"Hay naku, mana ka talaga sa mama mo. Habulin ng same gender hahaha." Nagulat ako sa sinabi niya. Biglang umurong ang mga luha ko at tinitigan siyang mabuti.
"A-Anong ibig mong sabihin pa? A-Alam mong sa babae siya nakipag-relasyon?" Tanong ko. Natahimik naman siya at napansin kong namutla ng bahagya.
"Papa naman e, may hindi ka sinasabi sa akin!" Nagpapadyak ako.
"W-Wala naman yun, tanggap ko naman. Halika na, magbihis ka......."
"..hindi ayoko. Sabihin mo muna kung anong nalalaman mo." Matigas kong sabi sa kanya.
He sighed. "Okay sige, oo alam ko naman na babae ang karelasyon niya."
"So alam mong si Perseus ang anak ng karelasyon niya?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
"Ha? Talaga? Si Perseus ang anak ng kinakasama niya ngayon?" Gulat na sabi ni papa.
"Tsk papa naman e! Huwag na kayong magkunwari pa!" Maktol ko.
"Ay hindi anak, hindi ko talaga alam na si Perseus pala yung anak ng kinakasama ng mama mo ngayon." Sabi ni papa.
"Yung totoo?" Paninigurado ko.
"Oo nga promise, mapanis man lahat ng siomai na ginawa ko." Sabi ni papa kaya alam kong nagsasabi na siya ng totoo.
I sighed. "E bakit hindi mo sinabi sa akin? Akala ko pa naman ang kabit ni mama ay ang daddy ni Perseus." Sabi ko.
"E akala ko wala kang pakialam e. Ayaw mong pag-usapan, tapos yun nga loner ka kaya naisip kong 'wag na sabihin sayo. Baka mas lalong ikasama ng kalooban mo." Ani papa.
"Gusto ko rin naman siyang makita, pero nung nalaman kong sinasaktan niya si Persues nawalan na ako ng ganang kausapin siya." Sabi ko.
"Hays! Hindi na talaga nagbago yung babaeng yun. E kamusta naman si Persues?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"Papa kakasabi ko lang na trinaydor niya kami ni Kael. Dahil sa kanya kaya napahiya ako sa school." Sumimangot ako.
"Mabait si Persues, alam kong may dahilan siya kaya ipinagkalat niya yung relasyon niyo ni Kael."
"Anong relasyon? Walang ganun pa, tsk!" Inis kong sabi pero tinawanan niya lang ako.
"Sus wala daw, kahit ilang beses ko na kayong nakitang magkahalikan?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Lah walang ganun papa, 'wag kang gumawa ng issue." Sabi ko pero nag-iwas ako ng tingin.
"Bakit? Ano ba 'tong bahay natin sa tingin mo? Mansion? Para hindi ko kayo makita?" Sabi niya.
"O 'di sige nag-kiss na kung nag-kiss. Hiwalay naman na kami at hindi na siya pupunta dito."
"Ay bakit naman? Sayang, mayaman pa naman si Kael." Nahampas ko si papa dahil sa sinabi niya.
"Papa nakakainis ka na talaga!" Sabi ko.
"Oh bakit? Sabi mo nga ang mayayaman ay piniperahan hehe."
"Hay naku Valentine, makapagbihis na nga lang tsk." Pumasok ako sa kwarto habang si papa naman ay tumatawang pumunta sa kusina.
Alam na alam talaga ni papa kung paano i-divert ang atensiyon ko. Alam na alam niya kung paano pagaanin ang nararamdaman ko kapag may problema ako.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 28
Magsimula sa umpisa