抖阴社区

                                    

"Kung sana sinabi mo sa akin e 'di sana hindi tayo nagkasamaan ng loob 'di ba? Pero wala e, bobo ka! Hindi ka nag-iisip ng tama!" Marahas niyang hinila ang kamay niya at umatras.

"Bakit sa tingin mo ba ipagpipilitan ko pa yung sa atin? Hindi mo nga ako kayang piliin tapos ipaglalaban pa kita? Ano ako tanga?"

Sobrang bigat na ng dibdib ko, alam kong nasasabi niya lang lahat ng 'to kasi galit siya.

"Sobrang nakakatawa. Bakit ko pa nga ba sinasayang ang oras ko dito?" Inayos ni Vance ang sarili niya at mabilis siyang naglakad. Tumayo ako, hinabol ko siya at niyakap mula sa likuran.

"I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit kong sambit habang walang tigil sa pag-iyak.

"Bitawan mo ako!" Malakas na pwersa niya akong tinulak kaya natumba ako sa sahig.

Mabilis akong tumayo at hinabol ulit si Vance. Hinablot ko ang braso niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Anong gusto mong gawin ko?" Umiiyak na tanong ko. "Masakit sa akin ang ginawa ko at alam kong alam mo yan but I have no choice." Humagulgol siya sa akin.

"You have a choice, and you chose them over me. Pero sana man lang sinabi mo sa akin." Mapait niyang sabi.

"That's my stupid mistake and I'm really, really sorry." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya kahit na hindi niya ako niyayakap pabalik.

"Magagawan sana natin ng paraan pero iniwanan niyo ako sa ere."

"Baba no...please no..."

"Mahal kita pero sinabi ko na sayo that once I'm done there's no turning back." Lumakas ang hagulgol ko.

"Baba please no....ayoko...."

"Ikaw ang nagdesisyon and this time sagad na sagad na ako."

"Ayoko..please please..mahal na mahal kita Vance.."

"Tinatapos ko na lahat ng meron tayo kasama ang grupo."

"Sht naman Vance! Please 'wag naman ganito...."

"Maging masaya ka Kael, sana hindi mo kakalimutan ang lahat ng turo ko sayo." Mas kinabig ko pa siya payakap sa akin at ayoko na siyang bitawan pa. Dahil kapag naalis siya sa mga bisig ko ay alam kong hindi ko na siya makikita pa. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning mabuhay.

"I didn't expect that I will loved you this much. Pero hanggang dito na lang tayo, 'wag na nating ipilit pa."

Kumawala si Vance sa yakap ko at mariin akong umiling at umiiyak na pinipigilan siyang umalis.

He cups my face, "ayusin mo buhay mo ha? Sorry pero hindi na kita masasamahan." Huling sinabi niya bago ako hinalikan sa labi. Pagkatapos ay mabilis siyang lumabas ng room habang ako ay parang basang sisiw na nakatingin lang sa paglayo niya.

"Aaaaarrgghh!" Hiyaw ko. Pinagsisipa ko ang mga upuan kaya naman nagsilayuan ang mga ka-klase namin.

"Kael tama na! Tama na!" Pigil ni Jackson at Perseus sa akin.

"Hayaan niyo ako! Gusto ko ng mamatay!" Sigaw ko at dinampot ang isang upuan at inihampas sa lamesa. Nagsitilian ang mga ka-klase ko at nag-uunahang lumabas ng room.

"Sabing tama na e ano ba!" Sigaw ni Perseus at niyugyog ang mga balikat ko. "Hindi makakatulong 'tong ginagawa mo!" Dugtong niya.

"Wala akong pakialam!" Sabi ko at hinawi siya. Balak ko sanang lumabas ng room pero humarang si Jayden at Noemi na parehong mugto ang mga mata.

"Kael tama na please." Pagsusumamo ni Noemi.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon