Farewell
“Anong pumasok sa mga utak niyo't magang maga ay nakikipagbugbugan kayo?”
Napatikhim bigla si Tim nang magsalita si Lolo M. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko actually. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama papunta dito.
Pagkatapos kasing magsagutan ni Rin at Kin, biglang may dumating na tanod. Edi ayon, ang ending kanya kanyang takbuhan. Si Peter nga ay hawak nila sa magkabilang braso kasi nahimatay. Hindi naman dapat ako tatakbo, si Tim lang kasi hinila ako patakbo. Ang ending, napunta kami dito sa resort ni Lolo M.
Hindi ako makaimik. Nagugutom na din kasi ako, isa pa'y wala naman akong sasabihin. Nasabit lang naman ako dito.
“Wala talagang may balak magsalita sa inyo?” maawtoridad ulit na tanong ni Lolo M, nagsasalubong ang mga kilay nya at halata naring hindi sya natutuwa.
Tiningnan ko ang mukha ng Class Z, 'yung iba nakayuko, 'yung iba mukhang lutang habang 'yung iba walang pake. Meron namang knockout parin. May mga medics na gumamot sa mga sugatan kanina kaya may mga benda na sila at maayos na ang mga itsura.
“Lolo, pinagtanggol lang namin sina George.” sagot ni Tim.
“Pwede namang tumawag nalang kayo ng tanod o kung ano man, hindi nyo na kelangan makipagbugbugan. Tingnan nyo ngayon, masasakit ang mga katawan nyo.”
“Hinahamon kami alangan namang tanggihan namin.” sagot ni Jacob na nagkakamot pa ng ulo.
“Tsaka ang yayabang eh!” dugsong pa ni Warren. “Kung hindi lang dumating 'yung mga tanod, lagot sila sa'min lalo!”
Pweee, lagot daw. Pero bugbog sarado na una palang. Yabang amp.
“Bugbog sarado na nga kayo eh.” sagot ni Spade.
“Tinatapakan nila 'yung section namin! Inaaway pa si Kin, paanong hindi namin papatulan?” ani August.
“Hindi ako natutuwa sa ginawa nyo." Seryosong sabi ni Lolo M. “Hindi nyo man lang inisip ang kahihinatnan, isa pa'y hindi nyo muna inisip kung kaya nyo ba. Sige lang kayo ng sige, paano kung napahamak kayo?”
Hayyy.. Ba't ba ako napasama dito?
“Sila naman nauna eh! They make us hostage kaya, Lolo.”
“Yeah, right."
“Bagay lang sa kanila 'yon. They're so papanget naman kasi.”
Teka. Napahawak ako sa ulo ko, sumasakit ang ulo ko sa kanila. Like they're so conyo talaga. Gusto ko silang tuktukan sa bunbunan isa isa.
“Still what you did is wrong. I do not advice everyone to take part of those kind of chaos, walang maidudulot na maganda. It will only make your life miserable.”
Nagtaas ng kamay si Achylis. Wala syang gaanong sugat at galos, hindi ko din naman sya nakitang nakipagbugbugan kanina.
“P-paano kung m-manghamon ulit sila?”
“I do not promote violence. Tanggihan nyo hangga't maaari.” sagot ni Lolo M.
“Pero Lolo, aakalain nilang duwag kami! Baka nga isipin pa nilang natalo nila kami!” wika naman ni Kin.
“Oo nga!" Sulong pa ni Zedrick.
Nagsalita pa halos lahat, obviously kampi sila sa Class Z kea kay Lolo M. Ayaw kasi nila nung magiging talunan sila, gusto nila lagi silang panalo. Sabay sabay pa talaga silang nagdahilan, sakit sa tenga!

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...