抖阴社区

Chapter 79

144 7 0
                                    

Ranking

Monday na naman. Ibig sabihin….

PASUKAN NA NAMAN!

“George, bilisan mo na . Kakain ka pa."

Napafacepalm ako. Sinabi ko kay kuya kahapon na itutuloy ko ang pagpasok ko. Natuwa siya dahil don pero grabe naman… Ang aga aga akong ginising! Alas kwatro pa lang non.

Chineck ko 'yung orasan ko para tingnan 'yung oras. O 'diba alas sinko palang. —_—

OA ni kuya grabe.

Nakabihis na ako ngayon, nakaligo na din. Pagkatapos magsuklay ay bumaba na ako. Nadatnan ko si kuya na nakasuot na din ng pangopisina nya.

“Kain na."

“Ang OA mo 'no kuya?" pagkaupo ay sabi ko. Uy, ulam pala namin ay bacon, tocino at egg with sinangag hihi! Nafheart heart bigla 'yung mata ko.

“OA? What do you mean?"

“As in OA, alam mo 'yun? Napakaaga mo kong ginising! Mamaya pa kaya ang pasok namin." Tsaka kahit naman pumasok kami ng maaga hindi naman maagap pumasok 'yung mga profs. Hindi na nga pumapasok e.

“Mas maganda maaga kesa late."

“Tss, dapat tulog pa ko ngayon ih." Reklamo ko ulit.

Sinamaan nya ako ng tingin at saka dinampot 'yung gunting na kalapit nya. “Tumigil ka sa pagrereklamo kundi kakalbuhin kita." Seryosong wika nya.

“Hmp!”

Natapos akong kumain. Inilock na din niya 'yung bahay. Kaya eto ako ngayon, naglalakad papunta sa school ng ganto kaaga. Dala dala ko 'yung bag ko na ang tanging laman lang ay 'yung ballpen at isang PIRASONG papel na ibinigay sa'kin nina Tim, Wavin at Gray.

Buset ng mga 'yon. Hindi ko alam kung tumutulong ba o pinagtitripan ako. Ang yaman yaman nila tapos ang kuripot. Well, whatever!

Dala ko din pala 'yung pinahiram sa'kin ni Zero na damit. Nagrereklamo na kahapon kesyo hindi na daw napabalik sa kanya. Psh. Akala mo naman ay aangkinin ko 'tong damit nya. Makakalimutin lang ako pero hindi ko ugaling mangangkin ng gamit ng iba.

“Ay, hindi ko pa nga pala nasasabi kayna Tim na papasok na ulit ako."

Isurprise ko kaya? Pfft. Tutal hindi ko naman nakita si Wavin the Angry bird. Nadaanan ko na din 'yung apartment nung nga itlogz, hindi ko rin sila nakita.

Hehehe. Surprise ko sila!

Mas binilisan ko ang paglalakad. Ilang minuto ay andon na agad ako. Nakarating na agad ako sa room kaso nga lang…

“Lock? Nakalock pa amp."

Anong oras na ba.. Oh, 6:15 na. Kaya siguro wala pang tao kasi maaga pa. Di bale sa may rooftop nalang muna ako. Pagakyat ko sa may rooftop, akala ko walang tao pero meron pala.

“N-ngayong araw na 'yon…" nanginginig pa 'yung boses nya. Sino nga ulit sya? Si… Dondon ba? Ay hindi, si Donald pala!

Anong sinasabi nya na ngayong araw na, anong mangyayari ngayong araw? Nagtago ako sa may likod ng mga kahon dito sa may rooftop, may mga kahon kasi dito na nakatambak.

“S-sana maganda a-ang kalabasan!" Sigaw nya sa kabila ng panginginig ng boses. Nenenerbyos nga ata sya.

Ano nga kayang problema nya? Tanungin ko kaya?

“Uy. Good morning!"

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Napaatras naman siya sa kinatatayuan nya, muntik pang madulas. Muntik na din siyang mahulog! Nandon kasi siya nakasilip sa baba.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon