Class A VS Class Z
Bakit ako isinama ni Lolo M dito?
Ang sabi nya sa'kin isantabi muna 'yung galit at sama ng loob ko sa mga kaklase kong abnoy. Pero bakit sila 'yung g na g sa pagpapahirap sa'kin? Sa pangbubully sa'kin? Bakit sinabihan akong magadjust pero 'yung buong Class Z hindi nila magawang magadjust?
Kasalanan 'to nina Tim dahil hindi nila sa'kin pinaalam------ hindi. Kasalanan talaga 'to nina Zero dahil ginagawa nila akong laruan. Hindi, mali na naman. Kasalanan 'to ni Lolo M dahil sinama nya pa ako dito.
Mali ka, Georgina. Kasalanan mo 'to.
Tama. Kasalanan kong lahat. Kung marunong lang akong makiramdam, kung marunong lang akong lumugar. Nung sinabi nila na hindi ako nararapat sa section nila dapat umalis nalang ako. Ipinaalam ko nalang dapat kay Kuya. Pwedeng pwede naman akong magtrabaho nalang kesa makisama sa kanila. Kasalanan ko talaga dahil ang tanga ko.
Dahil sa'kin nagkakagulo.
“Tama na 'yan!”
“Stop! Stop it!”
Hiyawan, sigawan. Hindi na magkandarapa sina August sa pagawat kay Corine. Nakatingin lang naman ang ibang Class Z, ayaw atang makigulo. Bago 'yun ah. Hawak hawak nya ngayon 'yung upuan nya. Gigil na gigil siya at gustong gusto nyang ibato ang upuan sa tumawag sa kanyang 'bitch'. Hindi siguro siya sanay na naiinsulto.
“Kung sino ka mang buset ka, go away! We don't need you here!” iritang sigaw ni Corine.
Sinisigawan nya ngayon ang Kuya ko. Sinulyapan ko ang itsura ni Kuya, seryoso ang mukha niya pero 'yung mata nya nakakatakot.
“I didn't know this school had a psychotic bitch and mannerless student like you."
“Excuse me?”
Napakagat ako sa labi at saka dahan dahang lumapit kay Kuya. Hinawakan ko ang braso nya para pakalmahin siya pero hindi nya ako nilingon. Hindi ko alam kung anong magagawa nya kay Corine kaya dapat syang pigilan.
“Kakilala mo, George?” tanong ng isang Class Z na kaklase ko, si Jacob siya if I remembered correctly.
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay binalingan si Kuya Gio. “Kuya, tara na. Hayaan mo nalang sila.”
Palampasin nalang. Katulad ng palagi kong ginagawa.
“Hayaan? I saw what they did to you. Kung mapapalampas mo 'yun, not me.” hindi parin nya ako binalingan ng tingin.
Akmang lalapitan nya si Corine pero pinigilan ko siya. “Please, let's just go."
“No.”
Kung inulan ako ng kamalasan, si Kuya naman sa katigasan ng ulo. Jusko, sinasabihan na ayaw pang umalis. Ano ba 'yan. Hindi ko na alam kung pano siya maaawat.
Bagsak ang balikat na tiningnan ko siya, kay Corine and friends parin sya nakatingin. “Kuya, please. Umuwi nalang tayo.”
“I said no, Georgina. Dyan ka nalang sa tabi.”
Sa tabi? Myghad. Akala talaga nya mananahimik lang ako sa isang tabi habang nakikita ko syang nakikipagjombagan?
“Kuya ni George?”
“Nakakatakot ang Kuya nya.”
“Hala, ang pogi.”
May naririnig pa akong comment galing sa ibang section. Inilibot ko ang tingin na dapat pala ay hindi ko ginawa, pinagtitinginan na kami… ng lahat! Nakuha na namin ang atensyon nila pati nung mga nasa stage. Natigil na din pala 'yung sinasabi nung host. Pati sina Zero nakatingin samin, hindi lang 'yun pati si Yvo. Putanginams talaga.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...