抖阴社区

Chapter 99

138 7 3
                                    

Rivalry

Inaalok ako ni Zero na maging asawa niya.

Dugdugdugdug. 

'Yung dibdib ko ang lakas ng tibok. Kinakabahan ako. Napalunok ako bago umiwas sa mga mata niya. Nakakatunaw.

Sinasadya nya bang tingnan ako ng ganon para mailang ako sa kaniya? Kung ganon pala, pwes ilang na ilang na 'ko! Kingina, ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko na kaharap ako ng isang lalaki.

Hindi ko alam ang magiging reaction.

“Anong sabi mo?" Mababakas ang gulat sa boses ko alam ko. Pero ngayon gusto ko lang malaman kung minemean niya 'yung sinabi niya, 'yung tanong niya sa'kin.

“Be my wife, Noburi..”

Napalunok ako.

Hindi ko na pala dapat pinaulit. This time 'yung tono ng pananalita niyamas sincere. Mas seryoso, pati na 'yung tingin niya.

“Bakit inaaya mo 'kong magpakasal? Hindi ba ang dapat na inaaya lang ng isang lalaki ay 'yung babaeng mahal niya?"

Naguguluhan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero nagtataka ako. Bakit niya ako inaayang magpakasal? Sa pagkakaalam ko para sa dalawang taong nagmamahalan lang 'yun, 'yung mga taong siguradong sigurado na sa isa't isa. 'Yung mga taong nakikita na 'yung future nila sa isa't isa.

Mukhang nacaught off guard si Zero sa tanong ko. Bahagyang kumunot ang noo niya.

“Naiintindihan kong gusto mong makipagkaibigan sa'kin. Ako din naman, gusto kitang kaibigan. Pero sobra kang mangtrip!" Imbyerna kong singhal sa kaniya. “Alam mo huwag na huwag mong gawing biro ang pagpapakasal! Hindi mo alam kung gaano kaimportante sa babae ang bagay na 'yan."

Kahit pakiramdam ko ay seryoso siya ay sabi ko nalang. Hindi naman kasi ako easy to get at siraulong maniniwala nalang basta basta kapag sinabi ng isang lalaki. Hindi ako nakukuha sa isang salita lang, kelangan pang paulit ulitin sa'kin para tumatak sa isipan ko.

Sabi nga ni Kuya ang manhid manhid ko daw. Hindi ko alam kung paano ako naging manhid pero madalas na pinapamukha niya sa'kin 'yon.

“Importante sa'yo 'yun?" Tila curious niyang tanong.

“Aba, oo naman! Importante sa'kin ang kasal! Kaya huwag mo na ulit gagawing biro 'yun, tss.-----."

“I am not kidding. I want you to be my wife."

Natigilan ako. Nawala ang pagkakunot ng noo ko. Speechless na nakatingin lang ako kay Zero na nakatingin din sa'kin.

Anong isasagot ko?

“H-HAHAHAHAHA! Ang galing mo magjoke, tol! Dabest." awkward na tumawa ako, sinabayan ko pa ng paghawak sa tyan para maniwala si Zero. Lumayo ako sa kaniya. Napaayis siya ng tayo at saka naguguluhang tiningnan ako.

“I said i'm not joking----."

“Nagbibiro ka! Tsaka talaga? Ako, yayayain mong magpakasal? E diba hate na hate mo 'ko?"

Sumama 'yung mukha niya bigla, hindi ata nagustuhan ang sinabi ko.

“People changed.”

“Nang ganon kadali? Weh? Tsaka hoy! Ako 'to oh, 'yung pakialamerang bida bida na kaklase niyong hate na hate niyo. Kaya there's no way you'll ever want to marry me." Sinenyas ko pa 'yung kamay ko ng ekis.

Kasi 'yun ang totoo. Never kong naisip na magkakagusto ako kay Zero. Ni hindi ko nga nakikita 'yung sarili ko with him tapos eto siya ngayon. Like, joke ba 'yun?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon