抖阴社区

Chapter 115

129 8 2
                                    

Uninvited Guest

“Seriously friends na kayo non?"

Itinaas ko ang paa ko sa upuan. “Sabi niya e."

May pa 'no comment' pa siya kahapon, gusto naman pala akong maging kaibigan. Sus, 'yung impakto na 'yon palaging feeling cool.

“Diba siraulo 'yon?"

Maang na tiningnan ko si Kuya. “Oo nga, siraulo."

Totoo namang siraulo si Zero. May topak, may sapak.

“Oh, bakit kinaibigan mo? Ilang beses kang parang tanga na umiyak sa kwarto mo dahil sa kanila, dahil sa lalaking 'yon tapos okay na sa'yo ngayon?"

'Yung way ng pananalita ni kuya parang 'yung egg warriors lang. Ganito din 'yung sinabi nila sa'kin tungkol kay Tristan. Hindi nila gusto 'yung desisyon ko.

“Kasi sinabi niya na tutulungan niya 'ko." simpleng sagot ko.

Napasapo siya sa noo niya dahil don. “Tutulungan ka? Hanggang kelan? Baka trap lang 'yan tapos sa huli ikaw din ang masasaktan."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Paano kung trip niya lang nga? Paano kung trap lang 'to, isang plano para masaktan ako? Para mapaalis ako?

“Kuya ang nega mo naman!"

Hindi naman siguro ganong tao si Zero. Oo, masama ugali niya pero hindi niya naman siguro ako paglalaruan ng ganon? Sa movie lang nangyauari 'yung mga ganong eksena. At isa pa, feeling ko naman nagbabago na siya.

“'Yun ang totoo, Georgina." giit niya.

“Nagbabago na siya, kuya--sila."

Unti-unti na nila akong tinatanggap.

“Nagbabago?" He scoff. “Imposible."

Nangunot ang noo ko at saka napabuntong hininga.

“Pag-aawayan pa ba natin 'to, Kuya? Maging masaya ka nalang please, ngayon lang ako itinuring na kaibigan ni Zero."

Tumingin siya sa malayo at saka asar na ginulo ang buhok niya. “Kapag lang talaga pinaglokoloko ka ng mga 'yan, mata lang nila ang walang latay!"

Kuya talaga. Umiiral na naman 'yung pagkaoverprotective niya. Pero kahit ganon, thankful ako sa kaniya.

Napangiti ako at saka tumayo. Tumalon ako para akbayan siya. Masyado kasing mataas eh.

“Huwag kang magalala kapag niloko nila 'ko, uunahan pa kitang sapakin sila." Siga-sigaan kong sabi.

Pero totoo 'yun! Isang sapak lang ayos na.

“Psh. Kapag lang talaga nasaktan ka, lagot sila sa'kin!"

Pfft. Nakakatawa mukha niya. Simangot na simangot talaga siya.

“Oo na, oo na! Huwag ka nang magalit, nawawala pagkapanot mo. Sige na, magluluto ka pa Kuya!"

Itinulak ko siya papunta sa kusina. Siya ang nakatoka sa kusina eh. 'Yung unang beses ko kasing pumunta don 'yun na din 'yung huling beses na nakapagluto ako. Pinalayas ako nung nasunog ko lahat ng pagkain na pinaluto sa'kin.

Aba, baket? Pinapalutong ko lang naman 'yung bacon, hindi ko naman namalayan na umuusok na pala.

“Tss. Maglinis ka! Walang lalabas ng bahay ha!"huling sabi niya bago pumunta sa kusina.

Siraulo ata 'yon. Saan naman ako pupunta?

*PHONE VIBRATING* 

Oh, ang aga naman atang nagchat ng mga spam texter na 'yan. Tss.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon