抖阴社区

Chapter 9

192 8 0
                                    

History

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakakulong sa kwarto ko. Kanina pa ako umiiyak. Hindi ko talaga kasi mapigilan 'yung emosyon ko. Nasasaktan ako sa sinasabi nila sa'kin.

Arte mo, George. Hindi naman kayo close!

Oo nga pala, hindi nga pala kami close. Ginising ako ng sarili sa kahibangan. Pero diba nga? Hindi lang naman tayo nasasaktan ng dahil sa kaibigan o kakilala natin? Minsan mas nasasaktan pa tayo ng mga taong hindi naman natin gaanong kilala. Kasi sila pa 'yung inam kung manghusga.

Feel ko sobrang pula na ng mata ko, alam ko na din na namamaga na 'to sa kakaiyak ko. Ngayon alam ko na feeling ng masaktan ng sobra, madurog at tapak tapakan. Tandaan nila 'tong araw na 'to. Matitikman nila ang ganti ng isang api! Charot! Syempre, joke lang. Hindi naman ako kalahi ng Class Z, diba nga hindi ako belong dun? Mas lalong hindi ako kalahi ng Class A at nung president na bading. Mga salot sila sa buhay ko, never kong nanaisin na gumaya sa kanila.

Speaking of Nero, ano na kayang mangyayari ngayon? Maeexpel ba ako sa Noblesse High sa pagkalaban ko sa kaniya? Makapangyarihan siyang tao, halata naman sa uniform palang. Kaya hindi na ako magtataka kung patanggal niya ako sa school. Napabuntong hininga ako. This is so far from the normal life na sinasabi ni Kuya. Sabihin ko na kayang nagdadropout na ako?

Tinawagan ko si Kuya. Gusto kong sabihin ang desisyon ko sa kaniya. Hindi ko na talaga kayang magstay sa Class na 'yun. Sagutin mo, please! Nakailang ring pa bago niya sinagot.

“Hello, bunso. Ano 'tong nabalitaan ko?.” bungad niya.

Hm, mukhang dumating na sa kaniya ang balita. Ang bilis nga naman oh.

“Uhm, about dun Kuya. I'm sorry. Magdadropout nalang ako, hindi ko na kayang magstay sa school na 'yun----.”

“What? Bakit ka naman magdadropout? You're doing well, nabalitaan ko pinuri ka ng mga teachers niyo. Pinagbubutihan mo talaga ang pagaaral. I'm so proud of you.”

Eh? What the..

Natapos ang tawag pero nakatulala parin ako sa kawalan. Tuwang tuwa si Kuya, pinupuri daw ako ng mga teachers. Pati na ng mga kaklase ko, tuwang tuwa din daw sa'kin. Muntik pa akong mapasuka nung sinabi 'yun ni Kuya. Jusko, ano bang kasinungalingan ang sinasabi nila? Eto namang si Kuya, paniwalain. Eexplain ko pa lahat sa kaniya eh, binabaan naman ako. Kesyo may gagawin pa raw siya.

Napaisip tuloy ako. Siguro hindi alam ni Kuya 'yung nangyayari sa loob ng school kaya ganon siya? O kaya naman alam niya talaga pero nililihim niya lang. Aishh, ayaw ko nalang magisip.

“LABAS!.”

Tss. Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko pinansin 'yung tumatawag sa labas at saka nagtalukbong nalang ng kumot. Yes, rinig na rinig 'yung tawag niya. Ang lakas kasi ng bunganga ni Wavin.

“LABAS SABI, KAPAG HINDI KA LUMABAS SISIRAIN KO 'TONG GATE NIYO!.”

Aish, punyemas!

Padabog na naglakad ako palabas. Gulo gulo ang buhok ko at namumugto ang mata ko, hindi ko na inayos ang sarili ko. Wala na akong pakealam sa sasabihin niya.

“Anong kelangan mo----.” napatigil ako.

“..niyo?.”

Nandito din sina Tim at Gray. Hah, ano naman kayang trip nila? Nakatingin sila sa'king tatlo na parang nakakita ng multo. Halos dalawang minuto nila akong tiningnan bago magsalita si Tim.

“George, about what happened---.”

“Sino ka nga uli? I'm sorry, nalimutan ko bigla pangalan mo eh.” pagputol ko sa sinasabi niya. Kita ko ang pagkagulat sa mata niya, kita ko rong nasaktan siya. Buti nga sa'yo!

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon