KAEL's POV
Naglabas ng alak si Perseus kaya umahon si Jayden at Jackson sa pool.
"Hoy hoy ano yan? Hindi kayo pwedeng uminom." Sita ni baba sa amin.
"We're not minors stupid!" Sagot ni Jackson.
"Kahit na, magda-drive ka 'di ba? Kael ha hindi ka pwedeng uminom."
Lumapit siya sa akin at aagawin sana ang bote pero mabilis ko yung iniwas.
"Come on baba, hindi naman kami....."
"Sshh bibig mo! Tigilan mo nga ako sa kaka-baba mo!" Sabi niya na parang nahihiyang tumingin kay Perseus, Jackson, at Jayden.
I laughed. "They already knew baba." I said.
"Huh? Alin?"
"Wala. Sit still if you don't want to drink or kumain ka, o kaya ay maligo sa pool. Ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin." Sabi ko.
"Kulit niyo naman e! Ayokong mag-alaga ng lasing ha!" Sabi ni baba at umupo na lang sa harap ng mga pagkain.
Uminom kami at nagkwentuhan hanggang sa hindi namin namalayan na 11:30 na pala ng gabi.
"Party's over, can you drive Jackson?" Nag-aalalang tanong ni Perseus.
"Oo naman, sige alis na kami. Happy birthday sayo bro." Nagyakapan sila at pati na rin kami. Bumati na rin si baba sa kanya.
"Sure ka ba kaya mo? Mag-taxi na lang kaya tayo?" Sabi ni Jayden na lumapit kay Jackson.
"Kaya ko, parang hindi mo naman ako kilala. Tara na hatid ko na kayo." Hinawakan ni Jackson ang kamay niya at nagngitian sila.
Ako naman ay umakbay kay baba pero malakas niya akong siniko.
"Ang baho mo! Huwag ka ngang dumikit." Sabi niya.
"Aray! Nahihilo ako baba e." Maktol ko.
"Ginusto mo yan bahala ka sa buhay mo." Mabilis siyang naglakad at nakarating kaagad sa kotse. Mahilo-hilo akong sumunod na lang din sa kanila.
Sa byahe ay panay ang bangayan namin ni baba. Ayaw niya kasi akong patabihin sa kanya kasi ang baho ko daw.
Pagkarating sa bahay ay bumaba agad si baba pero nagpaiwan kami ni Jayden sa kotse. Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang hikbi niya.
"Sshh honeybun stop crying." Nahahabag na niyakap ni Jackson si Jayden.
"Birthday mo na next month, they will officially announce the engagement between you and Noemi. Paano na ako Jackson? Paano na tayo?" Lumakas ang hagulgol ni Jayden.
"I told you that I will find a way. Trust me please, alam mo namang ikaw lang ang mahala ko e."
"Yeah you love me but the fact that we can't be together is the hardest for me. Wala naman akong magawa para tulungan ang daddy mo sa nalulugi niyong negosyo."
"Tsk don't think about it, it's my family's problem at hindi ko hahayaang makasal kami ni Noemi."
Napabuntong hininga na lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Sobrang tatag nila kung tutuusin, nakaya nilang itago ang relasyon nila for more than 3 years.
"Sige na pumasok na kayo sa loob. I'll try to visit you tomorrow okay?" Jackson said while wiping Jayden's tears.
Jayden nodded. "Ingat ka, I love you." He said.
"You're my only one Jayden, you're my forever." Sagot ni Jackson at napangiti na lang ako. They really love each other.
Dagling humalik si Jayden sa pisngi ni Jackson bago kami bumaba ng sasakyan. Pagkapasok namin sa bahay ay ako muna ang naunang naglinis ng katawan at kaagad akong pumasok sa kwarto namin ni baba.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako inaantok!" Busangot na sabi ni baba. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan.
"Bakit mo'ko hinintay?"
"Aba malamang lasing ka e. Paano kung matumba ka tapos mabagok yang ulo mo e 'di konsensiya ko pa tss!" Napangiti ako at dahan-dahan akong umupo sa kama.
"Come baba, sit here on my lap." Sabi ko.
Tumaas ang kilay niya. "Ano? Ayoko nga ano ka!" Tanggi niya.
"Tsk! Hindi na ako mabaho, naglinis ako ng katawan at nagtooth brush din."
"Kahit na, ayoko pa rin."
"Ayaw mo? Do you want me to shout to wake your father?"
"Try mo, paduduguin ko yang nguso mo talaga."
"Oh okay." Sabi ko. Malakas kong tinawag si tito Valentine pero tarantang tinakpan ni baba ang bibig ko.
"Hoy punyemas ka! Huwag ka ngang nambubulahaw!" Pinanlakihan niya ako ng mata. Hinawakan ko ang bewang niya para paupuin siya sa hita ko.
"Oo na uupo na! Bwisit ka talaga kahit kelan e." Umupo siya at tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko.
"Yakap ka sa leeg ko baba." I said.
"Napakademanding mo na Kael Timothy Suson, hindi ka na nakakatuwa."
"Tsk dali na kasi." Kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay sa batok ko.
"Ano ba kasing trip mo? Madaling araw na oh baka pwedeng matulog na tayo?"
"Wait lang, gusto ko lang maglambing e."
"Ay jowa? Asawa? Tumigil ka hoy!"
"Hehe. Hihiga tayo pero huwag kang maglagay ng unan sa gitna okay?" Kaagad siyang bumusangot.
"Hindi pwede. Ayokong dumikit ka sa akin."
"E 'di papatong na lang ako sayo."
"Subukan mo, masasaktan ka na naman sa akin."
"Oh really huh?" Bigla ko siyang inihiga pahalang sa kama at dinaganan.
"Ugh Kael ano ba! Ang bigat bigat mo ha!" Reklamo niya.
"Ang ingay mo sarap mong halikan para manahimik ka e."
"Gawin mo, kakagatin ko yang labi mo talaga." Banta niya.
"No problem baba." Sabi ko. I pinned his two arms on the bed at sinugod ang namumulang labi niya.
Pumalag siya at kinagat nga niya ang lower lip ko.
Masakit, ramdam ko ang pagbaon ng mga ngipin niya pero hindi ko siya binitawan. Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo pero tiniis ko pa rin.
Maya-maya lang ay kusa niyang binitawan ang labi ko. Tinuloy ko ang paghalik kahit mahapdi, kahit lasang dugo. Hindi ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam, gustong gusto ko.
He's responding my kiss too.
After a while I stopped, tinignan ko siya at ganoon rin siya sa akin. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa labi ko.
"Nasugatan tuloy, ikaw kasi e." Paos na sabi niya habang hinahaplos ng daliri niya ang labing may sugat.
I chuckled, "mahapdi nga e. Siguro kung may isa pa mawawala na yung hapdi." I said.
"Tsk kasi naman e, mamamaga 'to bukas." Sabi niya. Banayad niyang hinalikan ang parteng yun na para bang mawawala ang sugat sa pamamagitan ng halik niya.
"Mahapdi pa ba? Sorry ha? Ang kulit mo kasi e."
"I'm okay baba."
"Alam mo nakakainis ka." Sabi niya.
"Hmm? Why?" I asked while stroking his hair.
"E kasi ang kulit mo, lagi mong pinapakulo ang dugo ko sa inis. Pero hindi naman kita kayang hayaan lang. Though napupuno na talaga ako minsan kaya nasasaktan kita kagaya ngayon."
"And that's the reason why I like you."
"Ha? Gusto mo ako? Baliw ka ba?" Gulat niyang tanong.
"Oo. Bakit hindi mo ba ako gusto?"
"Hindi. Trouble maker ka kaya."
"E bakit pumayag kang halikan kita?"
"Anong pumayag? Pinilit mo ako hoy Kael!"
"No, the last one. You willingly kissed me."
"Ay hindi ako yun, si konsensiya ko yun kaya 'wag kang assuming."
I laughed. "E pano yan gusto kita?"
"Aba problema mo na yan bahala ka sa buhay mo."
"We're getting married baba."
"Ano? Adik ka ba? Umalis ka na nga sa ibabaw ko!" Malakas niya akong tinulak kaya napatihaya ako sa kama. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang mga unan.
"Hindi mo ba ako gusto kasi pasaway ako? Kaya ko namang magbago ah, sabihin mo lang Vance magbabago ako para sayo." Seryosong sabi ko na nakatulalang nakatitig sa kisame.
Natigilan siya. "Sige, one kiss every after class kapag hindi ka napaaway. At kapag sineryoso mo ang pag-aaral mo, after graduation magiging tayo na." Napabangon ako bigla at nakangising humarap sa kanya.
"Kiss sa lips?" Excited kong tanong.
"Sira! Malamang sa cheeks. Ano hindi pa tayo pero everyday lips to lips? Para ka namang timang e." Natatawang sabi niya.
"Ah hehe. Sige pwede na rin. Promise hindi na ako makikipag-away at iiwasan ko na ang mga nakaalitan ko." Pangako ko sa kanya.
"Good. Sige na matulog na tayo, gusto mo ba akong kayakap?"
I nodded. "Hmm, yes baba." Sagot ko.
"Oh ayan unan yakapin mo. Isipin mo na lang na ako yan bwahahahaha." Humalakhak siya at patalikod na humiga sa kama. Napailing na lang ako at humiga na rin. Tumigil na ako sa pangungulit kasi inaantok na rin ako.
Kinabukasan.
"Kael! Kael wake up! Perseus is here." Nagising ako sa mahinang pag-alog.
"Jayden?" Antok ko pang sabi.
"Perseus is here, may mga dalang gamit." Sabi niya. Napabalikwas ako ng bangon at tarantang lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Perseus sa sala dala ang bag niya. Kaharap si tito Valentine na nakangiti at si baba na nakabusangot.
"Ano ba 'tong bahay namin? Puntahan ng mga walang magawa sa buhay? Ano bang trip niyo ha?" Tumaas ang boses ni baba.
"Tsk Vance, be nice naman anak." Saway ni tito.
"Be nice be nice. Oh e paano na yan? Paano tayo magkakasaya dito sa bahay papa sige nga?! Hindi nakasagot si tito.
"Tsaka Perseus, ang laki laki ng bahay mo ah? Ano bang trip mo't nagdala ka pa talaga ng mga gamit mo?" Tanong ni baba.
"Wala lang, nandito kasi mga friends ko kaya mags-stay din muna ako dito." Sagot ni Perseus.
"Ay ewan ko sayo! Ang laki ng sira sa mga utak niyo alam niyo yun? Hay mababaliw ako sa inyo aaarrrggghhhh!" Gigil na umalis si baba at nagpuntang kitchen. Si tito naman ay tuwang-tuwa at kinuha pa ang gamit ni Perseus at nilagay sa kwarto niya. Pagbalik niya ay niyaya niya kaming lahat sa kitchen para makapagkape.
"Linggo naman kaya magsimba tayo mamayang hapon ha?" Sabi ni tito.
"Seryoso? Isasama mo yang mga yan pa?" Angal kaagad ni baba.
"Oo naman. The more the merrier ika nga hehe. Ay teka, bakit parang pansin ko e namaga yang labi mo Kael? May kumagat ba sayo?" Napangisi ako. Si baba naman ay halos maibuga ang iniinom niyang kape.
"Opo tito, kinagat ng baby ant. Pero hindi naman po masakit okay lang po ako hehe." Sagot ko at pasimpleng tinignan si baba.
First time kong nakitang namula ang pisngi niya hindi dahil sa galit sa akin kundi dahil sa hiya hahaha.
Pagkatapos magkape ay gumawa ng siomai si tito, tumulong naman kami sa kanya kahit na ayaw niya sana.
Kinahapunan ay bumisita nga si Jackson dala ang van. Tamang-tama kasi magsisimba kami.
Natapos ni tito ang lahat ng order at ready na para bukas. Nagkanya-kanya kami ng ayos at bihis para magsimba.
Si Jayden at Perseus ang sumagot ng ginastos namin nung dumiretso kami sa mall para mamasyal at kumain.
Sinubukan ko pa ulit tignan ang card ko pero naka-hold pa rin. Siguro iniisip ni daddy na kapag wala na akong pera ay uuwi na ako sa kanila.