抖阴社区

                                    

Paglabas ko ng hospital ay sakto namang may dumating na kotse. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang daddy ni Kael na lumabas kaya naman mabilis akong nagtago.

Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako lumabas at nagmadaling sumakay sa taxi na sinakyan ko kanina.

Last na talaga 'to. Hinding-hindi na ako mag-aaksaya ng oras pa sa kanya o kahit na sino sa kanila.

Kapag ako naging successful at naging mayaman ipapamukha ko sa kanilang lahat na mali sila ng sinaktan.

Nakarating ako sa bahay at nagsabay pa nga kami ng dating ni papa. Hindi naman siya nagtanong kung saan ako galing at parang kampante lang siya kung makangiti sa akin.

Ito ang sigurado ako, may tinatago si papa sa akin na sikreto at yun ang aalamin ko.

Pass na muna sa love life and friendships, sarili muna bago ang iba.

----------

KAEL's POV

"Pero kahit naman ganun hindi ako nagsisisi na pinili ko siya kahit hindi ako nanindigan." Sabi ko.

Kumalas si Noemi sa akin at nakikita ko ang simpatiya sa mga mata niya.

"You know what, kapag naging okay kami ni daddy hahanapin ko siya. Susuyuin ko siya ulit hanggang sa mapatawad niya ako." I said.

"Mm, tama yan. Kaya bilisan mong magpagaling kasi mahaba-habang suyuan ang naghihintay sayo hehe." Noemi lauged.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si daddy kasama si Jayden, Jackson, at Perseus.

Bigla akong kinabahan, kung kanina gusto ko siyang makausap ngayon ay parang umurong ang lakas ng loob ko.

"How is he?" Daddy asked Noemi.

"He's fine po tito. Pwede na nga pong lumabas si Kael tomorrow." Sagot naman ni Noemi.

Nakita ko ang relief sa mukha ni daddy at tumango siya.

"You can go home now, baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo." Sabi ni daddy sa kanila.

Isa-isa silang nagpaalam kay daddy at sa akin. Pagkaalis nila ay katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto at wala isa man sa amin ang gustong magsalita.

"Ehem!" Daddy clears his throat. My eyes are close but I am just waiting him to speak.

"Are you still awake?" Daddy asked.

"Mmm." I simply answered.

"I, I-I'm sorry." Nahihirapang panimula ni daddy. Kaagad nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Sumobra na yata ako anak, patawarin mo ako." Doon ay tuluyang nalaglag ang mga luha ko. Naramdaman ko ang daliri ni daddy na pinunasan ang gilid ng mata ko.

"All these years hinayaan kong kainin ako ng galit dahil sa pagkawala ng kuya Gael mo but....."

Huminga ng malalim si daddy. "..but now seeing you like this made me realize na may anak pa pala ako, na may naiwan pang isa pero binalewala ko lang." Biglang nabasag ang boses ni daddy.

I opened my eyes and I witnessed him bawling of tears.

"It broke me at naghanap ako ng masisisi lalo na nung....." He paused.

"...nung nagsimulang magbago ang mommy mo." Biglang umurong ang mga luha ko.

"W-What do you mean dad?" Tanong ko.

"Nung nawala si Gael naghanap ang mommy mo ng iba. Alam ko pero pinili kong manahimik at hayaan na lang ang lahat."

"Maybe I'm too old to satisfy her." Mapait na ngumiti si daddy.

Mr. Troublemaker meets his only exception Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon