抖阴社区

Chapter 62

145 6 2
                                    

Examination (Part 2)

Nakauwi na sina Corine. Matapos humagulhol sa harapan naming lahat ay tumayo sya na parang hindi sya umiyak, nagbow sya sa harap naming lahat sabay sabi ng 'sorry'.

Yeah, nagpakumbaba sya. Which is good.

Dala dala nya parin 'yung panyo ni kuya, hindi na ibinalik. Akala ko nga ay isasauli hindi naman pala. Kasama nya sina Nadya, Olyvia at Mindy sa paguwi. 'Yung mga lalaki ang natira dito syempre pati ako since nagstay pa din dito si kuya. Nakishot pa nga. Tsk.

“Teka. Bakit ganyan ang suot mo? Kaninong damit 'yan?" May puturo pa talaga sa damit ko. Gulat na gulat din yung expression nya.

Shet. Napatakip ako sa damit na suot ko. Lagot na. Pinanlakihan ko ng mata si Zero nang akmang sasagot sya. Hindi pwedeng malaman ni kuya! Edi binugbog ako non.

“A-ano kay ano…" napagkagat ako sa labi. Sinung sasabihin ko?

“KAY ANO 'YAN!"

“Oo kay ano 'yan."

Buset na mga 'to!Ginagatungan pa.

Tumayo pa si kuya tapos inikutan ako. Makikita nya 'yung Eros dun!

“Eros?"

Sabi na eh!

“It's my clothes."

Nanlaki ang mata kong tiningnan si Eros este si Zero. Inismidan nya lang naman ako.

“Sa'yo 'tong damit?!”

Ayan na. Nagalit na!

Tanga kasi ni Zero.

Tumango lang si Zero. 'Yung itsura nya parang wala syang pake, ni hindi man lang nakitaan ng kaba o ano. Well, tanga mo naman George! Bakit naman siya kakabahan?

“Yeah, I let her borrow my clothes." Hindi naman kaya ako nagsabing hihiramin ko! Imbento. “Nadulas kasi sya dahil sa katangahan nya." Sabay sulyap sa'kin ni Zero, napasimangot ako.

Katangahan ko na naman. —_—

“How about Gray? Wala syang damit?"

Napatingin ako kay Gray. Mukhang malalim ang iniisip nya. Tumikhim pa si Archer. Bakit kaya?

“May damit din si Gray! Kaso lalabhan pa." Pagsingit ni Timothy.

Tumango tango naman si kuya. “I see, next time kay Gray ka na humiram ng damit." Napanganga ako sa sinabi ni kuya, maski 'yung Egg Warriors din. Ano bang sinasabi nya? Nakakahiya! Hindi lang kay Gray kundi kay Zero din!

“N-next time magbabaon nalang ako ng damit.” napaawkward smile pa ako. Tengene.

“Alright, Let's go." Bumaling sa'kin si Kuya, napatango lang naman ako.

“S-sige, tara na."

Tumayo na din ako sa upuan ko. Hinihintay ko lang naman talagang tumayo si kuya eh. Nakishot pa kasi. Inabot na kami ng gabi dito.

“Wavin, salamat ha."

Nginitian ako ni Wavin at saka may paggulo pa ng buhok ko. Halata nang lasing sya. Pati 'yung ibang Egg Warriors, although lagi silang mukhang may tama iba padin 'yung pagkabangag nila ngayon.

“Ikaw pa ba? Lakas mo sa'kin eh.”

“Lakas mo din sa'kin, George! Este brad.”

Nakigulo din si Tim nang buhok ko. Gaya gaya talaga ket kalan. Napasimangot naman ako. “Tama na! Hindi ko na nga sinuklay 'yan, bida bida pa kayo.”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon