Past Love
“Tara na.” pagaya nina Timothy.
Tumayo naman agad ako sa inuupuan ko. Martes na ngayon, alas sinko na ng hapon. Tapos na 'yung klase namin sa English. Syempre may paactivity ulit si Lolo, meron ding pasummary. Isa isa ding pinagsalita kung ano ba 'yung natutunan. Muntikan pa nga akong mabulol sa kaba.
Ngayong gabi naman may pabonfire kami dun sa may labas. Meron kasing part dun na malupa, dun kami pumwesto. Ayoko nga sana kaso lang mapilit sina Spade, actually idea niya talaga 'yun na magtipon tipon kami doon. Para daw mas maging open kami sa isa't isa, maging close, makapagbonding.
Si August naman hindi umuwi kagabi. Siguro kasama niya si Tita Sunny. Magbabonding siguro sila hehe.
“Dito ka!.”
Lumapit ako kayna Tim. Nandito na ako sa labas. Nakapaikot na lahat samantalang nasa may pagitna naman si Spade. Medyo malayo sa apoy. Umupo na ako sa kalapit ni Timothy. May nakalatag na don na panyo, hindi ko alam kung sino ang naglatag pero salamat. Nakapajama naman ako kaya hindi ako masisilipan, subukan lang pati nila!
“Everyone, nandito din pala si Lolo.”
Napatayo ang iba, may iba pa na binati si Lolo. Nakibati na din ako. Umupo si Lolo M sa may 'di kalayuan, kalapit siya ng grupo nina Corine.
“I planned this gathering para makapagbond naman tayo. Makilala ang isa't isa. Is it okay with all of you?.” nginitian kami ni Spade.
Kahit sabihin naman naming hindi samin okay ay wala pa rin naman kaming magagawa. Tsaka andito na 'yan eh. Edi go na lang!
Walang sumagot kay Spade tahimik lang ang lahat.
“Okay, mukhang walang tutol. Let's start?.”
Let's start ng? Sapilitan pala 'to? Sinulyapan ko ang mga katabi ko, nagtatanong kung anong nangyayari pero nagkibit balikat lang sila. Manghuhula na naman ba ako?
Dumating na din sina Archer at Zero, umupo sila kalapit namin. Nang mapatingin sila sa'kin ay tinaasan ko lang sila ng kilay.
“Let's play a game!.”
Game? Anong klaseng game naman 'yon? Nagbulungan na din ang mga kaklase naming iba. Naguguluhan, nagtatanong.
“Anong game?.” tanong ko, syempre kakaririn natin ang pagiging bida bida. Tutal 'yun naman ang tingin nila sa'kin.
“Two truths and a lie.” he said with a sly smile.
“Ang gagawin natin ay merong magpapahula at may manghuhula, so basically ang manghuhula ay 'yung nasa kaliwang side ng nagpapahula. 'Yung sasabihin niyong 2 truths ay patungkol dapat sa sarili niyo.”
Napatango tango ako. Gets ko na 'yung game. Pero anong sasabihin ko sa kanila tungkol sa akin?
“George, george! Gets mo ba 'yung game? Eexplain ko sa'yo----.”
“Gets ko na!.” pagpigil ko sa sasabihin niya.
Ang kulit talaga neto ni Tim. Buti pa 'yung dalawa ni Wavin tahimik ang buhay.
“ANO DAW?!.” Ay charot. Hindi pala tahimik.
Hindi daw magets nito ni Wavin, to the rescue tuloy si Tim. Lumapit pa sa kaniya para iexplain. Ang nakalapit ko tuloy ay si Gray. Tapos biglang pinaisod ni Spade sina Archer at Zero kalapit namin. Naging kalapit ko tuloy 'yung impakto. Delubyo. -,-
“Hoy! D'yan ako kalapit ni George!.”
Para talagang bata 'tong si Tim, myghad. Pilit na sumisiksik sa gitna namin ni Gray. Si Gray naman bored lang siyang tinitingnan.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...