抖阴社区

                                    

"Yes hello?" Noemi answered the call.

"Where are your parents Noemi? Pinasunog ba nila ang bahay ni Vance?" Diretsong tanong ko.

"What? Nasunog ang bahay ni Vance? Oh my God, m-my parents are not here. After nung pag-uusap sa restaurant ay bumyahe sila papuntang Samar for their campaign."

"Okay, call grandpa at sabihin mo ang nangyari. Baka si tito Rael ang may gawa nito." Sabi ko na nagpakunot ng noo ni Vance.

"Bakit naman gagawin ng daddy ni Kael yun? Wala naman akong atraso sa kanya?" Vance asked.

"Baka sakali lang, he's mad about your relationship with Kael so there's a chance na gawin niya yun." Sagot ko.

"Ano ba yan! Kasalanan mo kasi e tsk!" Inirapan niya ako kaya napatingin ako kay tito.

"Sige na umuwi ka na muna Perseus, salamat ulit sayo ha? Balik ka dito bukas at ipagluluto kita."

Napangiti akong tumango sa sinabi ni tito, he's such a kind and loving father. Niyakap ko siya bago ako lumabas ng condo at umuwi sa bahay.

Kinabukasan, papunta ako ulit sa condo to check them when Jackson came. Sakay ng kotse niya ay lumabas siya kasama si Kael. Wala si Jayden, siguro hindi na naman yun pinayagang lumabas.

"Perseus!" Galit na salubong ni Kael sa akin. "What happened to them? Nasugatan ba si Vance? How's tito Valentine?" Sunod-sunod niyang tanong.

"They're fine Kael, you can come with me to visit them at my condo." Mahinahong sagot ko.

"Hindi kagagawan ni daddy ang sunog, nagkasagutan kami kagabi kasama si grandpa." Kumalma naman si Kael.

"Noemi said that her parents were....."

"It was my dad......" Putol ni Jackson sa sasabihin ko.

Gulat na gulat ako sa sinabi niya pero walang reaksyon si Kael, maybe he already knew.

"What the hell?  Why did they do that?" I asked.

"Kinausap ko sila kagabi after sabihin ni Kael sa akin ang nangyari, inamin nilang sila ang may gawa." Napabuntong-hininga siya bago siya nagpatuloy.

"Nalaman nila na pinakilala siyang boyfriend ni Noemi, natakot sila na baka hindi matuloy ang kasal kaya ginawa nila yun." Jackson said.

"Oh my God!" Tanging nasabi ko at nasapo ko ang noo ko.

"Kasi sinabi ko na na ayokong pumayag sa plano nila pero hindi kayo nakinig. Pinilit niyo pa rin si Vance!" Panunumbat ni Kael.

"I'm sorry, siguro lalayo na lang ako sa inyo. Hahayaan ko na lang na makasal kami ni Noemi kahit pa masaktan kami pareho ni Jayden." Malungkot na sabi ni Jackson.

"Nangunsensiya ka pa tss! Tara na, I want to see my baba."

Papasok na sana ulit sila sa kotse pero pinigilan ko si Kael.

"What?" He asked.

"I'm sorry, nagkamali ako sa ginawa ko." Sabi ko sa kanya.

"Tanga ka e! Pero...okay na rin yun. Hindi na ako mahihirapang ipaalam sa magulang ko na may tao nang nagpapasaya sa akin." Sagot ni Kael.

Emotional akong yumakap sa kanya at sinikmuraan niya ako ng mahina. Alam kong napatawad na niya ako.

"Thank you for rescuing Vance and tito. Next time Perseus sabihin mo sa akin ang problema mo, ayokong mawalan ng kaibigan. Alam mo naman kung gaano kayo ka-importante sa akin." Humigpit ang yakap niya kaya napaiyak ako.

"Sorry Kael, sorry talaga. Babawi ako sayo, hahanap ako ng paraan para balikan ka niya." Pangako ko sa kanya.

"Dapat lang siraulo ka! Tara na nga, sumabay ka na lang sa amin." Kumalas siya sa akin at pareho kaming nagpunas ng luha.

Sabay na kaming tatlo na bumyahe papunta sa condo.

--------

VANCE's POV

Nasa couch ako nagbabasa ng libro, mga gamit sa school at importanteng documents lang kasi ang naisalba ko.

Biglang bumukas ang pinto at kaagad akong kinabahan nung pumasok si Perseus kasama si Jackson at si Kael.

Punyemas na-miss ko sila.

"Baba are you okay? I heard what happened." Nag-aalalang sabi ni Kael at akmang yayakapin niya ako pero sinipa ko siya sa tiyan kaya napahinto siya.

"Babalian kita ng buto ang kulit mo! Ano na naman bang ginagawa niyo dito? Bibigyan niyo na naman ako ng problema?" Inis kong sabi. Nalungkot ang mukha ni Kael pero hindi ako nagpadaig sa awa ko sa kanya.

"I missed you...." Parang batang naiiyak na sabi niya.

"Wala akong pakialam, umalis na kayo dito!" Sabi ko at tumayo para sana pumunta sa kwarto pero lumabas si papa galing kitchen.

"Uy nandito kayo ulit! Tamang-tama kumain na tay......"

"Papaaaaaaa! Galit ako sa kanila ano ka ba naman!" Protesta ko sabay padyak. Nilalaglag talaga ako ng sarili kong tatay e kainis.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon