KAEL's POV
Vance is hella serious.
"Wait wait, I'm confused. Kael, you're going home in his house?" Tanong ni Jackson.
"Yep kagabi." Sagot ko at umakbay ako kay Vance.
Nakatanggap na naman ako ng isang malupit na siko mula sa kanya.
"Sinabi ng 'wag kang dumikit e!" Naiirita niyang sabi sa akin. Yiieee, ang gwapo niya kapag namumula siya sa inis hihi.
"Bakit? Buti pinayagan ka ng daddy at ni grandpa?" Jayden asked too.
"Do I have to get their permission? E wala naman silang pakialam sa akin e." Sabi ko at umakbay ulit ako kay Vance para mas lalo siyang mainis.
"Tsk Kael! Naiirita na talaga ako sayo ha!" Singhal niya at gigil niyang kinagat ang kamay ko bandang palapulsuhan.
"Araaaay! Hahahaha!" Imbis na magalit ako sa pananakit niya e mas natawa pa ako. Tinignan pa nga ako ng lahat na may bahid na pagtataka.
"You're crazy." Malamig na sabi ni Perseus.
"Ehe." Ngisi lang ang tinugon ko habang banayad na hinaplos ang kamay kong kinagat ni Vance.
"So ano na? Tutuloy pa ba tayo sa court?" Tanong ni Jackson. Hindi kasi sila kikilos hangga't hindi ko sinasabi.
Tumingin ako kay Vance at ngumiti, "pwede ba? Saglit lang nam....."
"Hindi! Dumiretso ka sa classroom ngayon na!" Matigas na utos niya sa akin. Nakangiti akong tumango at niyaya na ang mga kaibigan ko. Kakamot-kamot na lang sila sa ulo habang nakasunod sa akin.
Pakanta-pakanta pa ako habang naglalakad at maya't-maya akong lumilingon kung nakasunod ba si Vance sa akin. Wala lang, ayoko lang siyang malayo hihi.
Biglang may bumangga sa akin na dalawang babae at naapakan ang sapatos ko.
"Hala sorry po." Kinakabahang sabi nila sa akin.
"Hindi niyo ba ako nakita ha?" Inis kong sabi.
"K-Kasi po nakatingin kayo sa likod kaya..."
"So it's my fault?" Dahan-dahan akong lumalapit sa dalawa at takot na takot naman silang napapaatras.
"S-Sorry Kael...." Mangiyak-ngiyak nilang sabi.
"Stupid!" Sinundot ko ang noo ng isa pero bigla na lang may dumapong kamay sa daliri ko at binali iyon.
"A-Araaay! Vance baka mabali yang daliri ko!" Napahiyaw na lang ako.
"Punyemas ka talaga! Pati babae ginaganyan mo? Babaliin ko talaga hindi lang daliri mo kundi buong braso mo kapag hindi ka tumigil diyan sa katarantaduhan mo!" Bulyaw niya sa akin.
"Araaay! So-Sorry na hindi na ako gagawa, I mean uulit. Aw!" May namuong luha sa mata ko dahil sa sakit ng daliri ko. Babalian niya talaga ako huhu.
Hindi niya binitiwan ang daliri ko at hinila na niya ako pabalik sa classroom. Narinig ko ang hagikhik ni Noemi sa likuran kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Buti nga sayo bleh!" Mahinang sabi niya sa akin. Sisipain ko sana siya pero lumingon si Vance kaya hindi ko na lang tinuloy.
Pinagtawanan tuloy ako nilang lahat.
Pagkarating sa classroom ay kaagad kaming umupo at hinintay ang susunod na subject. Gusto kong kulitin si Vance pero nakakatakot kapag tumingin siya sa akin, para bang anytime ay kakagatin niya ko ulit.
Nakinig kami sa lahat ng subjects, bored na bored na ako pero wala naman akong magawa. Ayokong mapalayas sa bahay nila kasi doon na nga lang ako nakakaramdam ng saya at katahimikan.
The bell rang for dismissal.
"Noemi....." Kinuha ni Vance ang bag niya at lumapit siya kay Noemi.
"Hatid mo 'ko? Tara!" Sabi ni Vance. Nagmadali din akong tumayo at lumapit sa kanila.
"What about me?" I pouted.
"Matanda ka na, umuwi ka mag-isa." Singhal ni Vance.
"Pero gusto ko sumama." Maktol ko.
