抖阴社区

Chapter 64

130 6 1
                                    

Draft message

“Remember this place?"

Napangiti ako nang makita 'yung tinutukoy nya. Jusko, paano ko ba naman 'to malilimutan?

“Oo naman, sa pink na pinto nalang ng kwarto. Ewan ko nalang kung malimutan ko 'yan.”

Eto 'yung tinulugan ko nung nandito ako sa Mansion ni Lolo, kalapit ng kwarto ko ay ang kwarto din ng ibang officers. Kaso plain lang color ng pinto ng kwarto nila. Kitang kita tuloy 'yung sa tinutulugan ko malayo palang.

“Palaging pinapalinis ni Grandpa ang mga kwarto nyo, he said that he knows na babalik kayo dito. Pati ikaw..."

Awww. Naalala parin talaga ako ni Lolo M.

Hinawakan ko 'yung door knob at saka 'yon binuksan, gusto kong makita ang loob. Napangiti ako dahil ganon parin. Walang pinagbago! Itong malaprincess na kwarto na puro pink! Girly na girly talaga.

“Ilalagay ko na 'yung gamit mo dito. I'll just go downstairs." Tumango lang ako kay Spade. Isinara nya 'yung pinto kaya ako nalang ang naiwan ditong mag-isa.

Hindi ko maiwasang hindi titigan 'yung kwarto, ganon parin talaga! Kahit anong tingin ko walang pinagbago hihi. Nagdive ako sa kama.

Ang lambot! Mas malambot pa 'to sa kama ko eh.

Kanina tinawag ako ni Lolo na apo. Nakakatuwa lang hihi.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Lolo M, pareho sila ng sinabi ni Zero. Kung tutuusin nga halos lahat sila pinapabalik ako, maski si kuya. Ako lang talaga 'tong matigas ang ulo.

Totoo naman kasing magugulo lang ang buhay ko don eh! Kaya pati kinabukasan mo ay sisirain mo?

Aish, ano ba 'yan! Sinasalungat na naman ako ng sarili ko. Ah, basta! Pagiisipan ko muna.

*PHONE VIBRATING* 

Si Spade nagtext. Agad kong inopen 'yung message nya.

Remember the draft message? I'll send it to you.

Napaawang ang labi ko sa nabasa. Isesend na nya. Nakakaexcite. Nakakaexcite na may halong kaba. Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan.

*PHONE VIBRATING* 

From : Spade

'Here it is.

I can't tell you nor command you not to be mad at me. I know that you're mad and confused at the same time. I understand how mentally and emotionally unstable you are. Even I will react the same…'

Shocks…nanginginig na ang kamay ko. Putanginams, english.
Ba't ba pinanganak na englishero 'tong si Spade? Palibhasa mayaman na imported pa.

Tumikhim muna ako bago ipagpatuloy ang pagbabasa. Haba!

'I understand what you're feeling right now and that you're prone to making decision that you don't even think about. I get it 'cause that's what normal people would do, hahayaan nilang manguna ang emosyon nila...'

Normal people? So, may special people? Kaloka 'to si Spade.

'Hahayaan nilang pangunahan sila ng sakit na nararamdaman nila, that's why they tend to regret their decisions afterwards. To be honest, nagulat ako nang sabihin mong magdadrop-out ka, na sawa ka na and that you just want to be separated from all of us. Ang inakala ko kabaliktaran 'yung gagawin at sasabihin mo sa mga tao na kilala ko 'cause I've known you for being unique and special. You're that type of person na hindi sumusuko sa kahit na anong laban. You have the ability to find a solution to every problem that you encounter. That's why i admire you, that's why I'm proud of you… '

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon