抖阴社区

Mr. Troublemaker meets his on...

By kiddkawaii

9.6K 777 55

Kael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vanc... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56(FINALE)

CHAPTER 21

151 17 0
By kiddkawaii

VANCE's POV

Nakapagdesisyon kaming umuwi bandang alas 3 ng hapon, kami lang apat dahil wala na si Perseus.

"Baba let's take a selfie." Bigla akong inakbayan ni Gaara at mabilis na hinalikan sa pisngi at nag-picture.

"Hindi pa nga ako umoo tsk." Angal ko.

Nasa loob kami ng sasakyan at pauwi na sa bahay.

"Hehe sorry." Sabi niya lang. Nakangiti siyang nagta-type sa phone niya kaya sumilip ako.

"Ops, you can't take a look." Iniwas niya ang phone niya.

"At bakit?" Taas kilay kong tanong.

"Basta, don't worry wala naman akong iba e."

Inirapan ko na lang siya at kinuha ang phone ko. "Oh dito naman, picture tayo." Sabi ko.

Pagtabi niya sa mukha ko ay hinalikan ko din ang pisngi niya sabay capture.

"Maganda siguro kung palitan tayo ng photo." Sabi niya.

"Tsk 'wag na okay na yan." Sagot ko.

Nakarating kami sa bahay, pagbaba namin ay nakasalubong namin si papa at Perseus na mukhang may lakad. Kaagad akong nagmano kay papa at ganun din sila Gaara, Jackson, at Jayden.

"Where are you going tito?" Tanong ni Gaara.

"Sa palengke, bibili ako uulamin natin mamaya. Tara sama kayo?" Masayang sabi ni papa.

"Sige po." Excited na sagot ni Gaara.

"Ikaw anak sasama ka?" Baling ni papa sa akin.

"Ayoko, magpapahinga na muna ako papa. Tsaka mainit din kasi e." Sagot ko.

"Oo nga, Jayden dito ka na lang din ha? Sasama ako sa kanila." Sabat ni Jackson. Nakangiting tumango naman si Jayden sa kanya.

"Kael magbihis ka muna." Singit ko. Nagmadaling pumasok ng bahay si Gaara para makapagbihis.

"Baba you want ice cream? Bibili ako mamaya." Sabi niya habang nagpapalit ng t-shirt.

"Sige, strawberry flavor ha?" Sagot ko. Nakaupo lang ako sa kama at hinihintay siyang matapos magbihis.

"Okay." Bigla niyang hinubad ang slacks niya kaya naman nanlaki ang mata ko. Medyo nag-panic ako, buti na lang may boxer shorts siya akala ko wala wews.

Sinuot niya ang short na binili ni papa para sa kanya.

"Alis na ako baba, see you later." Pagpapaalam niya. Medyo natawa pa ako kasi hindi ko nababakas ang pagiging siga niya.

"Hmm sige na, ingat ka. Huwag kang lalayo kay papa okay? Magulo sa palengke baka makahanap ka ng away dun." Paalala ko sa kanya.

Tumango siya at inilahad ang palad niya.

"Ha? Aanhin ko yang kamay mo?" Takang tanong ko.

"I don't have money baba e, give me money para makabili ako ice cream." Ngising sabi niya. Nasapo ko na lang ang noo ko.

"Ayan, layas pa more." Sabi ko sa kanya. Dumukot ako sa wallet ko at binigyan siya ng 500.

"Alright! Bye baba." He kissed me on my cheek. Hindi ko inasahan yun kaya nagulat ako. Patakbo siyang lumabas ng kwarto at halatang excited.

Nagbihis ako at pagkatapos ay naglabas ako ng libro para magbasa habang hinihintay silang makauwi.

Maya-maya pa ay may narinig akong katok sa labas.

Bumalik agad sila?

Tatayo na sana ako pero narinig kong bumukas ang pinto sa kwarto ni papa. Si Jayden na siguro ang magbubukas kaya naman ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.

"Punyeta ka!" Napaigtad ako sa narinig. Kasabay ng boses ng isang matandang lalaki ay ang malakas na pagsampal at ang kalabog ng pintuan sa sala.

Mabilis kong binitawan ang libro at patakbo akong lumabas ng sala. Nakita ko si Jayden na nakaupo sa sahig umiiyak at hawak-hawak ang pisngi niya, dumugo pa ang gilid ng labi nito.

"Jayden......." Sigaw ko. Mabilis ko siyang inalalayan patayo at inilagay sa likuran ko.

"Ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko sa matanda.

"And who are you? Jayden who is this guy?" Galit na tanong niya.

"C-Classmate ko po, d-daddy."  Umiiyak na sagot ni Jayden. Punyemas tatay niya pala 'tong kaharap ko.

"Hoy ikaw!" Dinuro niya ako.

"Stay away from my son. Jayden, umuwi na tayo!" Sabi pa ng matanda.

Umiling si Jayden pero mabilis siyang nahablot ng daddy niya. Nagpumiglas si Jayden kaya naman nabitawan siya nito, galit na galit na sinakal ng daddy niya si Jayden at isinandal sa pinto.

"Do you really want me to run out of patience ha Jayden? Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sinampal niya ulit si Jayden kaya muntik na naman siyang masubsob. Sinalo ko siya at ako ang humarap sa daddy niya.

"Sir 'wag niyo naman pong saktan si Jayden." Sabi ko.

"Huwag kang mangialam, I need to teach him some lesson dahil masyado nang mahaba ang sungay niyan!" Sabi ng matanda.

"Hindi na po pagdidisiplina ang tawag diyan sa ginagawa niyo e, pangmamaltrato na po yan." Natahimik siya sa sinabi ko. Hinihila ako ni Jayden para patigilin pero hindi ako nakinig.

"Hindi po sa kinukunsinti ko ang paglalayas ni Jayden pero kung ako ang nasa kalagayan niya talagang lalayas din po ako e." Dugtong ko.

"Disiplinahin niyo naman po ng tama, anak niyo ho yan at hindi ibang tao. Buti pa nga kaming ibang tao may malasakit sa anak niyo e." Namula siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung dahil ba sa galit o dahil sa pagkapahiya.

"Jayden umuwi ka na! I'm warning you." Baling nito kay Jayden at hindi na ako pinansin. Hindi umimik si Jayden at nanatili lang siya sa likuran ko.

"Papauwiin ko po siya huwag po kayong mag-alala." Sagot ko.

Napatiim-bagang na lang ang matanda at saka kami tinalikuran. Doon humagulgol ng malakas si Jayden at pasalampak na umupo sa sahig.

Niyakap ko siya at hinagod ang likod niya.

"Ayan kasi, layas layas pa kasi kayo." Sabi ko.

"N-Natatakot lang naman ako e, sinasaktan na niya ako simula nung....." Natigilan siya.

"Simula nung nalaman niyang may relasyon kayo ni Jackson?" Dugtong ko sa sasabihin niya kaya naman gulat na gulat siyang kumalas sa akin.

"Y-You k-knew?" He asked.

"Actually napag-usapan na namin yan ni Kael kanina. Alam ko din na engaged si Jackson kay Noemi." Pag-amin ko. Nagpahid ng luha si Jayden at malungkot na bumuntong hininga.

"Alam mo kasi hindi naman solusyon ang pagrerebelde at paglalayas sa mga problema mo e." Sabi ko. Hindi siya umimik at nakinig lang sa akin.

"Imbis na magrebelde ka at sirain ang buhay mo why don't you fix yourself and show to them that you can be successful regardless of who you are. Oo marami silang sasabihin na negatives but it doesn't matter, sarili mo ang isipin mo Jayden. Build up yourself, be better not for others but for yourself. Tanggapin ka man nila o hindi at least you prove to yourself na kaya mo. Someday you will realize na hindi mo pala kailangan ang approval nila sa mga bagay kung saan ka nagiging masaya at malaya."   Mahabang sabi ko.

"Alam mo mas mabuting sumunod ka sa kanila kapag alam mong hindi mo pa kaya. At kapag dumating yung panahon na sa tingin mo ay kaya mo na then stand on your own feet. Masarap sa pakiramdam yun maniwala ka sa akin." Dugtong ko pa.

Tila naliwanagan siya sa sinabi ko at dahan-dahan siyang tumango.

"Thank you." Humikbi siya ulit at niyakap ako.

"Sus wala yun, kaibigan na rin kita e. Kita mo nga't boyfriend ko na yung siraulong leader niyo." Sabi ko na sinabayan ng tawa.

Kumalas siya sa akin at natatawang nagpunas ng mga luha. Tumayo siya at lumipat sa maliit na couch.

Kumuha naman ako ng pang-cold compress para hindi mamaga ang pisngi niya.

"Mamaya pagdating nila mag-uusap tayong lahat sa kwarto ko." Sabi ko habang dinadampian ng malamig ang pisngi ni Jayden.

Tumango lang siya at ngumiti kaya nagkatitigan kami. Biglang bumukas ang pinto at nagulat na lang ako ng biglang may humablot sa braso ko at inilayo ako kay Jayden. Si Gaara pala, naroon din si Jackson na matalim ang tingin sa akin na hawak din ang braso ni Jayden at inilayo sa akin.

"What are you doing?" Tanong ni Jackson na halata kong nagseselos.

"Ha? Wala naman, ang gwapo pala ni Jayden sa malapitan." Sabi ko para mas lalo siyang magselos. Kinabig ako ni Gaara at ipinaharap sa kanya. Masama din ang tingin niya sa akin kaya nagpipigil ako ng tawa.

"Baba! It's not funny." Seryosong sabi ni Gaara.

Buti wala pa si papa at Perseus.

"Oh sorry agad, binibiro lang kayo e tsk. Pumunta dito ang daddy ni Jayden, sinampal siya kaya nilalagyan ko lang ng yelo ang pisngi niya. Mga seloso tsk." Iiling-iling na sabi ko na mahinang humagikhik.

Nakita ko ang pagluwag ng hininga ni Jackson. Sinuri niya ang pisngi ni Jayden at nag-aalala niya itong hinaplos. Bumukas ang pinto kaya naman nagpulasan kami.

"O magpahinga na muna kayo at ako'y magluluto muna." Sabi ni papa.

"Tutulong ako tito." Presenta ni Perseus.

"Ay hindi! Sa kwarto tayong lahat, magre-review tayo." Pigil ko kay Perseus. Aayaw pa sana siya pero hinila ko na siya papunta sa loob ng kwarto kasunod ang tatlo.

Nakaupo kami pa-circle sa kama, si Gaara ay halos sumiksik na sa loob ng damit ko dahil sa sobrang dikit niya sa akin.

"Okay ganito, since nasabi ko na na alam ko na ang tungkol kay Jayden at Jackson e sasabihin ko sa inyo ang plano ni Noemi." Panimula ko.

Mataman silang naghintay sa sasabihin ko, tinignan ko si Gaara at nakakunot ang noo niya habang titig na titig sa akin.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya kasi gusto kong makita kung anong magiging reaction niya sa sasabihin ko.

"She wants me to pretend to be her boyfriend at ipapakilala niya ako sa mommy niya." Sabi ko.

Mas lalong umarko ang kilay ni Gaara at bumuka ang hugis puso niyang labi.

"Hell no! You're my boyfriend and not hers!" Malakas ang tono ng boses niya.

"That's why I said we're pretending duh!" Sagot ko.

"Still no! End of discussion!" Tumayo siya at lalabas sana pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Tsk makinig ka muna pwede?" Naiinis kong sabi.

"Baba ayoko! A-Y-O-K-O!" Sabi ni Gaara.

"It's just one day Kael, susubukan lang ni Noemi kung gagana ba kasi hindi rin niya gustong magpakasal kay Jackson." Pagpapaliwanag ko.

"I said no! No! No! No!" Mahigpit siyang umayaw.

Nagkatinginan na lang kaming apat at napabuntong hininga.

"Kael naman, hindi naman niya ako aagawin noh. Magpapanggap lang kami, pumayag ka na para naman 'to kay Jayden at Jackson e." Pangungumbinsi ko.

"Oo nga Kael, kung gusto mo sumama tayong lahat kapag ipakilala na si Vance sa mommy ni Noemi para mapanatag ka." Sabat ni Jackson.

"Ayoko!" Seryosong sabi ni Gaara.

Binawi niya ang braso niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"Hala pano yan? Sa tingin ko magandang idea yang naisip ni Noemi." Sabi ni Jayden.

"Well, you can't force him. Pwera na lang kung gagawan ni Vance ng paraan." Malamig na sabi ni Perseus at lumabas na rin ng kwarto.

"Uy Vance pilitin mo naman si Kael oh." Pakiusap ni Jackson.

"Ano pa nga ba? Gusto ko kayong tulungan e tsk." Sabi ko.

Napangiti si Jayden at niyakap ako."Thank you Vance. Uuwi na ako bukas ng hapon, ihatid mo ako ha?" Sabi niya.

Parang naging tagapagligtas na ako sa mga 'to. Sana man lang may mapala ako tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

839 199 17
Ashley Paulette Kitasha (Ash) is half japanese, nag-aaral siya sa Southville International School and Colleges (SISC) from 7th grade to Grade 10. But...
136 3 10
Catalyst is a teenage girl who loves playing her curiosity out of boredom. She won't let go the high profile criminal named Timothy who was the forme...
Killer Classmate By Y/N

Mystery / Thriller

550 7 22
Mayayaman, Sikat, Magaganda't gwapo, ANGHEL NA TAO Sinungaling... Hindi lahat sa kanilang section ay Anghel, may... DEMONYO Ang Tanong, SINO SA KANIL...