

Goodbye papa Valentine. Goodbye aling seahorse. Goodbye everything huhu.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon