抖阴社区

Chapter 108

111 6 2
                                    

Marriage Booth

Kay Yvo?

Muntik ko nang mabitawan 'yung pagkain na hawak ko na agad namang kinuha ni Zero. Hindi ako makapaniwaka. Ikakasal ako? At kay Yvo pa talaga! Naknang huhu.

"She can't marry him." wika ni Zero na agad kong sinangayunan.

Tama ka diyan! Hindi pwede. Ayoko pating makasal.

"Magkano ba ang bayad para hindi matuloy ang kasal na 'yan?" Tanong ni Timothy.

Oo nga may tubos nga pala. Hindi na nagf-function 'yung utak ko dahil sa nangyayari.

"Walang tubusan. Hindi pwedeng tubusin ang ikakasal."

Bagsak ang balikat na napasimangot ako. So, paano ako hindi maikakasal?

"Tara na."

Punyetanginams na malutong.

Hinihila na nila ako papunta djn ss may marriage booth. Ayoko mang sumama pero napilitan akong maglakad dahil kulang nalang e kaladkarin nila 'ko.

Anong gagawin ko ngayon? Wala na sina Zero dun sa pwesto nila huhu!

"Here comes the bride."

Pinagtitinginan pa ako ng mga tao. KIngina, ayoking ikasal! Ang bata bata ko pa. Nakakasunog pa nga ako ng prito tapos ngayon ikakasal ako? Patawa naman.

"Padaanin niyo 'yung bride!" sigaw nung lalaking nagposas sa'kin. Pinanlakihan ko siya ng mata at saka kinurot kaso makapal 'yung balat, hindi tuloy dama.

Humawi bigla 'yung kumpol ng estudyante. Pagkahawing pagkahawi ay ang pagkakita ko kay Yvo na naaa may bungad sa gitna. Nakasuit pa talaga siya! At shutaa, may red carpet.

Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ako.

Bakit ba ganito ang nangyayari? Saan na ba sina Tim?

Ayun! Buti nalang kumaway si Nadya. Nasa may kumpol sila ng estudyante, nakahalo don sa manonood. Sinesenyasan ako ni Timothy na tumuloy. Napangiwi ako. Gusti ba niyang ikasal ako kay Yvo?

Ayoko! Umiling iling ako ng sobra.

Maya-maya pa'y nagtaas ng papel sina Tim. Nakasulat dun na---"Sige na. Dun sa tutulan nalang kami eeksena."

Aissh. Sige na nga!

Hinarap ko uli si Yvo. Itinulak pa ako nung lalakj paaplapit kay Yvo. Natutumba tuloy ako!

"Yung bride!"

"Whoooo!"

Naghihiyawan na sila. Pero mas lumakas pa 'yun ng saluhin akk ni Yvo at hapitin sa bewang.

Napatitig ako sa kaniya. "You really are clumsy." Aniya.

Umiwas ako ng tingin at saka umayos ng tayo. "Nakaposas kaya ako."

Siya kaya posasan Ko tapos itulak ko siya sa Balon? Ewan ko nalang kung makabangon siya dun.

He slighlty tilt his head dahilan para alisin nung lalaki 'yung posas sa'kin. Agad kong hinawakan 'yung wrisr ko, namula agad grabe.

Lintek na kasalan kasi 'to e, tumakas kaya ako?

Humugot ako ng malalim na hininga bago tatakbo na sana kaso lang nahawakan naman ako ni Yvo.

"Saan ka pupunta? Ikakasal ka na sa'kin, tatakbo ka pa." yvo said.

Napalunok ako nang siya mismo ang naglagay nung kamay ko sa brasko niya. Aalisin ko sana 'yun pero hinawakan Niya agad 'yung kamay ko.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon