抖阴社区

                                    

Pagkapasok namin sa room ay nagdi-discuss na nga si sir. Hindi siya nagtanong kung bakit late kami, siguro ay may idea na siya sa kung anong nangyari sa amin.

Pagkaupo namin ay kinuha ko ang kamay ni Kael at inilagay yun sa nasampal kong pisngi. Hinahaplos niya ang pisngi ko habang nakikinig kami kay sir hanggang sa matapos ang subject niya.

"Review your lessons okay class? Good luck to your exam tomorrow." Sabi ni sir.

"Yes sir." Sagot naman namin.

Pagkaalis ni sir ay kaagad pumasok ang next subject teacher. Inurong ni Kael ang upuan niya papalapit sa akin at inoffer ang balikat niya.

"Ha? Anong gagawin ko diyan sa balikat mo?" I asked.

"Dito ikaw baba, my hand is starting to feel numb hehe." Sagot niya.

"Ano 'to sinehan? Palit tayo chairs, para yung isang kamay naman ang gamitin mo." Utos ko sa kanya. Gusto niyang magreklamo pero hindi siya makapalag hahaha.

Buong subject na yun ay nakahawak siya sa pisngi ko habang nakikinig sa klase. Kaya naman nung nag-bell ay para siyang nabunutan ng tinik. Tumayo si Kael at nag-unat ng katawan sabay yaya sa amin sa cafeteria.

"Vance!" Bigla akong tinawag ni Noemi. Nag-aalangan siyang lumapit pero nung nginitian ko siya ay mabilis siyang tumakbo palapit sa akin na nakangiti.

"Hindi ka na galit sa akin?" She asked.

"Hindi na, sorry sa mga nasabi ko sayo ah?" Hinging paumanhin ko.

"Oh it's okay, I understand. By the way, sinabi ko na sa parents ko ang totoo tungkol sa atin." Nagulat ako sa sinabi niya.

"T-Talaga? Anong ginawa sayo? Sinaktan ka ba?" Sunod-sunod kong tanong pero umiling siya.

"Hindi sila galit, masaya pa nga sila kasi matutuloy ang kasal namin ni Jackson." Malungkot niyang sabi.

"Oh about that, tara sumama ka na sa amin sa cafeteria. Mag-uusap tayong lahat." Sabi ko. Kinakabahang tumingin si Noemi kay Kael kaya palihim akong natawa.

"Kasali ka na sa grupo, basta 'wag mo lang agawin si Vance." Seryosong sabi ni Kael. Napasinghap sa tuwa si Noemi at malakas na tumili.

"Aaaaaahhhh! Thank you so much guys!" Sabi ni Noemi. Yayakap sana siya kay Kael pero hinila ko ang buhok niya.

"Bawal yumakap, dun na lang kay Perseus." Sabi ko at ipinulupot ko ang braso ko sa baywang ni Kael. Kael chuckled and he gave me a kiss on the side of my head.

"Siraulo ka Vance, tara na nga!" Inis na sabi ni Perseus kaya nagtawanan kami.

Sa cafeteria, kumakain kami habang inuumpisahan ni Jackson ang topic.

"So here's the plan, sa 21st birthday ko hahayaan natin silang i-announce ang engagement natin Noemi." Panimula ni Jackson.

"What? Why?" Confused na tanong ni Noemi.

"Jayden will be there, we already talked about it and he's okay with it as long as we're not living together." Sagot ni Jackson.

"O-kay, and then?" Noemi asked again.

"After graduation tutulungan ni Perseus ang business ni daddy, by that time pwede natin ipa-cancel ang wedding natin." Sabi ni Jackson at nagtanguan kaming lahat.

"But just in case na hindi gumana yung plano e itutuloy natin ang kasal."

"Ano?!" Sabay kaming nagulat lahat.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon