Lashengg
Nahihilo ako.
Bumabalik na naman ang sakit ng ulo ko. Pero uminom naman ako ng gamot kanina, ayyst. Hindi effective 'yung gamot.
Pinagmasdan kong mabuti ang mga nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Andon nga pala sina Timothy at mukhang masayang masaya sila. I wonder if I can join them too.
“Aww, s-sumasakit ang ulo ko."
Hinawakan ko ang ulo ko dahil na rin sa pagkirot nito. Jusme, lalagnatin ata ako.
Teka.. Nanlalabo ang paningin ko. Tinapik tapik ko ang pisngi ko at saka umiling iling. Hindi naman siguro 'to dahil sa kinain ko kanina. 'Yung luto lang naman ni kuya 'yung kinain ko e, wala naman sigurong lason 'yun. Kung si Zero pa ang nagluto baka meron pa pero kung si kuya? Takot lang non na mawalan ng magandang kapatid.
“Ay sira." Natampal ko ang sariling noo. Ano ba 'tong iniisip ko. Si Zero ipagluluto ako? Saan nanggaling 'yon. Aish, nakakatakot na minsan yung lumalabas sa imagination ko. Gusto ko nalang maging siopao.
Masaya kayang maging siopao?
Napailing akong muli sa naisip. Napakasama kong tao. Malamang na hindi magandang maging siopao, mapapunta ka ba naman sa sikmura ng tao. Hayy, napakasama ko. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman nila.
“Sorry, siopao."
Kung sino man ang pinuno ng samahan ng mga siopao, humihingi aki ng pasensya! Sorry talaga---.
“Uhm, miss?"
Eeee? May nagsalita!
Napamulat ako at saka napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Nandito pa rin 'yung waiter kanina. Kulang nalang magkaroon ng question mark sa taas ng ulo niya. He really look confused.
“Ano yun?"
Kahit gaano ko pa siya katagal titigan hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Ano kayang iniisip ni kuyang waiter?
May nagawa na naman ba ako?!
“Kanina mo pa kasi hawak hawak 'yung tray na dadalhin ko, ma'am."
Tray? Hawak ko 'yung tray?
“E, ba't ko naman hahawakan 'yung tray──."
Oh-uh. Bakit… MAY HAWAK AKONG TRAY?!
Agad kong binitawan 'yung tray na hawak ko, muntik pang mahulog 'yung baso na nandon. Nanlalaki ang matang tiningnan ko si kuyang waiter.
“Hala kuya, waitress na ba ako?"
Hindi naman ako aware na nagapply ako as waitress. O baka naman hindi ko lang tanda? Siguro malaki ang sweldo kaya napapayag ako na magwaitress.
“Ha? H-hindi, miss!"
Hindi? So, bakit ko hawak 'yung tray?
“Inagaw mo, remember?"
Napatingin ako don sa nagsalita, walang iba kundi si Zero. Nandito pala siya, hindi ko napansin. Nakahalumbaba pa siya habang tila amuse na nakapanood sa amin.
“Hindi ako mangaagaw no!"
“But you did."
Nanlaki 'yung mata ko at saka napatakip sa bibig. So, ibig sabihin… kabit ako?!
“Ibig sabihin… k-k-kab-."
“Not what you're thinking."
Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin 'yun nung impakto. Buti nalang hindi ako kabit. Hooo.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...