抖阴社区

Chapter 4

231 9 0
                                    

Forgotten goal

“Whoo, natapos din!”

Napaupo ako sa isang upuan sa pagod. Almost 20 minutes din akong naglinis. Inayos ko pa kasi ang mga nagkalat na upuan sa labas pati na lamesa na sa tingin ko ay sinadyang ilabas ng mga animal.

”Hi.”

Nakita ko ang apat na babaeng kasama nung teacher kanina. Matatangkad sila lahat at puro chicks. Witwiw.

“H-hello.” nauutal kong bati pabalik.

Nakangiti sila sa'kin kaya nginitian ko din. Syempre need kong magpabango sa mga kaklase kong babae, badshot na nga ako sa mga unggoy naming kaklase eh.

“You must be Georgina?I'm Corine Delvy, the class president.”

Ohh.. May president pala ang Class Z?Pero ba't parang hindi nadidisiplina? Ay, erase erase!

“Ako nga si Georgina Astair Noburi, kakatransfer ko lang dito.”

Lumapit silang apat sa'kin. Kumuha din sila ng upuan at saka umupo kalapit ko. Want ata nilang magchikahan.

“I'm Olyvia, this is Mindy and Nadya.” pagpapakilala ni Olyvia sa iba pa.

Nakipagshakehands din sila sa'kin. Shala talaga ng mga elite students, ang sososyal!

“So, paano ka nakapasok dito sa Noblesse High?” tanong sa'kin ni Corine. Kulot ang buhok niya at medyo tan skin.

“I don't know, basta sabi nalang ni Kuya na ililipat niya daw ako dito.” sagot ko na ipinagtaka nila. “U-uhm, bakit big deal ang pagiging transferee ko?”

“It's because hindi tumatanggap ng transferee ang section na 'to.” makahulugang sagot ni Mindy. Maikli naman ang buhok na medyo straight. Singkitin din ang kan'yang mata.

“Bakit hindi?”

Tumikhim si Olyvia at saka maarte akong tiningnan. Medyo nailang naman ako sa tingin niya.

“Normally sa ibang section lang allowed ang transferee pero I'm so confused.. ”

Sa ibang section lang allowed? Eh, ba't dito ako napunta? Ano 'yun?

“Kaya ba ayaw sa'kin nung mga Egg Warriors na 'yun--- I mean mga kaklase nating lalaki?”

“Nah, may ibang rason but it's a secret.” wika ni Nadya..

Bakit naman ayaw nilang sabihin sa'kin?

“But anyways, I hope makatagal ka.” kumindat pa sa'kin si Corine. “Wala naman kaming problema sa'yo, Just don't meddle with our business. Okay?”

Okay? Para namang gusto kong makialam sa kanila noh.

Dumating na din 'yung teacher namin kasunod niya 'yung mga asungot na mga animal kong kaklase. Sinamaan pa nila ako ng tingin. Tch, matapos kong linisin 'tong room na 'to. Kapal!

Hindi ko alam kung saan ako uupo kaya umupo nalang ako sa pinakangtabi. Ayoko kasi dun sa gitna. Lalo pa't mga buset 'tong mga kaklase ko baka bigla nalang kung ano na naman ang ibato sa'kin. Edi wala akong lusot dun. -,-

Sobrang ingay sa loob ng room, 'yung teacher naman namin abala sa ginagawa. Parang wala din pakialam sa kung ano man ang gawin ng klase niya. Hmm, hayae na mananahimik nalang ako dito.

Prenteng prente na akong nakaupo ng parang biglang may sumipa sa upuan ko. Hindi ko pinansin dahil alam kong masamang espiritu na naman 'yon na hindi matahimik ang kaluluwa.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon