抖阴社区

                                    

----------

KAEL's POV

Nauna akong makarating sa school kaya inabangan ko ang grupo. Halos sabay-sabay lang din silang dumating at bumati sa akin.

"Aga mo ah? Ano meron?" Jackson asked.

"E kasi nga exam 'di ba?" Sagot ko.

"Oh tapos?" Perseus asked.

"Half day lang tayo hehe. Patulong naman oh!" Sabay-sabay na nagsitaasan ang mga kilay nila.

"Ano na namang binabalak mo?" Perseus asked.

"Gusto kong ihatid si Vance sa condo. Kaso dinagdagan ni daddy ang bantay ko e." Napakamot ako sa ulo.

"Problema ba yun? E 'di tumakas ka!" Sabi ni Jayden.

"Yun na nga, tulungan niyo ako. Kailangan kong maihatid si Vance mamaya." Sabi ko.

"Bakit? Ano bang kailangan mo sa kanya?" Curious na tanong ni Jackson.

"Basta hehe. Ano mamaya ha?" Sabi ko at nagtanguan sila.

Naglakad na kami sa hallway ng mamataan ko ang isang grupo na nakaaway namin.

"Shit! Bilis sa iba tayo dumaan, yari ako kay Vance kapag napaaway na naman tayo." Tarantang sabi ko.

Nagsitakbuhan kami papunta sa room ng mga lower grade at doon kami dumaan. Mas mabuti ng mapagod kaysa mapaaway.

"Kapagod naman 'to!" Reklamo ni Perseus.

"Huwag ka ng magreklamo diyan." Sagot ko sa kanya. Mas napalayo kami ng daan kaya naman hingal kaming nakarating sa room namin. Nadatnan namin si Noemi at Vance na seryoso sa pagbabasa.

Dahan-dahan akong lumapit at hinalikan ang batok niya.

"Ay pancreas! Ano ba Kael! Nagre-review ako oh tsk!" Gulat na sabi ni Vance.

"Sorry baba hehe. Kanina pa ikaw dito?" Tanong ko at tumabi ako sa pag-upo.

"Lintik na sentence yan! Umayos ka nga, nakakahiya sa mga makakarinig sayo!" Singhal niya sa akin pero ngumisi lang ako. Gustong-gisto ko talaga kapag nagsusungit siya.

"Sungit ng baba ko ah! Matalino ka naman kaya hindi mo na need mag-review." Sabi ko pero mas lalo lang siyang nairita.

"Pwede ba? Kahit ilang segundo lang huwag ka munang magsalita?! Nawawala sa utak ko lahat ng ni-review ko e." Sabi niya. Tumayo siya at lumipat na sa upuan niya kaya naman sumunod na din ako.

"Oh talagang sumunod pa tsk!" Asik niya sa akin.

"Lah baba, siyempre dito ako nakaupo e. Tabi tayo e." I said and then pouts.

"Fine fine! Manahimik ka ah! Igu-glue ko yang bibig mo talaga!" He said so I tightened my lips and just nodded. Tinitignan ko lang siyang mag-review hanggang sa malakas na tumunog ang bell.

Pumasok ang teacher namin dala ang exam papers. Half of all the subjects ang sasagutan namin at wala kaming breaktime kasi until lunch lang ang klase. Same goes with the exam tomorrow.

Ilang taon kaming pabalik-balik sa senior high kaya naman kabisado ko na halos lahat ng tanong. Ganun din si Perseus, Jackson, at Jayden kaya mabilis lang kaming natapos.

The bell rang.

"Times up! Pass the papers now." Sabi ng teacher namin. After ma-collect ng mga papers ay nagpaalam na rin ang teacher.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon