Fixed
Ikatlong araw ng pagtuturo ni Lolo. As usual maaga akong gumising para makita ang namamaga kong mga mata. Nagdrama rama sa gabi kasi kami ni Tim, parang tanga kasi nagpapaiyak! Kinwento sa'kin 'yung tungkol sa kung paano sila nagkakilala, 'yung pangako nila sa isa't isa at kung gaano siya naging kamiserable nang mawala 'yung girlfriend niya. Kaya ayun, puyat na ang ate niyo. Maga pa ang mata.
“Morning, George.” bati sa'kin ni Tim pagkalabas ko ng kwarto. Hinihintay niya pala ako sa labas. Nginitian ko naman siya, katulad ko ay hindi din maayos ang itsura niya.
“Morning.”
Lumakad na kami pababa. Nasa baba na din ata 'yung dalawa ni Gray at Wavin. Psh, hindi man lang kami ginising. Dumiretso na kami sa hapagkainan.
“Bakit ganiyan ang mata mo ha? Ang panget mo.”
Nangaasar na naman po si Tim. Binatukan ko naman siya.
“Kasalanan mo no!.”
“HAHAHAAHAHAHHAA.”
Ay, wrong move. Nandito din sina Nadya! Nang makita ni Nadya si Tim ay umiwas siya ng tingin, samantalang inirapan naman ako ni Nadya. Dedma lang din naman si Nadya kay Tim.
“DITO KAYO, MGA PANGET!.” sigaw ni Wavin.
Patakbo namang lumapit si Tim sa kanila. Samantalang nasa huli naman ako.
“Malandi.” pasaring nina Corine pero hindi ko nalang pinansin.
Magkakasala ako keaga aga. Tsaka gutom na pati ako. Mas kelangan ko ng pagkain kesa ng kaaway.
“Bagal mo naman lumakad.”
“Edi kayo na mabilis maglakad.” pagtataray ko sa kanila.
Nagkape na lang ako at saka nagpandesal. Mamaya na lang uli ako babawi ng kain. Sina Wavin kasi kumain ng kanin. Nagluluto na kasi agad ng pagkain ang mga kasambahay ni Lolo M kaya pwedeng pwede kumain kung gugustuhin.
“What happened to the both of you? Namamaga ang mga mata niyo.”
“Wala 'yan. Trip lang namin magdrama.” Sagot ko. Sumangayon naman si Tim.
“Pangarap pala ni George magartista eh, kaya ayun. Nagacting acting kami.”
Kahit kelan talaga. Hindi kapanipaniwala sinasabi nito ni Timothy. Pero yae na, paniwalain din naman 'tong dalawa na 'to.
Pagkatapos namin ay dumiretso na kami sa may Classroom. Halos lahat ng estudyante ay nandoon na maliban sa grupo nina Nadya na kumakain pa rin. Maya maya pa'y pumasok sila sa loob ng Classroom, dirediretsong umupo sa kani-kanilang upuan.
Dumating na din si Lolo, science naman ang subject niya ngayon. Isa sa mga kahinaan kong subject lalo na Math which is subject bukas. Para tuloy ayokong pumasok. Gusto kong magkulong bigla sa loob ng kwarto ko kaso alam ko naman na pilit akong palalabasin non ni Lolo.
Ilang oras na kaming nagkaklase. Medyo sumasakit na ang likod ko. Idagdag pang naiihi na din ako. Hindi ko na kaya! Itinaas ko ang kamay ko para mapansin ako ni Lolo M.
“May I go out po?.”
Inaprubahan naman ni Lolo 'yung paglabas ko kaya napangiti ako. Kanina pa kasi ako naiihi. Wala pa namang cr dito nasa taas lahat. Kaya no choice. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nalampasan ko pa si Wavin na nagtatanong kung saan daw ako pupunta, sinasagot ko naman ang tanong niya pero sa mahinang boses. Nadaanan ko pa si August na nginitian ako. Kahit nakakagulat napangiti na din ako sa kaniya, 'yun ata 'yung way na para magthank you sa'kin. Hindi pa ata naibibigay 'yung punishment sa kaniya, mamaya nga ay ichichika ko siya.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...