抖阴社区

                                    

"You're my only one Jayden, you're my forever." Sagot ni Jackson at napangiti na lang ako. They really love each other.

Dagling humalik si Jayden sa pisngi ni Jackson bago kami bumaba ng sasakyan. Pagkapasok namin sa bahay ay ako muna ang naunang naglinis ng katawan at kaagad akong pumasok sa kwarto namin ni baba.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako inaantok!" Busangot na sabi ni baba. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan.

"Bakit mo'ko hinintay?"

"Aba malamang lasing ka e. Paano kung matumba ka tapos mabagok yang ulo mo e 'di konsensiya ko pa tss!" Napangiti ako at dahan-dahan akong umupo sa kama.

"Come baba, sit here on my lap." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. "Ano? Ayoko nga ano ka!" Tanggi niya.

"Tsk! Hindi na ako mabaho, naglinis ako ng katawan at nagtooth brush din."

"Kahit na, ayoko pa rin."

"Ayaw mo? Do you want me to shout to wake your father?"

"Try mo, paduduguin ko yang nguso mo talaga."

"Oh okay." Sabi ko. Malakas kong tinawag si tito Valentine pero tarantang tinakpan ni baba ang bibig ko.

"Hoy punyemas ka! Huwag ka ngang nambubulahaw!" Pinanlakihan niya ako ng mata. Hinawakan ko ang bewang niya para paupuin siya sa hita ko.

"Oo na uupo na! Bwisit ka talaga kahit kelan e." Umupo siya at tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko.

"Yakap ka sa leeg ko baba." I said.

"Napakademanding mo na Kael Timothy Suson, hindi ka na nakakatuwa."

"Tsk dali na kasi." Kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay sa batok ko.

"Ano ba kasing trip mo? Madaling araw na oh baka pwedeng matulog na tayo?"

"Wait lang, gusto ko lang maglambing e."

"Ay jowa? Asawa? Tumigil ka hoy!"

"Hehe. Hihiga tayo pero huwag kang maglagay ng unan sa gitna okay?" Kaagad siyang bumusangot.

"Hindi pwede. Ayokong dumikit ka sa akin."

"E 'di papatong na lang ako sayo."

"Subukan mo, masasaktan ka na naman sa akin."

"Oh really huh?" Bigla ko siyang inihiga pahalang sa kama at dinaganan.

"Ugh Kael ano ba! Ang bigat bigat mo ha!" Reklamo niya.

"Ang ingay mo sarap mong halikan para manahimik ka e."

"Gawin mo, kakagatin ko yang labi mo talaga." Banta niya.

"No problem baba." Sabi ko. I pinned his two arms on the bed at sinugod ang namumulang labi niya.

Pumalag siya at kinagat nga niya ang lower lip ko.

Masakit, ramdam ko ang pagbaon ng mga ngipin niya pero hindi ko siya binitawan. Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo pero tiniis ko pa rin.

Maya-maya lang ay kusa niyang binitawan ang labi ko. Tinuloy ko ang paghalik kahit mahapdi, kahit lasang dugo. Hindi ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam, gustong gusto ko.

He's responding my kiss too.

After a while I stopped, tinignan ko siya at ganoon rin siya sa akin. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa labi ko.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon