抖阴社区

Mr. Troublemaker meets his on...

By kiddkawaii

9.4K 766 55

Kael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vanc... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56(FINALE)

CHAPTER 25

148 11 3
By kiddkawaii

VANCE's POV

I woke up first, 6 am pa lang kaya naman hindi muna ako bumangon at tinitigan ko muna si Gaara. Should I call him dada? He's calling me baba so bagay kapag dada ang itawag ko sa kanya.

Napabungisngis ako sa naisip, kinikilig ako na ewan. Para akong tanga habang tinitignan siyang natutulog.

"Am I that handsome?" Bigla siyang nagsalita kaya naman nagulat ako. Dumilat siya at matamis siyang ngumiti sa akin.

"Kapal mo, hindi naman kita tinititigan noh!" Sabi ko.

"My question is if I'm that handsome, halata ka masyado baba." He said and he chuckled. Sinampal ko siya ng mahina at tinalikuran siya. Alam ko kasing namumula ang pisngi ko.

He hugged me and kissed me on my cheek. "Good morning." He said.

I did not answer, nagkunwari akong tutulog ulit pero pinihit niya ako paharap sa kanya.

"Uy in love siya sa akin hehe." Panunukso niya sa akin.

"Hindi ah! Feelingero ka talaga!" Sabi ko kahit nakapikit ako.

"Admit it baba, we're already in a relationship so it's okay." Sabi niya na nilalaro ng hintuturo niya ang ibabang labi ko.

Napangiti ako, "oo na oo na!" Sabi ko.

"Open your eyes baba." Malumanay niyang sabi. Dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko at sinalubong niya ako ng halik. Hindi naman ako nag-atubiling gantihan ang labi niya.

After our kiss, "I'm going home tomorrow, mami-miss kita baba." Sabi niya.

"Magkikita naman tayo sa school e. Pwede mo din akong ihatid sa bahay para makita mo rin si papa." Sagot ko.

"Yeah. Pero......" Saglit siyang nag-isip at maya-maya ay ngumisi. May binabalak na naman 'tong gawin na kabulastugan.

"Hoy ano yang iniisip mo?" Sabi ko na bahagyang lumayo sa kanya.

"E 'di ba uuwi na ako?" He said.

"Oh tapos?"

"Wala na ako dito."

"Malamang umuwi ka na e. Pinagsasabi mo!" Inirapan ko siya.

"Yun nga, wala na ako dito by Friday kaya baka pwedeng......." He bit his lips and gave me a lustful stare.

"Hoy hoy hoy tigilan mo ako ha! Bumangon ka na nga, maligo ka na dun!" Singhal ko sa kanya at itinulak siya. Mahigpit naman niyang hinawakan ang baywang ko at pinipilit na sumiksik sa akin.

"Dali na baba, isa lang." Pamimilit niya.

"Ayoko! Aaahhh bitawan mo ako!" Sumigaw ako kaya naman tinakpan niya ang bibig ko.

"Sshh baka marinig tayo ni tito." Saway niya sa akin. Dinaganan niya ako kaya naman todo ang pagpupumiglas ko.

"Huwag kang malikot baba. Sige kapag 'di ka tumigil huhubaran kita." Kaagad akong napahinto sa pagpupumiglas. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman malakas siyang tumawa.

"Baliw ka talaga. Umalis ka diyan sa ibabaw ko kundi tatadyakan kita." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo dinaig mo pa ang mommy ko sa pagtatalak mo. Kakagatin ko yang labi mo para manahimik ka e."

"Subukan mo, dudugo na naman yang labi mo talaga." Nagkibit balikat lang siya at sinunggaban nga ako ng halik.

Kinagat ko ang lower lip niya kaya hindi siya kumilos. Hinayaan niya lang ako hanggang sa malasahan ko na naman ang dugo niya. Kusa ko siyang binitawan at nagpatuloy siya sa paghalik. Ewan pero masarap siya sa pakiramdam hehe.

I can feel his hands caressing my body inside my shirt. Hindi ko napigilang yumakap sa leeg niya.

Hingal siya nung bitawan ako, "payag ka na?" Sabi niya.

"Nasugatan na naman kita." Sabi ko at hinawakan ang labi niya.

"Okay lang baba." Ngumiti siya.

Marahan kong hinalikan ang labi niyang may sugat at pagkatapos ay tinitigan ko siya sa mga mata niya.

"I love you dada." I said with my raspy voice. Mahal ko na talaga siya, nahulog na ang puso ni Vance Valentine sa palaaway at isip bata na si Kael Timothy Suson. And I know that I am in big trouble.

"Yan ang hinihintay kong sabihin mo e." Nakangiting sabi niya sa akin at dinampian ako ulit ng halik.

"This is not a deal anymore, I already loved you Kael."

"And you know that I love you too baba, I'm willing to change myself for the better."

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko yung mainit na labi niya na dumampi sa leeg ko kaya napasinghap ako.

"Dada 'wag muna......" Anas ko.

Hindi siya nakinig at hindi ko rin naman siya sinaway pa. Maya-maya pa ay pareho kaming nagulat nung malakas na kumatok si papa sa pintuan. Mabilis na nagpatihulog sa kama si dada kaya naman malakas akong humalakhak.

"Baliw ka talaga!" Sabi ko.

"Anak gising na! Tanghali na!" Sigaw ni papa.

"Opo lalabas na. Inaayos ko lang po yung higaan." Sagot ko naman. Tumayo si dada at napangiwi habang hinihimas ang tuhod at siko niya.

"Oh ayan buti nga sayo! Lumabas ka na nga sun, ikaw na muna magligo." Tumatawang sabi ko.

Natatawa din siyang lumabas ng kwarto para maligo. Pagkatapos ay ako naman ang sumunod at sabay-sabay na kaming nag-almusal. Paglabas namin ng bahay ay himalang naabutan namin si seahorse na nagkakape sa labas ng bahay niya.

"Aba Bans Balintin, parang iba na yata yang sa inyo. Sabi sabi ng mga ka-barangay natin e may something na sa inyong dalawa." Patutsada kaagad ni seahorse.

"Sabi ng ka-barangay o sabi niyo?" Sagot ko sa kanya.

"Uy 'wag mo akong pagbintangan! Nananahimik na nga ako dito e." Sabi niya na humigop ng kape.

"Hay naku aling seahorse este Dory, huli na ho kayo sa balita. Ikinasal na ho kaming dalawa, hindi lang kayo invited kasi hindi tayo close." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at napatakip sa bibig dahil sa gulat. Inirapan ko na lang siya at hinila na si dada papuntang sakayan ng jeep.

"That old Dory is funny." Sabi ni dada.

"Oo, funny-walain. Hayaan mo siya, tanga na lang maniniwala na ikinasal tayong dalawa hahaha." Sabi ko.

Habang nasa jeep, "alam mo kung anong tawag ko sayo?" Tanong ko.

"Ano?" Nagtaka si dada.

"Gaara, kilala mo ba yung character sa Naruto? Yung pula ang buhok na may banga sa likod? Oh ikaw yun hahahaha." Malakas akong tumawa habang bumusangot naman siya.

"Ayoko nun baba." Maktol niya.

"Magpaitim ka na kasi ng buhok, tsaka hindi naman na kita tinatawag na ganun kasi dada na ang itatawag ko sayo." Kaagad naman siyang kinilig sa sinabi ko.

"Okay hehe." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Dumating kami sa SB High at kaagad dumiretso sa room. Nandoon na si Perseus, Jayden, at Jackson.

Naging puspusan ang pag-aaral at pagre-review namin kasi next week na ang first quarter exam.

The bell rang for recess.

Hindi kami lumabas at mas pinili naming magbasa na lang kasi hindi naman kami nagugutom.

Last subject sa umaga ay lumapit si Noemi sa akin. Natatakot siyang nakatingin may dada kaya naman tumayo ako at hinila siya sa sulok.

"Bakit?" I asked.

"Uhm papunta na kasi si mommy at daddy sa restaurant na ni-reserve ko. Sasamahan ba nila tayo?"

"Ah oo. Bale maghihintay na lang sila sa labas." Sagot ko sa kanya.

"Okay sige, good luck sa atin Vance. Sana gumana 'tong plano natin." Sabi ni Noemi.

Tinapik ko ang balikat niya at nginitian ko siya.

"Tiwala lang, sige na balik ka na sa seat mo andiyan na si ma'am."

Bumalik si Noemi sa upuan niya at ako naman ay umupo na rin kaagad nagtanong si dada sa akin kaya sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin ni Noemi.

Binigyan kami ni ma'am ng quick review at pagkatapos ay umalis na siya. May importante daw siyang lakad kaya naman maaga ang dismissal namin.

Hindi na muna kami kumain at dumiretso na kami sa restaurant malapit sa school. Kinakabahan ako, naiisip ko kasing baka kami naman ni Noemi ang ipakasal ng parents niya.

Pero imposible, hindi sila magkakainterest sa kagaya kong mahirap lang.

"Vance they're here." Bulong ni Noemi. Kaagad kong hinawakan ang kamay niya at tumayo kaming dalawa para magbigay galang sa parents niya.

"Sit down." Utos ng daddy ni Noemi. Boses pa lang alam kong hindi na maganda ang kalalabasan ng plano naming ito.

"What is this all about Noemi?" Tanong ng mommy niya.

"U-Uhm mommy, d-daddy, this is Vance. M-My boyfriend." Nauutal na pagpapakilala ni Noemi sa akin.

Tumayo ako at nag-bow sa harapan nila. Pinasadahan naman nila ako ng tingin at parang sinusuring mabuti.

"2 Million, stay away from my daughter." Nagulantang ako sa sinabi ng mommy ni Noemi. Hindi ako kaagad nakapagsalita kaya ang daddy naman ni Noemi ang kumausap sa akin.

"My daughter is engaged to Jackson Santos, and......" Huminto ang matanda at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi ka nababagay sa anak ko." Sabi niya.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa, grabe ang kaba sa dibdib ko at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Mom, dad, I don't want to get married with Jackson. Mahal ko si Vance at siya lang ang gusto ko." Sabi ni Noemi.

Nagalit ang mommy niya at sinampal siya ng malakas.

"T-Teka lang po, huwag niyo pong saktan si Noemi." Sabi ko.

"Huwag kang mangialam! Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo 'tong anak ko?" Tumaas ang boses niya.

"Ma'am hindi ko po kailangan ng pera. Gusto ko po si Noemi at malinis ang intensiyon ko sa anak niyo." Sagot ko sa kanya.

"No. Hiwalayan mo 'tong anak ko dahil ikakasal na siya kay Jackson. O baka naman gusto mong masira ang buhay mo?" Biglang naging katakot-takot ang aura ng mommy ni Noemi. Napalunok ako at hindi na nakapagsalita.

"Mommy please! I'm p-pregnant."

"What?" Sabay na sabi ng mga magulang niya.

Ako naman ay napatingin kay Noemi kasi wala naman sa usapan namin na sasabihin niya yun.

Parang nawalan ng lakas ang ginang, napaupo ito sa upuan at mabilis na uminom ng tubig.

"How dare you!" Hinablot ako ng daddy ni Noemi at malakas na sinuntok sa panga.

Napasigaw si Noemi sa takot, ayaw ng mga magulang niya ang eskandalo kaya naman huminahon sila.

"Go back to your school, Noemi mag-uusap tayo sa bahay." Madiin na sabi ng ginang bago sila lumabas ng restaurant.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Mukhang malaking problema 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

628K 13.8K 60
Kung ikaw ang nasa sitwasyon na isang araw may lalaking nagtapon ng softdrink can at muntikan kang matamaan. Sa galit kasi hindi ito humingi ng sorry...
5.7K 308 51
The story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa is...
39.6K 2.6K 43
Asher june san jose,Isang basag ulo at pasaway na babae,kaya sa ugali niya nailipat siya sa isang eskwelahan na makakapagbago ng kanyang buhay at pat...
248K 16.5K 37
Totoo pala 'yong sinasabi nila na hindi lahat ng taong gusto mo ay gusto ka. Bryleigh Arevalo Karlsson experienced that... twice. Dalawang beses siya...