Pain
Ako? Girlfriend niya? Kelan pa?
Maang na tiningnan ko si Tristan. Tiningnan niya ako at saka ngumisi. Napangiwi ako bago siya itinulak.
“Pinagsasasabi mo?"
Nababaliw na ba siya?
“Siraulo ka pala eh!"
Mukhang nakabawi ng gulat sina Tim. Mabilis na nakatakbo sina Tim at Wavin kay Tristan. Sinusuntok na naman nila 'to! . Pinagtutulungan nila si Tristan. Pinagtutulungan nila e dehado na nga! Itinulak pa ako sa gilid. Langya!
Agad akong tumayo at saka humarang ulit. Humarang na ako para mapigilan silang tatlo na bugbugin si Tristan. Nakadipa pa 'yung kamay ko. Ayokong makalusot maski isa sa kanila. .
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng tatlo. Napatingin naman ako kay Timothy nang mapasinghal siya.
“Tumigil na kayo, pwede?"
“Pinagtatanggol mo siya? Bakit?" he scoffs.
Talaga bang tinatanong niya kung bakit? “Binubugbog niyo 'yung tao kita niyo nang walang kalaban laban!" Inis kong bulyaw sa kanila.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nina Zero, gayundin ang paglapit ni Tim at Wavin sa akin.
“Seriously, George?" Hindi makapaniwalang ani Wavin.
“She's dead serious right now. Told you she's my girlfriend────."
Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Tristan at ako na mismo ang sumapak sa kaniya na naging dahilan para mapaupo siya. Gulat na napahawak siya sa pisngi niya. Alam kong nabugbog na siya pero sa tingin ko kelangan niya pa ng isang sapak pa.
“Kanina ko pa gustong gawin 'yan." Tinitigan ko siya sa mata.“Uulitin ko, hindi mo ako girlfriend. I never said yes."
Ni hindi ko nga ibinigay 'yung number ko sa lalaking 'to, we're not even close.
“Georgina…"
Tinaasaan ko ng kilay si Tristan. “Just leave bago ka pa bugbugin ulit ng mga 'to.”
Sana magets niya 'yung pinupunto ko. Hindi titigil 'tong mga impaktong 'to hangga't hindi nagugulpi si Tristan. Mainit na ang ulo nila kay Tristan, to begin with. Kaya kelangang mapaalis ko siya agad. Lalo pa't kung ano anong pinagsasasabi niya.
“Bakit mo siya pinapaalis? Hindi pa kami tapos!" giit ni Gray na nanggagalaiti sa gilid.
Humarang ulit ako. “Just leave, okay? Huwag mo na din akong kakausapin para sa ikakatahimik ng buhay ko." I sigh as I glared at Tristan.
Gumuhit ang pagkainis sa mukha niya pero maya maya ay tumayo na din siya bago umalis sa harapan namin.
“I'll come back for you." Aniya.
Napabuntong hininga ako sa katigasan ng ulo ni Tristan.
“Bakit mo siya pinaalis?" Ulit na tanong ni Tim. Isa pa siya, hindi niya din naiintindihan 'yung pinupunto ko.
“Pinaalis ko siya dahil 'yun ang tama." Bwelta ko.
“Tama? Paanong naging tama 'yun?”
Kanina ko pa ineexplain sa kanila. Bakit ba ayaw nilang intindihin 'yung punto ko?
“Maling manakit ng tao. Kung hindi ko siya pinaalis baka napatay niyo na siya sa bugbog. Gusto niyo bang makulong?"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...