"Then how will you explain this? Maraming witnesses!" Madiing sabi ni daddy.
"Exactly! Maraming witnesses so don't you just believe him and know the whole fckng truth!" Sagot ko sa kanya.
Marahas niya akong binitawan, "alright, alamin natin ang katotohanan at kapag napatunayan yang katarantaduhan niyo makukulong kayong lahat ng mga kaibigan mo!" Sabi ni daddy.
"Grandpa please, maniwala ka sa akin hindi kami gumagamit ng drugs. Yes we make troubles, we might be a bully but we are not addict!" Lumapit ako kay grandpa at hinawakan ang kamay niya.
"It's not that I don't believe you Kael but this is a serious matter now." Sabi ni grandpa kaya nalaglag ang mga balikat ko.
Nilingon ko si daddy at tapos na siya sa kausap niya sa phone, may tinawagan siya ulit at maya-maya ay ibinaba na ang tawag.
"All of you, go to the detention room!" Turo ni daddy sa aming lahat kasama si Noemi at Vance.
Kinuha ng mga bodyguards ni daddy ang ebidensiya at lumabas na sila kasama si grandpa at Caloy.
Lumapit si Vance sa akin na naiiyak, "dada ano yun? Bakit may ganunn kayo ha?" Tanong niya.
"Hindi sa amin yun baba believe me. Someone is framing us." I assured him.
"Okay, okay. We have CCTV's here, calm down okay? Sinuntok mo na naman si Caloy." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Dapat lang sa kanya yun gago siya!" Sagot ni Perseus at nilapitan si Noemi.
"Don't be scared, hindi ka kasali dito." Malumanay na sabi ni Perseus kay Noemi at tumango naman ang babae.
"Tara na, honeybun halika na." Sabi naman ni Jackson at lumabas na kami ng room.
We went to the detention room at naroon ang lahat ng school council. Tinanong nila silang lahat sa mga pinaggagawa namin dito sa loob ng school.
Good thing at nagsabi sila ng totoo na ilang weeks na kaming hindi gumagawa ng gulo. Maya-maya pa ay dumating ang bantay sa CCTV na napapahimas sa batok niya.
"Sir I'm very sorry, nawawala po ang CCTV footage kahapon sa section A." Sabi nito.
Mula sa pagkakaupo ay napatayo ako at kinwelyuhan ang guard.
"What do you mean by nawawala? Are you stupid or what?" Galit kong tanong.
"E s-sir Kael, wala po sa tape record at deleted na po sa mismong system. H-Hindi ko po alam kung anong nangyari e." Nauutal na sagot ng guard.
"Argh bullshit! See? If this isn't planted why the hell that footage missing or deleted? It is so obvious dad!" Marahas kong pinakawalan ang guard kaya napasandal siya sa pader.
"Shut up!" Pagpapatahimik sa akin ni daddy kaya inis akong bumalik sa pagkakaupo.
"Hoy dada, sabing kumalma ka lang e. Hindi ka makakapag-isip ng maayos kapag pinairal mo yang galit mo." Bulong ni Vance sa akin kasama ang pagpisil ng hita ko.
Bumuntong hininga ako at nginitian siya. "Salamat at nandito ka." Madamdamin kong sabi.
Ilang oras pa ang hinintay namin ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Lieutenant General Jayden De Dios Sr., ang daddy ni Jayden kasama ang mga kapulisan na hawak ng daddy niya at ang mommy nito. Kaagad napatayo si Jayden at nanginginig na humarap sa daddy niya.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 42
Magsimula sa umpisa