"Hindi pwede! Bakit kasi hindi ka na lang umuwi sa inyo...."
"No! We're going home together." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hinila na palabas.
"Kael ano ba! Let go of me! Ayaw kitang kasabay ano ba!" Pagpupumiglas niya. Kumapit pa siya sa dingding ng pintuan kaya nahirapan ako.
"Iisang bahay lang ang uuwian natin bakit ayaw mong magsabay tayo?" I raised my voice.
"E sa ayoko e bakit ba? Bitawan mo nga ako sabi isa!"
"No! Halika na umuwi na tayo!"
"Aaaahhhh! Noemi tulong...." Sigaw ni Vance nung tanggalin ko ang kamay niya sa pinto.
"Subukan mo Noemi, you know what will gonna happen to you." Pananakot ko kaya napalunok na lang si Noemi at nagba-bye kay Vance.
"Perseus tulong! Jackson, Jayden, iuwi niyo nga 'tong pisti na 'to...."
"Shut up trash! They will not help you kaya sumama ka na lang sa akin."
"Punyemas ka! Oo na sasama na kaya bitawan mo ako!" Galit na sabi ni Vance.
Binitawan ko siya at inis siyang naglakad, nakangisi na lang akong sumunod sa kanya. Maya-maya pa ay bigla siyang tumakbo.
"H-Hoy! What the hell! Vance Valentine!"
Mabilis din akong tumakbo at hinabol ko siya.
Pero sadyang mabilis talaga siyang tumakbo kaya hindi ko na siya naabutan. Sumakay siya ng jeep at iniwanan ako ng tuluyan.
"Pano ba yan iniwanan ka na." Boses ni Perseus. Wala si Jackson at Jayden, siguro nag-usap pa sila.
"That shit! Ihatid mo nga ako, ayokong mag-jeep."
"No way! Problema mo na yan." Tinalikuran na ako ni Perseus.
"Such a good friend, salamat ha!" Asar kong sigaw sa kanya pero nag-middle finger lang siya.
I have no choice then, dumaan muna akong ATM to withdraw pero naka-hold pala ang card ko. Damn that old man, he's really a bullshit in my life.
I checked my money and I only have 2 thousand in my wallet plus some coins.
Hindi ko kayang mag-jeep mag-isa kaya nag-book ako ng grab. Malaking bawas sa pera ko pero kaysa naman mahirapan akong mag-commute.
Pagkarating ko sa bahay nila Vance ay saktong papalabas siya. May bitbit siyang dalawang bote ng softdrinks.
"Uy nakauwi rin hahaha." Pang-aasar niya sa akin.
"Isusumbong kita kay tito."
"Sumbong mo, samahan pa kita tss!"
"You little shit! Next time talaga itatali kita sa kamay ko."
"Kung kaya mo bleh!"
Dinilaan niya ako at binangga pa.
Papunta na sana siyang tindahan pero dumating yung old seahorse.
"Aba ayos ah! Bahay-bahayan na kayo?" Sabi agad nito.
"Ay, hindi niyo ho alam yung boarder aling Dory? Palibhasa puro lang kayo chismis e." Sagot ni Vance.
Nakita kong nagalit kaagad ang matanda.
"Sususus Bans Balintin, tigilan ang pagmamagaling ha! Baka mapahiya ka lang sa mga susunod na araw." Sagot naman ni old seahorse.
"Wait old seahorse, what did you just called Vance?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ako seahorse, Dory ang pangalan ko." Singhal niya sa akin.
"Yeah whatever old Dory. What did you just called him?" I repeated my question.
"Bans Balintin bakit? May iba pa bang pangalan yan?" Taas kilay niyang sagot.
Malakas akong tumawa kaya nagtaka siya, "it's Vance Valentine what are you saying? V is different from B tsk tsk." Sabi ko at tumawa ulit.
"Oh ano aling Dory pahiya ka noh? Hahahaha!" Tumawa din si Vance kaya naman inis na inis ang matanda na tinalikuran kami.
"Ayos ba?" Hirit ko kay Vance na may kasamang kindat. Inismiran naman niya ako at inambahan ng bote kaya napailag ako.
"Walang ayos hangga't nandito ka! Tss!" Tumaas ang upper lip niya sabay tingin sa akin pababa at itaas bago siya pumuntang tindihan. Ugh nakakaakit*-*
Pumasok ako sa bahay at naghihintay pala si tito sa sala. Kaagad siyang tumayo at sinalubong ako, kinuha niya ang bag ko at inilagay iyon sa tabi ng TV nila.
"Magbihis ka na para pagbalik ni Vance ay magmeryenda tayo. Tikman mo yung home made siomai ko." Masayang sabi ni tito.
"You're making siomai tito? Wow gusto ko na kumain." Natatakam na sabi ko.
"Binibenta ko yun hihi, ah siya nga pala, binilhan kita ng mga damit Kael. Pasensiya ka na kung hindi iyon branded ha?" Napalunok ako, bakit ganito ako kung tratuhin ni tito Valentine?
Namuo ang luha sa mga mata ko kaya niyakap ko si tito at nagpasalamat sabay punas ng luha.
"Thank you so much tito. Wait, here po oh. Idagdag niyo po sa mga gagastusin." Inabot ko ang last money ko sa kanya.
"Aysus itabi mo na yan, hindi kita nabibigyan ng pangmeryenda kaya kailangan mo yan." He said.
"Pero tito....."
"Sige na magbihis ka na. Baka ubusan ka ni Vance ng siomai kapag nakabalik yun." Sabi ni tito kaya sumunod na rin ako.
Nagmadali akong nagbihis at inabangan si Vance sa mismong pinto.
"Oh! Haharang harang ka diyan? Tabi!" Asik niya kaagad sa akin.
"Alam mo may naisip na akong itatawag sayo." Natigilan siya.
"At ano naman iyon?" His thick brow raised.
Lumapit ako sa tenga niya at bumulong ako, "baba." I said and then giggled.
Tinulak niya ako at masama siyang tumingin. "Anong baba? Kasi mahaba ang baba ko ganun? E sira ka pala e."
"No it's not like that. Baba is uhm, other cute term of baby, ganun."
"Bakit mukha ba akong naka-diaper? Tigilan mo ako hoy babanatan kita diyan e!"
"Tsk ang kj mo talaga baba. I'll help you with your bitbit na lang common."
"Huwag na punyemas ka! Huwag na huwag mo akong tatawagin ng ganyan sa harap ni papa naku sinasabi ko sayo Kael."
"Yes baba." Sagot ko na nag-salute pa nung pumasok siya sa bahay. Inis na inis siyang naglakad at hindi na ako pinansin.
"Tito nandito na si Vance." Masiglang sabi ko pagkapasok namin sa kitchen.
"Hm, magbiyak ng yelo Vance para malamig ang softdrinks." Utos ni tito.
"Bakit ako? Papa naman ako na nga ang bumili e."
"Sino gusto mong gumawa si Kael? Maawa ka naman baka masugatan siya."
"Ay waw Valentine, sa anak mo na ako hindi ka naawa? Ayoko na, itatakwil na talaga kita."
"Tsk daming sinasabi, kapag ako ang nagbiyak hindi ka kakain ha!"
"Ah talagang ginaganyan mo na ako papa ha? Favoritism ka talaga hmp!"
Padabog na kumuha ng yelo si Vance sa ref habang natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ang cute nilang maglambingan hihi.
Pinaupo na ako ni tito at nagsimula na kaming kumain.
"It tastes so good tito, you sure you made this?"
"Oo naman, buti nagustuhan mo."
"Sure. Okay I have a suggestion, what if we will sell this to SB High? Ako ang bahala tito." Nagulat si tito sa sinabi ko. Doon din ay lumapit si Vance my baba at nilagyan ng yelo ang softdrinks ko sa baso.
"Thank you baba." Bulong ko kaya pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ayan pa si Kael na nagsabi, magpapa-order kami sa school para dagdag kita mo." Sabi ni Vance at umupo na rin siya.
"Huwag na, baka pagtawanan kayo sa school niyo." Sabi ni tito.
My baba laughed. "Subukan nilang pagtawanan si Kael haha. Ah basta, magpapaorder kami bukas kaya gumawa kayo ng marami papa." Baba said and I felt proud.
*Knock Knock*
"Oh may tao sa labas. Buksan mo nga...."
Bago pa man matuloy ang sasabihin ni tito ay may biglang pumasok sa kitchen.
"Uy, pakain din."
"Jayden? Anong ginagawa mo dito?" Sabay-sabay na sabi naming tatlo ni tito at ni baba.