"Ay iba din! Nakadali ng mayaman hahaha." Sabi ni seahorse kaya humugot muna ako ng maraming pasensya.
"Aling seahorse este Dory, we are just friends." Sabi ko. Inismiran ako ni seahorse at hilaw na tumawa.
"Tumigil ka daw Bans, we are just prends ka pang nalalaman. Mana ka talaga sa nanay mo hahaha!"
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi talaga nadadala sa mahinahon na usapan 'tong seahorse na 'to e.
"Maniwala ka man o hindi wala akong pakialam. Huwag mong dinadamay sa usapan ang matagal ng patay aling Dory ha! Huwag niyo hong inuubos ang natitirang paggalang ko sa inyo!" Matigas kong sabi sa matanda.
"Hoy buhay ang nanay mo! Nagpapakasarap sa buhay dahil sa mayaman niyang lalaki. Palibhasa......."
"Patay na siya para sa akin! Atsaka ikaw din malapit na, nakahanda na nga yung mga itim kong kandila para sayo!" Sabi ko.
"Walanghiya ka talagang bata ka! Aba'y hindi ka na talaga marunong gumalang ano?" Galit na sagot niya sa akin.
"E hindi naman kayo kagalang-galang! Lagi niyo nga kaming minamaliit tapos gusto mong galangin kita? 'Di na ho, manigas na lang kayo!" Inis kong sabi at iniwanan na siya sa labas. Cease fire na muna sana kami pero napakatigas talaga ng kulubot niyang mukha.
Padabog kong inilagay ang bag ko at nagbihis ako.Doon ko lang napansin na wala pa pala si papa. Nagsaing na lang muna ako at nilinis ang lababo. Pagkauwi ni papa ay may dala siyang ulam.
"Anak oh KFC ulam natin hehe." Ngumisi si papa habang ako naman ay nagtataka.
"Paanong KFC papa e nakasupot lang naman yan?" Tanong ko.
"KFC nga. Kantong fried chicken, KFC." Tumawa ng malakas si papa.
"Ha-ha! Nakakatawa po." Inirapan ko siya.
"Magsandok ka na, nagugutom na ako."
Sabay kaming kumain ni papa, in all fairness naman masarap yung KFC haha.Kinabukasan sa SB High,
"Vance!" Habol ni Noemi sa akin. Papasok na ako sa classroom.
"Good morning." Bati ko.
"Good morning din." Nakangiti niyang sabi. Maganda pala naman si Noemi, halatang rich kid pero very approachable.
"Uy ire-remind kita ha, every Friday pala naglilibot dito si Mr. John Rael Suson. Baka lang makasalubong mo at hindi mo makilala." Sabi niya.
"Oh talaga? Anong ginagawa?" Tanong ko.
"Nagtitingin-tingin lang. Tsaka inaalam nun kung may trouble na naman ba yung apat." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang grupo ni Gaara.
"Oh I see. Sige sige noted." Sabi ko.
Pagkabukas ko ng pintuan sa room ay hindi sinasadyang natamaan si Gaara."What the hell? Nananadya ka ba talaga?" Umusok kaagad ang ilong ni Gaara. Napatingin ako kay Persues at parang sinasabi niyang (see? I told you).
Humarap ako kay Gaara. "Alam mong pintuan dito 'di ba? Daanan 'to at hindi tambayan!" Sagot ko sa kanya.
"Alam mo, napupuno na talaga ako sayo. Come here....."
Bigla niya akong hinila at idinikit niya ako sa pader.
"Aray! Masakit ha bwisit ka!" Reklamo ko.
Narindi na siguro talaga siya sa akin kaya nilamukos niya ang bibig ko. Mahaba ang kuko niya ay naramdaman kong bumaon iyon.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 4
Magsimula sa umpisa