"Ah so kaya ka nagtitiis na makasama sila?" Tanong ni Vance.
I nodded. "That's why I'm here to say sorry. Hindi ko napag-isipan ng maayos ang ginawa ko." Hinawakan ko ang kamay ni Vance at nagmakaawa akong patawarin niya ako.
"Hay naku! Bakit ba ang hilig niyong isangkot ako sa problema niyo? Masama pa rin ang loob ko sayo kaya sorry ka."
Nalungkot ako sa sinabi ni Vance. Lumapit naman si tito Valentine sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Tama na muna yang sumbatan, magchi-check in na muna kami sa hotel para makatulog na si Vance." Sabi ni tito.
"Oh no, you can stay in my condo tito. Para hindi na kayo gumastos." Sabi ko sa kanila.
"Naku huwag na nakakahiya naman sayo." Tanggi ni tito.
"Sige na tito Valentine, para makabawi po ako sa inyo sa pagpapatira niyo sa akin sa bahay niyo." I insisted.
"Vance please? Doon na kayo sa condo ko, doon na natin pag-usapan kung anong dahilan ng sunog." Sumimangot si Vance sa sinabi ko.
"Parents ni Noemi may gawa nito, sila lang naman ang galit sa akin dahil dun sa ginawa namin." Ani Vance.
"Huwag muna tayong mambintang, sige na Vance, tito Valentine, let's go to my condo para makapagpahinga po kayo." Pakiusap ko ulit.
"Oh siya siya sige, baka pagod na ang anak ko. Mas mabuti nang sa condo mo na tayo para comfortable si Vance."
Napangiti ako, nakakainggit si Vance to have tito Valentine as his father. Lagi niyang iniisip ang kapakanan niya na hindi ko naranasan sa mismong family ko.
"Fine! Total may kasalanan ka naman sa akin kaya dapat lang na bumawi ka." Labag man sa loob ni Vance ang desisyon niya ay masaya pa rin ako.
Papasok na sana kami sa kotse ng biglang sumulpot ang matandang mahaba ang nguso.
"Uy Bans, saan na kayo niyan? Ayaw niyo sa barangay hall matulog?" She said.
"Ay sa condo kami aling Dory, alam mo na, perks of having a rich friend." Sagot ni Vance.
"Sus napakayabang, oh siya bahala kayo." Sabi ng matanda.
Ngumiti si tito at hinawakan ang kamay ng matanda.
"Salamat aling Dory sa pagkatok sa bahay ko." Tito said.
"Ay e walang anuman, alam mo namang mabait lang tayo kaya......"
"Ay sus mabait daw. Plus 10 ka na sa langit aling Dory, pwede niyo nang palitan si San Pedro." Natatawang sabi ni Vance kaya sinaway siya ni tito.
"Bwisit ka talagang bata ka! Umalis na nga kayo kung ayaw niyo sa barangay! Tse!" Tinalikuran kami ng matanda.
"Joke lang aling seahorse este Dory! 'Di na siya mabiro oh! Samalat ho!" Sigaw ni Vance. Lumingon lang ang matanda at sinamaan kami ng tingin pero alam kong hindi naman siya galit. Kahit papaano pala ay mabait naman ang seahorse este Dory pala.
Sumakay kami sa kotse at dumiretso kami sa condo ko. Kumpleto na ang gamit kasi dito ako nags-stay minsan kapag hindi ko na kinakaya ang problema sa bahay.
"Perseus salamat ha? Pero sino ba si Noemi? Bakit naman ipapasunog ng mga magulang niya ang bahay namin?" Tanong ni tito nung makapagpahinga na kami.
"She's a friend tito, wait I'll call her." Sabi ko.
Tinawagan ko si Noemi habang mataman silang nakikinig sa akin.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 29
Magsimula sa umpisa