"Triple ang sakit sa dibdib sa tuwing hinahanapan niya ako ng sagot sa mga tanong niya. Sa tuwing sinasabi niyang kaya niyang mag-isa at kakalimutan na niya ako."
"Gustong-gusto ko na siyang yakapin at punuin ng halik ang mukha niya sa tuwing nakikita kong may luha na sa mga mata niya."
"But I'm such a coward, hindi ko siya napanindigan." Tumayo ako at malakas na sinuntok ang pader.
"I'm a piece of shit! I'm stupid! Wala akong kwenta!" Paulit-ulit kong isinisigaw ang mga katagang yun habang sinusuntok ang pader.
"Oh my God Kael stop! Please!" Sigaw ni Noemi na puno ng takot. Dumudugo na ang kamay ko pero parang hindi ko yun maramdaman.
"Gusto ko na lang maglaho e! Gusto ko na lang sumunod kay kuya! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" Malakas akong sumigaw.
Lumapit si Perseus at Jackson at pinigilan nila ako sa balak kong pagsuntok ulit sa pader.
Niyakap ako ni Jackson at hinagod ang likod ko, "don't waste your time crying and regret the decisions you make. Tara na, may klase pa tayo." Mahinahong sabi ni Jackson.
"Huwag mong hayaang mabalewala yung sakripisyo mo, gawin natin lahat na maging maayos tayo saka natin balikan si Vance at humingi ng tawad." Dugtong niya pa.
"Hindi na niya ako tatanggapin ulit at yun ang pinakamasakit." Nanghihinang sambit ko.
"Well at least we say sorry. Mapatawad niya lang tayo okay na yun, kahit na hindi na niya tayo tanggapin pa sa buhay niya. It's the consequences of our actions and we have to deal with it."
Napapikit na lang ako sa sinabi ni Jackson. Hindi ko alam kung kakayanin ko nga yun.
Tumango na lang ako at nagpahid ng luha, niyakap ako ni Perseus at tinapik ang likod ko.
Pumasok kami sa classroom, hindi na bumalik si Vance kaya doon ako umupo sa upuan niya. Nagpatawag ng nurse si Perseus para gamutin yung dumudugo kong kamay habang nakikinig sa klase.
Damn I missed him! Yung pag-irap niya at pagiging masungit kapag ginugulo ko siya during discussion. Tama ba talaga 'tong naging desisyon ko?
Ramdam kong may kulang sa araw ko, lagi kong hinahanap-hanap ang presensiya ni Vance sa bawat galaw ko.
"Kael." Biglang nagsalita si daddy kaya natigil ako sa pagmuni-muni. Nagpunas ako ng mga luha saka tumayo at lalabas na sana ng kwarto ni grandpa.
"Huwag mo akong lalayasan kinakausap kita!" Mahina pero galit na sabi ni daddy.
"Ano na naman bang gusto mo? Hindi ka pa ba masaya na iniwanan ko na si Vance? Ano pa daddy? Ano pang kailangan kong gawin para masiyahan ka?" I raised my voice.
Malakas niya akong sinampal, "huwag mo akong pagtaasan ng boses! Hindi ka na marunong gumalang ah!" Sabi niya.
Hindi ako sumagot at napakuyom na lang ng kamao.
"Sasama ka sa akin bukas, I will introduce you to the board members." He said.
"No. May pasok ako bukas." Malamig kong tugon.
"It's Saturday you idiot!" Pinanlakihan ako ng mata niya.
"Kapalit yun sa school vacation next next week." Sagot ko.
Napabuntong hininga na lang si daddy, "fine, Monday in the afternoon susunduin kita sa school. At ayokong nakikitang lumalapit ka sa Vance na yun naiintindihan mo?" Sabi ni daddy pero hindi ko siya sinagot at nakapamulsa akong lumabas ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Mr. Troublemaker meets his only exception
FanfictionKael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vance Valentine Ajero na isang palaban. Mapaglalaruan kaya ng grupo niya si Vance o magiging kakampi at mabago ang takbo ng kanilang kwento.
CHAPTER 51
Magsimula sa umpisa