抖阴社区

Mr. Troublemaker meets his on...

By kiddkawaii

11.6K 785 56

Kael Timothy is a bully student, son of the owner of SB High. Makikilala ang transferee at scholar na si Vanc... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56(FINALE)

CHAPTER 33

186 13 0
By kiddkawaii

VANCE's POV

"Daddy no!" Pigil ni Kael Kay Mr. Suson pero nasampal na niya ako ng malakas. Hawak ng dalawang tauhan niya ang mga kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi ang mapaluha sa sakit ng pisngi ko.

"Didn't I tell you to stay away from this rat?!" Galit na sabi ni Mr. Suson. Tumalim ang titig ni Kael sa daddy niya at akma niya itong susugurin.

"Kael no. Hayaan mo siya." Pigil ko kay Kael.

"P-Pero baba....."

"Sinabi ko na sayo na huwag kang makipag-away, lalo na sa mga magulang mo." Mahinahon kong sabi pero kay Mr. Suson nakatuon ang mga mata ko. Bahagyang kumunot ang noo niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You see Mr. Suson? Kaya hindi ka sinusunod ng anak mo kasi hindi ka marunong maging magulang." Kalmadong sabi ko.

"What did you just say?" Gulat na tanong ni Mr. Suson.

"I'm sorry if it is sounds offensive but I stand for what I have said. Siguro nga isa akong daga sa paningin niyo pero mas masahol pa kayo sa akin." Dugtong ko na lalong nagpagalit sa matanda.

"Opo mahirap lang ako pero alam ko kung paano bumalanse sa kung anong tama sa mali. E kayo ho?" Sabi ko. Hindi nakaimik ang matanda kaya nagpatuloy ako.

"Wala kayong ibang nakikita sa anak mo kundi puro kamalian niya. Paano kayo susundin at igagalang ng anak niyo kung kayo mismong mga magulang niya ay hindi niyo siya pinapakinggan?"

"Silence! Bastos ka! Wala kang galang!" Pagpapatahinkk sa akin ni Mr. Suson.

"E kayo ho? Ginalang niyo ba ang nararamdaman ko lalo na ng anak mo?" Sagot ko sa kanya.

"How dare you to talk to me like that! You are just a piece of trash!" Dinuro niya ako.

"No sir, how dare you to treat me like this! All I did was love your son because you can't give it to him. I will ask you Mr. Suson, sino sa atin ang mali? Kami ni Kael na nahanap ang kalinga sa isa't-isa o kayo na tinututulan kami kahit alam niyong may malaki kayong pagkukulang?" Napatulala ang matanda at hindi nakakibo. Totoo naman e, kailangan niyang masampal ng reyalidad.

Inaantay ko ang isasagot niya pero biglang dumating si sir grandpa.

"Rael that's enough." Grandpa said.

"Papa, buti nandito ka. Pagsabihan mo nga 'tong....."

"I said enough! You have an emergency meeting but why are you here?" Pinagsabihan ni grandpa si Mr. Suson.

"Pupunta kaagad ako doon, I came here to lecture and discipline this......"

"Go ahead to the meeting, late na ang mga bata sa klase." Putol ni grandpa sa paliwanag nito.

Lumapit sa akin si Mr. Suson at bumulong, "we are not done yet." Banta niya.

Pagkaalis ng daddy ni Kael ay saka pa lang ako ngumawa habang hinahaplos ang nasampal kong pisngi.

"I'm so sorry baba." Nakukonsensyang sabi ni Kael.

"Ang sakit dada..." Reklamo ko sa kanya.

"Mamaya na ang lambingan, hala sige, pumasok na kayo sa klase." Biglang singit ni sir grandpa.

"Woah that was intense." Sabat naman ni Jackson.

"Nandiyan ka pa pala walanghiya ka! Tara na nga!" Sabi ko. "Uhm sir grandpa thank you po ha? Bye po ingat po kayo." Magiliw na paalam ko kay sir grandpa at tumango naman siya.

Pagkapasok namin sa room ay nagdi-discuss na nga si sir. Hindi siya nagtanong kung bakit late kami, siguro ay may idea na siya sa kung anong nangyari sa amin.

Pagkaupo namin ay kinuha ko ang kamay ni Kael at inilagay yun sa nasampal kong pisngi. Hinahaplos niya ang pisngi ko habang nakikinig kami kay sir hanggang sa matapos ang subject niya.

"Review your lessons okay class? Good luck to your exam tomorrow." Sabi ni sir.

"Yes sir." Sagot naman namin.

Pagkaalis ni sir ay kaagad pumasok ang next subject teacher. Inurong ni Kael ang upuan niya papalapit sa akin at inoffer ang balikat niya.

"Ha? Anong gagawin ko diyan sa balikat mo?" I asked.

"Dito ikaw baba, my hand is starting to feel numb hehe." Sagot niya.

"Ano 'to sinehan? Palit tayo chairs, para yung isang kamay naman ang gamitin mo." Utos ko sa kanya. Gusto niyang magreklamo pero hindi siya makapalag hahaha.

Buong subject na yun ay nakahawak siya sa pisngi ko habang nakikinig sa klase. Kaya naman nung nag-bell ay para siyang nabunutan ng tinik. Tumayo si Kael at nag-unat ng katawan sabay yaya sa amin sa cafeteria.

"Vance!" Bigla akong tinawag ni Noemi. Nag-aalangan siyang lumapit pero nung nginitian ko siya ay mabilis siyang tumakbo palapit sa akin na nakangiti.

"Hindi ka na galit sa akin?" She asked.

"Hindi na, sorry sa mga nasabi ko sayo ah?" Hinging paumanhin ko.

"Oh it's okay, I understand. By the way, sinabi ko na sa parents ko ang totoo tungkol sa atin." Nagulat ako sa sinabi niya.

"T-Talaga? Anong ginawa sayo? Sinaktan ka ba?" Sunod-sunod kong tanong pero umiling siya.

"Hindi sila galit, masaya pa nga sila kasi matutuloy ang kasal namin ni Jackson." Malungkot niyang sabi.

"Oh about that, tara sumama ka na sa amin sa cafeteria. Mag-uusap tayong lahat." Sabi ko. Kinakabahang tumingin si Noemi kay Kael kaya palihim akong natawa.

"Kasali ka na sa grupo, basta 'wag mo lang agawin si Vance." Seryosong sabi ni Kael. Napasinghap sa tuwa si Noemi at malakas na tumili.

"Aaaaaahhhh! Thank you so much guys!" Sabi ni Noemi. Yayakap sana siya kay Kael pero hinila ko ang buhok niya.

"Bawal yumakap, dun na lang kay Perseus." Sabi ko at ipinulupot ko ang braso ko sa baywang ni Kael. Kael chuckled and he gave me a kiss on the side of my head.

"Siraulo ka Vance, tara na nga!" Inis na sabi ni Perseus kaya nagtawanan kami.

Sa cafeteria, kumakain kami habang inuumpisahan ni Jackson ang topic.

"So here's the plan, sa 21st birthday ko hahayaan natin silang i-announce ang engagement natin Noemi." Panimula ni Jackson.

"What? Why?" Confused na tanong ni Noemi.

"Jayden will be there, we already talked about it and he's okay with it as long as we're not living together." Sagot ni Jackson.

"O-kay, and then?" Noemi asked again.

"After graduation tutulungan ni Perseus ang business ni daddy, by that time pwede natin ipa-cancel ang wedding natin." Sabi ni Jackson at nagtanguan kaming lahat.

"But just in case na hindi gumana yung plano e itutuloy natin ang kasal."

"Ano?!" Sabay kaming nagulat lahat.

"T-Teka Jackson, wala sa usapan natin yan ah?" Tutol kaagad ni Jayden.

"Sshh relax honeybun, just in case lang naman kung magkaproblema sa plan A." Hinawakan ni Jackson ang kamay ni Jayden.

"So pano yun kapag nga kinasal kayo?" I asked.

"We can divorce after, right Noemi?" Tumango naman si Noemi sa tanong ni Jackson.

"Pagbibigyan ko lang si daddy sa gusto niya. Kapag nakabangon na ang business niya ay aalis na ako sa bahay namin and I will live on my own." Dugtong ni Jackson.

"Baka naman magkagustuhan kayo ni Noemi?" Jayden pouts.

"What? No way!" Sabay na sabi ni Noemi at Jackson.

"Honeybun kahit naman ikasal kami e hindi pa rin naman kami magsasama sa iisang bahay. Kung gusto mo tayo na lang ang bumukod e, ano?" Biglang humagikhik si Noemi kaya nagtaka kami.

"Ano ba yan, crush ko pa naman si Jayden hehe. Huwag na pala, sa iba na lang ako magkakagusto." Noemi said.

"Available si Perseus." Singit ni Kael. Muntik na tuloy maibuga ni Perseus ang ininom niyang juice.

"Fvck you! Tigilan niyo ako ha!" Inis na sabi ni Perseus kaya nagtawanan kami.

Malapit na kaming matapos kumain ng biglang lumapit sa amin ang grupo ni Caloy.

"Uy Vance, kamusta?" Bati niya na umakbay pa sa akin. Tatayo na sana si Kael pero pinigilan ko siya kaya bumalik siya sa pagkakaupo.

Ako naman ang tumayo at hinarap ko si Caloy. "Okay lang naman ako, ikaw?" Nakangiti kong sabi.

"I'm better than okay. So talagang paninindigan niyo yang relasyon niyo ng pinsan ko ha? Nakakadiri!" Sabi ni Caloy at tumawa sila ng grupo niya.

"Nakakadiri nga ba o naiinggit ka lang? Alam mo, I'm wondering kung bakit ganyan ang pakikitungo mo kay Kael. Ah alam ko na, nakikisipsip ka sa daddy niya noh? Para pamanahan ka naman niya." Nakangisi kong sabi.

Nawala ang tawa niya at galit na siyang tumingin sa akin.

"Huwag kang gumawa ng kwento! Hindi mo ako kilala Vance." May halong pambabanta na sabi ni Caloy.

"Well, who knows kung ano talaga ang pakay mo, malay ko ba na baka ikaw ang dahilan kaya sinisi si Kael ng family niya sa pagkawala ng kuya niya. Oh my God! Baka ikaw pa nga ang may gawa nung pambubully kay Kael e, sa tingin mo?"

"Fvck you!" Sigaw ni Caloy at inambahan niya ako ng suntok. May humablot sa braso ko at inilayo ako. Segundo lang ang dumaan ay nasa harapan ko na si Kael, Jackson, at Perseus. Si Noemi ay dahan-dahang naglakad sa gitna habang magka-krus ang mga braso niya.

"You know what Caloy, I can hire private investigator to investigate the Kael and Gael's incident back then. I can use the connections of my parents." Nakangising sabi ni Noemi.

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Caloy at dahan-dahang napapaatras. Si Jayden naman ay nakangiti lang na nakaupo habang pinagmamasdan ang nangyari.

"Let's go!" Utos ni Caloy sa mga kagrupo niya. Pagkaalis nila ay sabay-sabay kaming tumawa ng malakas.

Tiklop pala agad si Caloy sa konting paninindak lang e haha.

The bell rang.

"Uy tara na, oras na naman ng pagsusunog ng kilay." Sabi ni Perseus.

Bumalik kaming lahat sa classroom at hinintay ang teacher namin. Nag-focus kami lahat sa pagre-review para sa exam bukas.

Kinahapunan.

"Baba where's my kiss?" Bulong ni Kael. Kaming anim na lang ang natira sa classroom.

"Sa condo na, hindi mo ba ako ihahatid?" Tanong ko.

"Nag-aabang yung bantay ko sa labas baba, baka si Jackson or Perseus na lang muna ang maghahatid sayo." Kael said.

"Ay ganun? O sige halika, lapit ka sa akin." Lumapit nga si Kael, binigyan ko siya ng panakaw na halik sa gilid ng labi niya habang hindi nakatingin ang apat sa amin.

"Hindi ganun baba, sa lips dapat. Yun ang deal natin e." Reklamo niya.

"Okay na yun. Kapag mahahatid mo ako sa condo saka pa lang yung sinasabi mo."

Napakamot sa ulo si Kael. "Uy tara na, ayokong gabihin na naman sa pag-uwi." Yaya ko sa kanila.

Paglabas namin sa building ay kay Perseus na ako sasabay. Pinauna muna naming makaalis sila bago kami sumakay ni Perseus sa kotse niya. Saktong papasakay na kami sa sasakyan ng biglang may dumaan na matandang pamilyar ang mukha.

"Lola? Uy kayo nga po! Natatandaan niyo po ako?" Nakangiting sabi ko sa matandang inutusan ko sa mall kahapon.

"Aba e apo, ikaw pala yan. Oo naman, natatandaan kita." Sagot ni lola.

Napangiti ako, lumapit si Perseus at pareho kaming napatingin sa pin nakalagay sa kaliwang dibdib ni lola. Yung pin na may diamond na pinuluputan ng gold dragon.

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 2.9K 31
Sa laro-larong relasyon, paano mo malalaman na unti-unti ka na palang natatalo? Dalawa ang dahilan kung bakit nag-enrol si Chel Laurel, isang incomi...
404 29 15
"Anong gagawin mo kung isang araw, magkita kayong muli ng greatest and first love mo?" ... Arzhel Van Ruiz just wanted to survive his senior high sch...
30.1K 1K 25
Seventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent-ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang-sa takda...
39.8K 2.6K 43
Asher june san jose,Isang basag ulo at pasaway na babae,kaya sa ugali niya nailipat siya sa isang eskwelahan na makakapagbago ng kanyang buhay at pat...