抖阴社区

                                    

"Aaaahhh!" Sigaw niya.

Naglanding siya sa mga bisig ko at mahigpit siyang napakapit sa akin.

*Tugdug Tugdug Tugdug*

Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ako nakakilos habang nakayakap si Vance sa akin at iniinda ang hita niya.

"Aray ko! Ang sakit ng paa ko." Naiiyak niyang sambit.

Ako naman ay napapalunok lang ng laway at hinihintay na umalis si Vance sa pagkakayakap sa akin.

Tumayo si Perseus at inalalayan si Vance patayo.

"Stay still, pahupain mo muna yung ngalay." Sabi ni Perseus. Tumango si Vance na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Perseus.

What the fck was that?

Why is my heart pounding so fast until now kahit wala na si Vance sa akin?

"Kael? Kael hoy!" Pukaw ni Jackson sa akin.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?" Jayden asked.

"H-Ha? Ah y-yeah, yeah. I gotta go get some cold water." Sabi ko at nagmadali akong tumayo. Sumasakit ang dibdib ko at natutuyuan ako ng laway sa lalamunan.

"Kael get me water too." Sigaw ni Jackson pero nagtuloy-tuloy na ako.

Naabutan ko si tito Valentine na may niluluto na naman.

"Oh Kael, may kailangan ka ba?" Nakangiti niyang tanong.

"Cold water po tito." Sabi ko na hawak ang dibdib ko.

"B-Bakit napano ka? Aba'y sandali lang." Nagmadali siyang kumuha ng tubig at binigyan ako.

Uminom ako at humingi pa ng isa. Pinukpok ko nga ang dibdib ko kasi parang nahihirapan akong huminga.

"Kael ayos ka lang? Tara sa kwarto ng anak ko magpahinga ka muna." Nag-aalalang sabi ni tito.

"I'm, I'm fine tito. M-Medyo mainit lang dito sa loob. " Pagdadahilan ko.

"Pasensya ka na, yung kwarto lang ng anak ko ang may aircon e. Malaki kasi ang bill ng kuryente e kaya electric fan lang ang kaya ko." Sabi niya and it moved me. Ganun niya kamahal si Vance to the point na kahit 'wag na siyang malamigan.

Nakakainggit.

"It's okay tito. Thank you for the water. Uhm, ano po yang niluluto niyo?" Tanong ko kasi ang bango ng naaamoy ko.

"Alam mo ba yung sulbot?" He asked.

"H-Hindi po e." Sagot ko.

"Oh siya mamaya matitikman mo kung ano ang sulbot. Huwag muna kayong umuwi ha? Magmeryenda muna kayo." Sabi niya kaya napangiti ako at tumango.

Buti pa siya gusto akong makasama. Hindi katulad ng mga tao sa bahay na halos isumpa nila ako.

Bumalik ako sa sala at naiinip na ang mga itsura ng tatlo.

"Let's go somewhere else, mall or park?" Sabi ni Jackson.

"Later. I want to taste the sulbot of tito Valentine." Sabi ko.

"What's sulbot?" Tanong ni Jayden.

"That's why we should wait, I don't know what it is either." Sagot ko.

"Where's Vance?" Saktong pagtanong ko ay narinig namin ang malakas na sigaw ni Vance na parang may kaaway siya.

"Speaking of, kahit saan talaga siya ilagay may kaaway siya tch." Sabi ni Jackson.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon