George
“Pfft, kaya niya?" Pasaring ni Corine sa 'di kalayuan.
“Pathetic." Komento naman ni Olyvia na kausap ni Corine.
Napabuntong hininga ako bago ilagay ang headset sa tenga ko. Ayoko nang marinig 'yung sinasabi nila. Ayoko na ding makita 'yung mga mapanghusga nilang mga tingin kaya umub-ob nalang ako sa mesa ng upuan ko.
Gusto ko ng umuwi.
Gustong gusto ko ng umuwi pero pinipigilan ko 'yung sarili ko dahil ayokong ipakita sa kanilang affected ako. Para saan pa't taas noo kong sinabi na kaya kong wala sina Timothy kung hindi ko naman papanindigan?
Kung makikita nilang umiiwas at affected ako, iisipin nilang nagsisinungaling lang ako----which is totoo naman. Ayoko lang ipahiya 'yung sarili ko kaya kahit ansakit na nila sa puso, tenga at mata, magstay pa din ako.
“Iwanan? E kami nga lang kaibigan nun, walang gustong tumanggap sa kaniya kasi nga plastik siya. Kami nalang nagtitiis dun, tinatyaga malang namin kahit alam naming plastik siya.”
Nagflashback na naman sa utak ko 'yung sinabi nina Tim. Naooverwhelm pa din ako. Ayokong iprocess sa utak ko pero paulit ulit na nagpapabalik balik. Nagkukusa talaga sila.
Plastik daw ako. Pinagtatyagaan lang nila ako dahil walang gustong magtyaga sa'kin. Pinagtatyagaan. Sakit lang na marinig sa tinuturing mong kaibigan 'yun. Akala ko brad kami e, sanggang dikit, solid ganon pero isang sabi lang sa kanila ni Corine pinaniwalaan na nila. Ang bilis bilis nilang manghusga.
Akala ko kilala nila 'ko, pero hindi pala.
Palagi kong sinasabi na ang tunay na pagkakaibigan hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama pero bakit pakiramdam ko ngayon, mali ako?
Baka nga hindi ko pa talaga lubos na kilala sina Tim at ganon din sila sa'kin. Nagassume lang ako na close na kami pero hindi. Nagassume lang din ako na sanggang dikit kami na to the point na kahit anong problemang dumating sa'min e umaasa ako na ako 'yung kakampihan kaso ano ngayon? Sa sobrang assumera ko, napahiya ako. Nganga ganon, boplaks, ekis, zero!
Ayan, asa pa kasi.
Napabuntong hininga ako.
“GUYYSS! GUYSSS!"
Anong? Ang ingay! Nakaheadset na ako't lahat, rinig na rinig ko pa din ang boses ni Warren.
Napaalis ako sa pagkakaub-ob. Nanlaki 'yung mata ko at agad na inalis din 'yung headset.
Anong nangyari? Bakit.. duguan si Kin?
Inaalalayan ni Warren si Kin na puro pasa at may dugo dugo. Dumudugo 'yung may part ng ulo niya, naniningkit na din 'yung isa niyang mata at halos hindi na maimulat sa sobrang pagkamaga. Ganon din ang itsura ni Warren pero 'di hamak naman na mas matindi ang tama ni Kin.
Nakipagbugbugan ba sila?
Agad na napalapit ako sa kinaroroonan nila. Hindi ko mapigilang hindi mapatakip sa bibig. Dati pa naman sila nakikipagbugbugan pero hindi ganito kagrabe.
“Omg! What happened to Kin?" maarte pero halatang nagaalala si Corine.
Lumapit na din 'yung ibang Class Z, pawang tinatanong kung anong nangyari.
“Sinong may gawa nyan sa kaniya?!" Galit na tanong ni Jacob.
Dahan dahang ibinaba ni Warren si Kin sa may sahig bago sumagot. “I saw him sa may bandang gate. P-pinagtutulungan ng grupo nina Yvo.” wika ni Warren na mas lalong ikinalaki ng mata ko.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...