抖阴社区

Chapter 127

117 5 0
                                    

Gray's Birthday

“George, ano nakapili ka na ba?"

Naniningkit ang mata ko habang nakatingin sa mga relo na nakadisplay. Ang gaganda! Astig ng mga design. Halatang yayamanin. Alin kaya ang babagay kay Gray?

Birthday na ni Gray bukas. Nauna lang sa kaniya si Corine at ngayon b-day na nya. Binulabog ako nina Timothy kaya ko nalaman. Dali-dali kaming pumubta dito sa mall para maghanap ng panregalo.

Kahit naman hindi kami okay need ko pa ding magregalo.

“HOY! ANO NA!"

Ingay naman ni Wavin. Sinenyasan ko siyang manahimik. Kita nang nagcoconcentrate yung tao eh. Titingnan ko na yung presyo, eto na!

T_T 

Grabe! Bagsak ang balikat na napayuko ako. Nakakapaiyak yung presyo. Wala pa yun sa kalahati ng dala ko eh! Ano ba yan.

“Gulat ka ba? Ano kaya ba?" Sinisilip pa ni Timothy ang mukha ko. Agad kong itinulak yung mukha niya palayo.

“Aray ko naman!"

“Sino ba kasing nagsuggest na ito ang iregalo?" Nagiwas ng tingin si Timothy. See, guilty! “Mamumulubi ako dito eh."

Duks na nga ako mas lalo pang mamumulubi. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganon kalaking halaga. Isang tao ko na nga yatang baon yun ih.

“PABORITO KASI NYA YUN!"

Napasimangot ako bago sila hinila sa damit paalis. “Tara na retreat. Hindi kaya ng powers ko yan."

Paborito niya nga pero hindi keri. Next time nalang siguro. Kapag may trabaho na 'ko.

“Powers? Kili Kili powers ba 'yan?"

Kili-kili powers?

“HINDI TANGA! MENTAL POWERS!"

Mental powers? Kili kili? Yung inis ko, tumataas pati na yung kilay ko. Nagsisimula na naman sila.

“Kili kili nga!"

“MENTAL!"

—_—  Sige! Ituloy niyo lang yan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa mga damit nila. Tumaas ang kamay ko sa may kwelyo ng damit nilang dalawa. Hywag lang silang magkakamali, hawak ko buhay nila.

“Kili-kili---*COUGHS. George, nasasakal ako!"

Hinarap ko siya at saka nginitian. “Gusto mong sakalin pa kitang lalo?"

Biglang namutla! Takot naman pala e. Lakas mangasar, tch. Napakawalangya, anong kili kili powers ang sinasabi niya? Araw araw akong naliligo at walang amoy ang kili kili ko no!

“AYAN, I TOLD YOU NOT TO TEASE HER!"

Wow! Nagsalita. Hinigpitan ko rin ang hawak sa kwelyo ng damit niya. “*COUGHS…BAKIT PATI AKO, PANGET?!"

Nagtanong ka pa. Sarkastikong nginitian ko sila. “TAHIMIK."

Sinigurado kong matatakot sila sa tono ng pananalita ko at sucess! Parang mga tuta ang dalawang 'to. May pagplease pa para hindi ako magalit sa kanila. Tch, plastik talaga.

“Dun tayo."

“Teka!"

“MAKAHILA NAMAN 'TONG BABAENG 'TO!"

“Reklamador."

KalalaKing tao, napakareklamador. Todo reklamo pa habang hinihila ko sa may bookstore.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon