抖阴社区

Chapter 18

155 8 0
                                    

Hatred

Agad na napatakbo sina Gray sa kinaroroonan nina Zero at Spade. Paulit ulit na sinusuntok ni Zero si Spade samantalang hindi naman siya ginagantihan nito. Nagpanic na ang lahat, kaniya kaniyang sigaw. Kaniya kaniyang pigil sa dalawa perp walang makalapit. Maging si Archer ay natuod lang sa kinatatayuan niya. Aawat sana 'yung bodyguard nina Lolo pero pinigilan sila ni Lolo na nakatingin lang din sa kanila.

“Zero! Tama na!.”

“Awatin niyo sila, awatin niyo huhu.”

“'Yung mukha ni Spade, Omg. Duguan na siya!.”

Bugbog sarado na si Spade pero hindi parin siya nalaban. Bakit ganon? Bakit hinahayaan niya lang na bugbugin siya ni Zero? Ano ba talagang ginawa ni Spade at galit na galit sila? Kahit anong ginawa niya hindi parin tama na saktan siya, ayokong maging pakialamera na naman sa paningin nila pero kailangan kong makialam.

Tumakbo ako palapit sa kanila. Nandoon nadin sina Gray, Tim at Wavin na inaawat si Zero na ayaw magpaawat. Habang papalapit ako ay mas lumalakas ang hiyawan. May iba pa na mangiyak ngiyak sa gilid katulad ni Corine. Nilampasan ko silang lahat at lumapit sa nagaaway. This time kita ko na ang itsura nilang dalawa, bugbog sarado na si Spade, duguan pero bakit nakangisi siya?

Tuwang tuwa ba talaga siyang sinasaktan siya o bro language din nila 'tong dalawa? Samantalang kitang kita naman ang galit sa mata ni Zero. Halatang wala siya sa sarili niya, walang kinatatakutan. Wala siyang pakealam kung ano man ang mangyari.

“Tama na!.” sigaw ko pero natabunan lang din ng ibang mas malakas ang boses. Napangiwi ako nang makitang pati sina Wavin, Tim at Gray ay sinuntok na ni Zero. Ayaw talaga paawat. Jusko.

“FUCK YOU, ZERO!.” inis na sigaw ni Wavin na nakahandusay sa lupa. Pinigilan naman siya nina Gray at Tim sa pagsugod.

Lumalala na ang sitwasyon, jusko! Anong gagawin ko? Si Lolo!

Sinenyasan ko si Lolo na pigilan ang mga nagaaway, may mga bodyguard siya na di hamak na malalaki ang katawan. Kayang kaya nila pigilan 'tong mga 'to. Akala ko uutusan niya 'yung bodyguard niya na pigilan pero nginitian niya lang ako, sumenyas pa siya ng 'okay' sakin.

Napangiwi naman ako. Anong okay? Walang okay sa nangyayari. Baka mamaya deds na 'tong mga 'to mamaya. Hayy, bahala na! 

Naglakad ako palapit kay Spade at Zero, ganoon parin ang nangyayari. Nagugulat na tiningnan ako nina Gray, pinanlakihan ako ng mata parang sinasabi nila na 'ano na namang katangahan ang gagawin ko'.

Hayy, bahala na!

“Zero!.” malakas ang sigaw kong tawag sa kaniya.

Akala ko lilingon siya pero patuloy lang siya sa pagsuntok kay Spade. Dinedma ako! Aba. Sa inis ko ay hinigit ko 'yung balikat niya para mapalingon siya sa akin, nang humarap siya ay saka ko siya buong lakas na sinapak.

“Sabing tumigil ka na eh!.”

Imbyerna 'to ah. Napahandusay siya sa lupa dahil sa suntok ko. Aba, dapat lang! Lahat ng inis, galit ay sinama ko dun sa suntok 'yon. Ouch! Antigas talaga ng mukha niya. Pati kamao ko ay namumula.

“Omg!.” lumapit agad si Corine kay Zero na nakahandusay sa lupa. Magkahalong gulat at inis ang ipinupukol niya sa'king tingin samantalang galit naman akong tiningnan ni Zero.

So, kasalanan ko pa? Lumapit ako kay Spade na duguan ang mukha. Ginawang punching bag ni Zero ang gwapo niyang mukha, tss. Inalalayan ko siyang tumayo. Maging si Tim ay lumapit na din para tulungan akong alalayan si Spade.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon