Dedicated to everleighues
Anti-Hero
"Of all those years until now, why are you enduring it?"
Si Spade ang nagtanong. Nagkagulo bigla 'yung Egg Warriors sa hindi ko malamang dahilan.Nosebleed ha. English men! Pero anyways, mukhang may pinaghuhugutan siya. Ano kaya 'yung ibig nyang sabihin don?
Enduring daw? Anong iniendure ni Zero? Baka naman baliktad, 'yung mga itlogz talaga 'yung nagtitiis sa kayabangan nung president nila.
Halos hindi man lang gumalaw si Zero sa kinauupuan nya. Nakatitig lang si Zero at Spade sa isa't isa. May tensyon ding namumuo sa pagitan nilang dalawa.
Bakit?? Ay oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan. Si Zero nga pala ang current president samantalang si Spade naman ang former president.
At ngayon bakit pakiramdam ko may harapang magaganap?
"You're asking me why I'm enduring it?" pagulit ni Zero sa tanong ni Spade. Hindi sumagot si Spade sa kanya. Biglang tumahimik nung nagsalita si Zero.
Bahagyang sumilay ang ngisi sa labi ni Zero.
"Because I'm Zero and I'm the President." seryoso pero proud nyang sagot.
Tahimik pa rin ang mga itlogz. Parang hindi nila alam ang irereact nila. May mukha ding naamaze. Tss, ano bang nakakaamaze sa sinabi nya? Nagyabang lang naman siya ah. Proud na proud pa nga sa kayabangan. Psh.
Yabang!
Si Tim at Wavin punong puno ng kaabnoyan, si Gray punong puno ng kasupladuhan tapos etong si Zero may sakit sa utak! Este punong puno ng kayabangan sa katawan! Myghad ha. Si Archer, baka sinumpa talaga 'yon kaya hindi mahilig magsalita.
Gulo ng officers ha.
"I love you pres!"
Mahabang katahimikan pa bago sumigaw si Warren. May pagtayo pa talaga! Bromance amp. Ginayuma siguro ni Zero si Warren. Tatawa na sana ako pero nagkaingay sila.
"Saranghaeeee!"
"Dabest ka talaga!"Sigaw nila na ipinagtaka ko. Magtatanong sana ako kayna Tim at Wavin. Pero busy si Wavin sa pagcheer kay Zero tapos si Tim naman nagsesend ng hearts kay Zero. Muntanga amputek.
Napangiwi ako sa itsura nila. Kanino ako magtatanong? Ay kay Gray.
"Psst, Gray."
Kinulbit ko siya, nakatingin din kasi si Gray kay Zero. Agad namang humarap siya sa'kin, nakakunot ang noo. Naku, mukhang nakakaistorbo pa ata.
"Hm?"
Napakamot ako sa ulo ko. "Bakit ganon reaction nila?" Parang ang OA naman. Nagyabang na nga si Zero chineer pa.
Sumeryesong bigla ang mukha nya. Parang may kung ano akong nasabi dun sa tanong ko. Naoffend ko ba siya? Pero hindi e tinanong ko lang naman kung ba't ganon 'yung reaction nila, so anong masama dun?
"They're just being real to their feelings."
Eh? Real? Pinasadahan ko ng tingin ang Class Z may relieve smile akong nakikita sa mga mukha nila. Sunod kong tiningnan si Zero. Nakapoker face lang siya, walang reaksyon.
Wala siyang reaksyon kahit chinecheer na siya. Tamo yabang talaga kahit kelan. Impakto forever. Wala 'to, wala na 'to. Nagkakaroon tuloy siya ng mahabang ilong sa paningin ko tapos sungay tapos mapupulang mata tapos-------.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...