抖阴社区

Chapter 109

123 6 4
                                    

Married

Mas may imamalas pa ba ang araw na 'to? Juskooo.

“Teka lang naman, nanggaling na 'ko diyan. Ayoko ngang ikasal e.”

Nagpumiglas ako ng nagpumiglas pero ayaw talaga akong bitawan. Idagdag pa 'yung posas sa kamay ko. Sinulyapan ko ang Class Z para manghingi ng tulong kaso tumatawa pa ang mga walanghiya.

“Baka si Nero talaga ang trulab mo!” nangaasar na wika ni Zedrick.

“Pfft." Si Jacob na kasama sina Corine na kanina pa kakwentuhan.

Sinulyapan ko sina Wavin at Tim na nagbabye pa sa'kin. So, walang tutulong sa'kin?

“Bakit ba kasi ako na naman ang nakita niyo? Ayoko nga sabi e!”wika ko kasabay ng pagpupumiglas.

“Ang kulit mo naman!”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw kaya dito, palit tayo!”

Kaasar. Sabi na kasing ayoki nga. Todo hila pa don sa gitna. Sa unahan na kami dinala kasi ayaw parehong maglakad papunta don, kinaladkad tuloy kami.

“Ayoko nga sabi!---."

I was cut off.

“MAS LALONG AYOKO!" Sigaw ni Nero na ikinatawa nang lahat. Napatigil ako sa pagpupumiglas at nakangiwing tiningnan siya. Todo galaw pa siya para lang makaalis pero wala namang epek. Hanggang sa mapagod nalang siya at ako naman ang balingan.

“Ikaw!" Dinuro niya ako habang nanlalaki ang mga mata niya. “Ikaw ang nagsulat neto no! Kunwari ka pa, gusto mo palang ikasal sa'kin. Nakakadiri ka!”

Napanganga ako sa sinabi niya.

“Bakit ko naman gustuhing ikasal sa'yo? Hindi pa 'ko nababaliw!”

“Ah, ganon?”

Akmang lalapit siya sa akin nang magsalita si Louis. “Guys, chill. Hindi dapat ganyan ang ikakasal.”

YAK! Nakakasuka talaga lagi ang sinasabi ni Louis. Pari ba talaga ang role niya o joker? Nakakadiri.

“So gross.” komento ni Nero.

Natawa si Louis sa inaakto ng kapatid niya. “By the way, pakibigay 'yung veil at flower bouquet.”

May sumulpot na mga babae na may dalang veil at flower bouquet. Agad na inilagay sa akin 'yung veil at pilit na pinahawak 'yung bulaklak. Tinanggalan na din kami ng posas pareho.

“Ano 'to?”

Maang na napatingin ako kay Louis na nagpipigil ng tawa.

“Wala naman nito kanina ah.”

Bakit may paganito na?

“We upgraded our booth and you're lucky dahil kayo ang unang nagkaroon ng ganiyan.”

Lucky? Susko. Aalis na 'ko dito! Aalis ako.

Tulala na si Nero dun sa tabi. Siguro nagulat din siya sa nangyayari. Napailing ako bago magsisimula na sanag maglakad.

“EXCUSE MEE?! "

Shuta! Kagugulat naman 'yon.

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Bigla ba namang sumigaw ng pagkalakas lakas si Nero.

“Bakit siya may bulaklak and veil? Bakit hindi ako ang meron?" Iritableng wika ni Nero.

“Kasi nga babae siya.” sagot ni Louis.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon