Morpheus
“UNA AKO!.” ani Wavin.
“Mas una ako!.” sigaw din ni Tim.
Parang mga bata, susme. Andito kami ngayon sa park. Wala kasing pagkain dun sa bahay, hindi pa ako nakakapamili. Kaya dito ko nalang sila dinala. Sabi ko kasi sa kanila na ililibre ko sila dahil kinwentuhan nila ako and pinaramdam sa'kin na belong ako ket papaano. Kaya ayon, ang ending ice cream daw ang bibilhin nila.
Ang isip bata nga eh. Lalo na 'yung dalawa na 'yun na nagaagawan ng Ice cream. Putcha, parang mga bata. Napailing na lang ako. Umupo ako sa may bench, ganon din ang ginawa ni Gray. Yeps, kasabay ko si Gray. Parang adik, kanina pa nagbabasa ng libro. Habang naglalakad siya talaga, todo basa siya. Sayang nga hindi natapilok eh.
“Hoy, abo.” kinulbit ko pa siya.
“Hmm?.” aniya, hindi siya lumingon sa'kin.
“Hindi ka ba bibili? May pera naman ako, huwag ka mahiya.”
Baka kasi kaya hindi siya bumibili ay dahil nahihiya siya sa'kin. Tss, may pera naman ako ket papaano. Hindi naman kaya ako duks na duks, no!
“Nah, I don't like sweet.” patuloy parin siya sa pagbabasa.
“Okay.”
Mahirap pilitin ang ayaw baka biglang pumayag. Bahala siya, ayos nga 'to eh. Bawas gastos, mwehehehe.
Nanahimik na kami after nun, nakatingin lang ako sa dalawang hindi na umalis dun sa bilihan ng Ice cream. Jusko, nakakailan na sila! Akala ko pa naman bawas gastos na. Malapitan na nga.
“Hoy! Nakakailan na kayo ha.” bulyaw ko pagkalapit sa kanila. Sinamaan lang ako ng tingin ni Wavin na parang siya 'yung magbabayad, umorder pa ng isa pa. Wow, kapal muks ah! Si Tim naman nagpapacute pa, may papeace sign peace sign pang nalalaman. Bakla nga ata siya. Napasapo ako sa noo ko. Tawang tawa naman si Manong na nagtitinda sa kalokohan nila. Binayadan ko na rin 'yung kinain nilang Ice Cream bago bumalik sa park.
Sa parehong bench lang sila umupo, magkatabi si Tim at Wavin, nagiwan sila ng space ng space para sa'kin or mas tamang si Tim, itinuturo pa sa'kin 'yung vacant sa gitna nila ni Gray eh. Jusko. Palihim na napangiti ako. Hindi ko alam na dadating ang araw na magkakasundo sundo kami.
“Bakit...” pagsisimula ko sa usapan.
Napalingon naman sa'kin si Tim, samantalang sina Wavin at Gray naman ay busy sa pagbabasa at pagkain ng Ice Cream. Pero alam ko na nakikinig sila.
“Bakit ayaw niyo sa transferee?.” I asked them.
Nilingon ako ni Gray. Then he stared at me. “It's not for us to tell.”
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko nalang sila pipiliton kung ayaw nilang sagutin ang tanong ko. Isa pa, problema ko pa nga pala kung paano ko pangangalagaan ang buhay ko. Aba, ayaw ko naman madeds ng maaga no. Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong makamit. Kaya, hindi ako magpapaapi. I'll do everything to fight them.
“Naisip ko, 'diba need na makaalis sa section na 'yun before maglast quarter?.”
“Yeah.”
“Hmm.. ”
Tumayo ako at saka humarap sa kanilang tatlo. “Edi alam ko na! Maggroup study na lang tayong lahat!.” napangiti pa ako sa naisip. Aba, the more the merrier!
“Group study?.”
“No, that's a big No.”
Napasimangot ako. Bakit naman ayaw nilang pumayag?

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...