Slave
“Magiging design siguro ng pajama natin 'yung mga sinulat natin! Buti nalang iron man, nilagay ko."
Napabuntong hininga ako sa kaingayan nila. Mula nang sabihin ni Lolo M na magkakaroon ng pajama party bukas ay hindi na sila tumigil sa kadadaldal. Kanya kanyang chismisan about sa isusuot, sa palaro, sa pagkain. Lahat na!
Nakakarindi na dahil ilang oras na din ang lumipas pero hindi pa rin sila nagsasawa dun sa topic na 'yun. Naririndi na 'ko. Gusto ko na ngang pumasok sa kwarto kaso…
“Oy, talo ka! Unggoy ka!" tuwang tuwang sabi ni Timothy na may pagturo pa sa'kin. Napasimangot ako. Pangilang laro na namin 'to pero palaging ako ang nagiging unggoy. May daya ata 'to eh! Kaasar.
“TALO KA NA NAMAN, GEORGE!” isa pa 'tong si Wavin. Sinabayan pa 'yung pangaasar ni Tim.
“Ayoko na!”
Padabog na ibinagsak ko 'yung mga cards sa lamesa. Ayoko nang maglaro! Bahala sila.
“Hoy, ang daya mo naman!" Tila batang wika ni Timothy. Inirapan ko siya.
“Mas madaya kayo! Napapansin ko kanina pa na lagi nalang akong natataya! May daya ata 'to eh.”
Dinadaya ata nila ako eh.
“NAGTATAKA KA PA BA? MUKHA KA DAW KASING UNGGOY, HAHAHAHAHAHAH!”
−_−
“Oo nga, AHAHAHAYAYAY! Unggoy si George!"
May pahawak hawak pa sa tyan, naks. I gritted my teeth, padabog na tumayo ako.
“Ayoko na! Mas mukha pa nga kayong unggoy eh!"
“Hoy, George wala namang tanggihan. Sarili mo na tinatanggi mo pa. Huwag ganon, be proud!" Proud pang sabi ni Tim. Nagawa nya pa talagang magadvice.
“Che! Inamoka. Mas mukha ka pa ngang unggoy, Gorilla!" Lait ko kay Tim sabay gulo nung baraha sa mesa.
“Ikaw kaya, chonggo!" Balik lait ni Tim sa akin. Umusok tuloy bigla 'yung ilong ko.
“Hindi ka lang Gorilla. Kwago ka pa!"
Kala nya ha! Binigyan ko siya ng death glare. Akala ko susuko na siya pero tumayo din siya.
“Hindi ka lang din chonggo, pandak ka pa! Hindi nagsusuklay!"
Aba teka. “Anong pake mo kung hindi ako nagsusuklay?!"
“Wala!" Sigaw nya pabalik.
“Edi huwag mong pakealaman 'yung buhok ko. Kahit hindi ako nagsusuklay naliligo naman ako!"
“Naliligo ka? Weh? E ba't amoy adobo ka pa? Ulam kaya natin 'yun nung martes! Biyernes na ngayon! Dugyot!"
Putanginams.
“Mas dugyot ka! Shampoo ko 'yun! Adobo flavor!"
“Lokohin mo lelang!"
“Lokohin mo din, lelang mong panot! Ikaw nga, amoy putok!"
Charot, charot lang 'yun. Hindi naman siya amoy putok. Sinabi ko lang kasi wala na akong maipangasar. Natawa ako nang amuyin nya 'yung sarili nya.
“Wala akong putok! Wavin, amuyin mo nga." Itinaas nya 'yung kili kili nya at pilit na pinapaamoy kay Wavin na nakaupo, pinapanood kaming dalawa.
“ANG DUGYOT MO, PRE! FUCK, ILAYO MO SA'KIN 'YAN!" Hawak hawak pa nya 'yung ilong nya.
“Arte mo, wala namang amoy!" Ibinaba nya 'yung pagkakataas ng braso nya at saka ako sinamaan ng tingin. “Siraulo ka, George!"

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...