“Ano 'yung punishment na 'yon? Bakit may ganon? Alam ba ng principal ang ginagawa ng kulto na iyon?” pagkaupong pagkaupo ko ay tanong ko sa kaniya.
“Woah, easy. ” pacool niya pang sagot.
Inis na inirapan ko siya.
“Bilis na sagutin mo nalang pwede?!”
“No.”
Nadurog ang pag-asang namumuo sa dibdib ko dahil sa sagot niya.
“Bilis na kasi! ”
“No. ”
Bumuntong hininga ako.
“Para sa Class 4-Z!Tutulong ako para matanggal ang ganoong klaseng parusa. Ano deal?” anya ko.
Tila napaisip naman siya.
Kung tutuusin hindi na masama ang inaalok ko sa kaniya. Para sa aming lahat naman 'to eh, sa section namin.
“Ano, g?”
“My answer is still no.” Ipinatong niya ang isang paa sa katabing upuan. “First, I don't care about this section. Second, wala akong pakealam kung matanggal ang parusa na 'yan. Third, nasabi ko na bang wala akong paki?” mayabang niyang sabi.
Sa inis ko ay nasapok ko siya.
“What the?”
“Nakikita mo ba 'tong ilong ko ha?” tinuro ko pa ang ilong ko.
“Kanina lang wala yang band aid. Ngayon, dahil sa animal na kulto niyo dito dumugo 'yung ilong ko. Nagkagalos ako at nanakit ang buong katawan ko. Kung hindi mo pa nararanasan ang naranasan ko sa UNANG araw ko dito sa school na 'to then good for you!”
Hinampas ko ang lamesa ng bangkong inuupuan ko.
“Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasabihin mo sa'kin ang lahat ng alam mo tungkol sa school na 'to. ”
“Okay, fine.”
'Yon! Papayag din pala, pakipot pa.
“Sa isang kondisyon,..”
Kondisyon?
“Ano namang kondisyon?”
Tumikhim muna siya bago magsalita.
Hindi ko sure kung anong kondisyon ang sasabihin niya pero ready ako na sundin 'yun basta't makakaya ko. Huwag lang syempre magbenta ng katawan, magdadrop out nalang ako kapag 'yun ang hiningi niyang kondisyon.
“I'll tell you after.”
Ngeks? Ano daw 'yun?
Sumangayon nalang ako sa kaniya. Wala naman kasi akong magagawa eh. Atat na atat na din akong malaman ang kwento sa parusa sa Class 4-Z.
“Magsisimula na ako.” seryoso niyang sabi.
Ako naman eto focus na focus sa sasabihin niya.
“O-once upon a time..”
“ARAY!”
Inis na tiningnan ko siya. Sapo sapo niya ang ulo niyang sinabunutan ko. Aba, buset. Akala ko seryoso na tapos biglang once upon a time? Ano 'to children's story time?
“Nagkakalokohan ata tayo dito ah. Akala ko ba may deal na tayo ha?!”
Feel ko naging barako ako ng very light. Sinamaan ko siya ng tingin at ganundin siya sa'kin. Tss, kalalaking tao ih.
“Oo na, eto na. ”
“Bilis.” utos ko.
Naiinip na ako eh, apakatagal.
“Sama ng ugali mo, makapagutos ka ah. Close ba tayo?” reklamo niya habang nagkakamot ng ulo.
“'Yun na nga eh, hindi tayo close kaya bakit ako magiging mabait sa'yo aber? Atsaka oo, proud ako no. Masama talaga ugali ko.” inirapan ko siya.
“Bilis.”
Inirapan niya lang uli ako. Bakla ata siya? Pero anways, hinintay ko na siyang magkwento. Tumikhim muna siya bago magsalita.
“Alam mo naman sigurong sikat ang Noblesse High diba?” tumango tango ako bilang sagot.
Ang alam ko ay para sa mayayaman daw ang eskwelahang 'to. Sikat ang eskwelahan dahil dito raw kuno nahuhubog ang estudyante kung paano maging perpektong student at successor.
“Mula 1 hanggang 4, originally meron lamang tigtatatlong section. Then nabuo ang Class Z.” tumigil siya ng konti sa pagpapaliwanag.
“Sa Class Z, napupunta ang mga estudyanteng may pinakamababang marka na nakuha. In other words, tayong estudyante sa section na 'to ang itinuturing na patapon ng eskwelahang ito. Mula noong second year hindi na nadagdagan ang student sa Class Z, mga takot kasi sila. ”
Patapon? Anong klaseng sistema 'yon?
Kahit na gustong gusto ko ng sumabat ay pinakinggan ko ang sunod niyang sasabihin.
“Ang parusa kanina? Ginagawa nila 'yon para magsumikap ang mga student dito sa klase na 'to. Magsikap at magaral ng mabuti para makaalis sa section na 'to.”
Hindi ko naiintindihan.
Bakit...baluktot ang paniniwala nila?
“Every grading ay ginagawa 'yun. Depende sa kung anong progress ng mga grades. 'Yung kanina pawelcome party palang 'yun, mababa kasi ang nakuhang grade sa entrance exam. ”
So, mababa pala ang nakuha ko kaya ako ginawang basketball ring dun? Grabe.
“Habang ang ibang normal na student ay nagagawang magpalit ng classroom, classmates.. Ang mga students naman sa Class Z ay hindi, tanging numero lang na nakadikit sa pangalan ang napapaltan. Tanda kung ilang year ka na. Pero ang classmates, classroom, building ay hindi.”
“Ibig sabihin ilang taon ka na sa Classroom na 'to?” paninigurado ko. Tipid na tumango naman siya.
“Yeah. I don't know what else to say. ” walang gana niyang sabi.
Katahimikan ang bumalot sa paligid. Inaabsorb ko pa lahat ng kinwento niya sa akin. Napataas ang kamay ko ng may pumasok sa utak ko.
“Alam ba ng mga professor, parents ang nangyayari sa students dito sa Class Z?”
Katulad kanina ay tipid lang siyang tumango bilang sagot.
“Edi, kung alam ni Kuya bakit niya ako pinalipat dito?” wala sa sariling nasabi ko.
“Maybe to discipline you?”
Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi naman ako ganon kapasaway katulad ng inaakala niya. Bahala na mamaya, itatanong ko kay Kuya lahat.
“May tanong ako.” tinaas ko uli ang kamay kanang kamay ko.
“Ano?.”
“Kilala mo ba kung sino 'yung mga nakamaskarang nambabato?”
Kanina pa kasi ako nac-curious, kanina parin ako kating kati na gantihan sila. Okay lang sana kung kita namin ang mukha ng bumabato samin eh pero tago. Kaya nabubuset ako, mga duwag.
“Yeah, kilalang kilala.”
“Sino?.”
“Secret.”
Inirapan ko nalang siya.
Maya maya pa'y may naalala na naman ako.
“Ano nga pala 'yung kondisyon mo?”
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay lumabas siya ng classroom.
Parang tanga, alam na kinakausap bigla biglang lumalayas. So, ano 'yung kondisyon? Manghuhula na naman ako, ganon? Adik ata 'yun.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa