Sophia
“Huwag ka nalang magtanong. Huwag ka nalang din makialam."
Huwag akong makialam?
“Pasensya na pero hindi ko magagawa yun."
Tungkol 'to sa'kin, bakit hindi ako makikialam? Hindi porke nakakatakot siya at sinabi nya ay susundin ko na siya. Oo, maling bumase sa text message lang, hindi naman porke sinabi niya ay siya na talaga si Sophia. Pero damay na yung pangalan na Sophia e, kaya sa ayaw at sa gusto ni Kin, aalamin ko ang tungkol sa babaeng 'yon.
Pinakatitigan ko siya. Nanlisik ang mata nya. He gritted his teeth.
“Huwag mong hintayin na magalit ako ng tuluyan sa'yo, george."
Hindi pa ba? Sa pagkakakuyom ng kamao niya parang gustong gusto nya na 'kong sapakin. Kung hindi siguro ako babae baka kanina nya pa ginawa yun.
“Wala akong pakialam kung magalit ka."
I stare at him. He look shocked. Maski sina Zero. Lahat sila gulat. Gusto ko lang ipoint out 'yung punto ko.
“What did you just say?!" Nanggigigil si Kin.
“Hindi ako humihingi ng permiso sayo sa kung anong pwedeng mangyayari ngayong involve si Sophia---."
“I said don't mention her name!"
Ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko. “Hindi ako humihingi ng permiso sa'yo, ipinapaalam ko lang sa'yo. Sa ayaw at sa gusto mo mauungkat at madadamay si Sophia Reeve. Isa na siya sa clue at 'yung mismong black lady na 'yung naginvolve sa kanya. Hindi ko na 'to pwedeng palampasin."
Malakas ang pwersang sinugod nya ako pero pinigil siya ni Zero.
“ARE YOU CRAZY?! LEAVE HER ALONE!"
Napatingala ako para pigilan yung nararamdaman ko. I'm getting mixed emotions, naiinis ako na nalilito.
“Calm down, Kin." Ani Zero na pilit na hinahawakan si Kin para hindi makapunta sa akin. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Kin.
“Talaga pres? Calm down? Paano ako kakalma, sige nga?"
Sa halip na si Zero ay si Timothy ang sumagot. “Huwag mong hayaan na pangunahan ka ng emosyon."
Tumango tango sina Wavin senyales ng pagsangayon sa sinabi ni Timothy. Napabuntong hininga ako bago tiningnan ang mga itsura nila. Si Zero ang may hawak kay Kin and he looks unbothered sa nangyayari ngayon. While Tim, Gray and Wavin looks worried. Si Archer naman nananahimik lang sa tabi.
“Pfft. AHAHAHAHAAH!"
E? Tumatawa ngayon si Kin pero hindi 'yung normal na paghalakhak kundi sarkastikong tawa. May paghawak pa siya sa tyan niya. Binitawan siya ni Zero.
“Dude?" Gray, confusedly called his name.
“AHAHAAHAHHAHAHAH! NAKAKATAWA KA!"
Sinong tinatawanan niya, ako ba? Ano na naman ginawa ko sa kaniya. Bakit ako…. Teka? Itinuro ni Kin si Timothy. Hindi naman nagbago ang expression ni Timothy, maging ang iba. Parang inaasahan na nila 'to.
“You're telling me to calm down? Huwag pangunahan ng emosyon? Pfft.. PWEEE!" Napasinghal siya. “Sa'yo pa talaga nanggaling? E plastic ka naman e, peke! Isa kang malaling clown."
Napanganga ako sa sinabi niya kay Timothy. Saan nanggagaling ang pinagsasasabi niya? May hidden anger ba siya kay Tim kaya ganito siya magsalita?
Matagal ko na silang pinagmamasdan pero hindi ko naman napansin na may ganoong klaseng away sa pagitan nilang dalawa. Si Tim, isa siya sa pinakangmasayahin na tao na nakilala ko. Imposibleng magkaroon siya ng kaaway.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...