I'm his nurse?
“At sinong may sabi sa'yo na pupunta siya diyan? No! Hindi ako papayag!"
Ano ba yun? Napakaingay.
“Huh! Naiirita talaga ako sa pacool na kagaya mo. Alam mo kung hindi ka lang anak ng….."
Ano bang…?
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nandito si kuya. May kausap siya sa phone. Sino naman kaya?
“Kuya?"
Napahinto siya sa pagsasalita at saka pinatay yung tawag sa phone niya. Ay teka!
Hindi niya cellphone yun, AKIN YUN AH!
Mabilis na napabangon ako at saka inagaw yung cellphone KO sa kaniya.
“Ano ba naman yan kuya? Bakit na sa'yo yung phone ko? At sinong kausap mo?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya pero sa halip na sagutin ako ay tinitigan niya pa ako.
Huh! Edi sige. Magtitigan kaming dalawa. Tingnan nalang natin kung may mangyari.
“Georgina."
Oh. Magsasalita din naman pala siya e.
“Oh?" Taas noo kong sagot. Aba! Dapat lang na magalit ako no. Ayoko sa lahat yung pinakekealaman yung gamit ko. Alam naman niya na ayoko ng ganon tapos kung ano anong ginagawa niya.
Check ko nga yung phone ko.
“Tanga ka ba?"
Tanga? Ang aga niya naman akong murahin. Naghahanap ata to ng away si kuya e!
“Oo kuya, nagmana sa'yo. Bakit?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako natutuwa sa bungad niya sa umaga ko, hmp. Nagcross arms siya.
“Hindi ko akalain na magagawa mo yun."
Magagawa? Ang alin? Nalilito ako sa sinasabi niya. Napahinto ako sa pagkalikot ng phone ko at saka siya hinarap.
“Anong sinasabi mo?"
Naguguluhan na ako talaga. Ano bang ginawa ko na hindi niya inakalang magagawa ko?
Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya, lumapit siya sa'kin at saka pinitik ang noo ko.
“ARAY KO NAMAN!"
Ang sakit ng noo ko. Namumula na ata.
“Sinong may sabi sayong uminom ka? Ang bata bata mo pa tapos umiinom ka?!"
Uminom?
“………"
Shete! Naalala ko na! Napatakip ako sa bibig ko. Uminom nga pala ako. At…ang dami kong kabaliwang nagawa kagabi! Shutanginams.
“Naalala mo na?" Masungit na wika ni kuya na ikinatango ko. “Kung hindi ka lang lasing kagabi baka pinalayas na kita."
Kaya pala ang sakit ng ulo ko. Aishh! Nababaliw ka na talaga, Georgina!
Buti nalang pala lasing ako kagabi. Baka napalayas na ako huhu.
“Alam mo ang nakakainis dito?"
“Hindi." Agad kong sagot kay Kuya. Binigyan niya ako ng 'Shut up kung hindi lalayas ka ngayon din' look. Napapeace sign tuloy ako ng wala sa oras. Ayokong mapalayas.
“Ang nakakabwisit dito. Bakit siya? Bakit kelangang yung Zero pa na yun ang maghatid sayo ha?"
O_O

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...