Hinintay kong pumasok si Gaara sa kwarto pero 10pm na ay wala pa rin siya.
Lumabas na ako at nakita ko siyang nakaupo sa couch, si papa ay nasa kusina, si Perseus at Jayden ay nasa kwarto na nila.
"You're not sleepy? Halika na sa kwarto matulog na tayo." Sabi ko nung makalapit ako.
"Later baba." Tipid niyang sagot.
"Kael huwag mo naman akong iwasan." Sabi ko at tumayo ako sa harap niya.
"E 'di huwag mo nang ipilit ang plano niyo." Sagot niya.
"Bakit ba kasi ayaw mo? Magpapanggap lang ako, hindi naman totoo yun."
"I'll go take a shower." Tumayo siya at nilagpasan ako. Nauubusan na ako ng pasensiya sa totoo lang. Ang hirap niyang pakiusapan punyemas.
Bumalik ako sa kwarto at hinintay siyang pumasok. Maya-maya pa ay pumasok na rin siya na seryoso ang mukha.
Dinampot niya ang unan at kumot. "I'll sleep outside." He said.
Nagmadali kong tinakbo ang pinto at humarang doon.
"You're not leaving." Sabi ko.
"Baba please, ayoko ng away."
Ay waw! Coming from the troublemaker haha. Retired palaaway yarn?
"Hindi naman tayo nag-aaway ah?" Sabi ko .
"Okay then let's sleep." Ibinalik niya ang unan at kumot at humiga siya. Nagtalukbong pa talaga siya ng kumot just to avoid me. Humiga ako at sumuot ako sa kumot niya.
"Kael let's talk......"
"Ayoko! Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko, hindi ako papayag." Putol niya sa sasabihin ko.
"Grabe ang hirap mong suyuin ha! Sige naman na, mga kaibigan mo yung nangangailangan ng tulong oh." Sabi ko.
"Bakit kasi kailangang ikaw pa? She can use Perseus if she wants." Sabi niya.
Umupo siya kaya naman bumangon na rin ako at umupo sa hita niya.
"E 'di ba well known rin ang family niya? So baka hindi sila maniwala. Sige na pumayag ka na." I replied.
"Bakit ba ang kulit mo? Ayoko nga sabi." Medyo tumaas ang boses niya.
"Sige ganito na lang, instead na kiss sa cheeks everyday ay sa lips na total tayo naman na e. Oh ano, ayaw mo pa rin pumayag?"
"A-Y-O-K-O." Sagot niya na umiling pa.
"Kael naman....."
Naiinis na talaga ako, hindi niya maintindihan na magpapanggap lang kami. It's not really a big deal.
"Sige pano kung gumana nga ang plano niyo? What about Jackson and his family business? Naiisip mo bang tuluyan silang lulubog kapag hindi matuloy ang kasal nila? Mas lalo lang silang kawawa baba." Sabi niya.
"Pero si Jackson na mismo ang nakiusap sa akin, for sure naman magagawan pa nila ng ibang paraan 'di ba? Kaya sige na pumayag ka na, please?"
Niyakap ko siya habang nilalaro ang buhok niya sa likod.
"Still no. No! No! No!" Mahigpit siyang umayaw. Kumalas ako and I kissed him on his lips.
"Please?" Sabi ko.
"No." Sagot niya na nakatitig sa akin. I kissed him again.
"Please?" Pag-uulit ko pero umiling pa rin siya. I kissed him again for the third time.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 22
Magsimula sa umpisa